KABANATA 13
GABI-GABI AY MUGTO ang mata ko dahil hindi pa rin matanggap ng puso at isip ko ang lahat. Kapag naririnig ko ang kwentuhan ng mga katulong sa isang palabas patungkol sa kabit ay sobra akong natatamaan.
Galit na galit sila at kung sila raw ang nasa posisyon ng legal wife ay baka raw hindi lang sampal at sabunot ang aabutin ng kabit, papatayin pa raw nila.
Iyak ako nang iyak at natatakot sa sasabihin ng iba. Hindi ko akalain na dadating sa puntong malalagay ako sa posisyon bilang kontrabida ng buhay ng iba. Pakiramdam ko ay napakasama ko. Kahit anong pagsisimba pa yata ang gawin ko ay hindi na gaganda ang imahe ng pagkatao ko. Nagkasala ako! Nagkasala ako! At labag sa Diyos ang ginawa ko.
"Meryenda muna kayo." Nilapag ni Mommy ang meryendang hinanda niya para sa amin ng tuitor ko.
Hindi muna kasi ako pumapasok sa modelling dahil hindi rin naman ako makakakilos nang maayos at gulong-gulo pa ang utak ko.
At palagi na rin akong sumasama kina Mommy kapag dadalaw sila kina Kuya Jam, o, kaya ay kina Kuya Gab.
Alam kong nagtataka sila sa ikinikilos ko dahil ngayon ay hindi ko na sila sinusuway. Ginagampanan ko rin ang home school activity ko. Hindi muna kasi ako ngayon pumapasok sa girls school na dating pinapasukan ko. Pumayag naman si Dad dahil mas gusto niya iyon dahil ligtas ako. At iniisip niya rin na malabo na kaming magkita ni Atreo kapag gano'n ang setup.
Kung alam lang nila ang tunay na nangyari. Baka magalit sila sa akin dahil sa katangahan ko. Ang apelyido ni Daddy na iningatan niya ay masisisira lang nang dahil sa akin. Kung sana lang ay kasingtatag ako nila Kuya na kahit paganahin pa nila ang kabaliwan nila ay kaya nilang makalusot sa gulong kinasasangkutan nila.
Umakyat ako sa taas matapos ang mahabang oras ng pag-aaral ko. Naupo ako sa kama ko at muling natulala. Ganito ako kapag mag-isa lang ako. Natutulala at walang gana sa buhay. Parang ang maliwanag kong pananaw noon ay nawala. Lahat ng iyon ay nawala nang isang iglap dahil lamang sa pagmamahal ko kay Atreo.
Napatingin ako sa larawan namin ni Atreo na nasa aking cellphone pa rin. Napapikit ako saglit at nanginig ang kamay ko habang tinitingnan ang lahat ng kuha naming dalawa. Pinindot ko ang delete all at sa isang iglap ay nabura na ang lahat ng litrato naming naipon sa phone ko.
Kailangan kong alisin ang lahat ng bagay na nagpapaalala sa kanya. Even his text messages and number in my contact list, I delete it all.
Inis na inis ako kapag patuloy pa rin siyang nagpapadala ng message and calls. Palagi niya akong tinatawagan at tine-text kahit pa hindi ko iyon sinasagot o nirereplayan.
Ano pa ba ang gusto niya? Bakit hindi na lang niya ako tantanan at asikasuhin na lang niya ang asawa niya?
Nanginig ang labi ko dahil iniisip ko na baka meron na siyang anak. Natatakot ako na baka nasira ko ang pamilya ng bata. Baka ngayon ay tumatanim sa isip ng bata na merong kabit ang ama niya.
Tila mababaliw ako sa bawat oras dahil paiba-iba ang naiisip ko. Sa sobrang konsensya na nararamdaman ko ay hindi ko na alam kung paano iyon mawawala.
Agad akong nagpahid ng luha nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Tiningnan ko kung sino ang papasok dahil bumukas na iyon. At nakita ko si Mom nang tuluyan na niyang binuksan iyon nang makitang nakatingin ako sa kanya.
"Anak, narito ang mga kaibigan mo."
Tumingin ako kina Zylene at Allison na kasunod ni Mommy at ngumiti sa akin. Lumabas na si Mommy para iwanan muna kami.
"Nice room. Parang prinsesa lang," komento ni Zylene nang ilibot ang tingin sa kwarto ko.
"Kumusta ka na, bitch?" Bumeso sa akin ang dalawa at naupo sa kama sa magkabilang gilid ko.
BINABASA MO ANG
The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)
Ficción GeneralWalang ideya si Grace nang siya ay mapadpad sa isla kung saan niya nakilala si Atreo. Nagising na lang siya na wala nang maalala. Ang tanging alam lang niya ay ang kanyang pangalan. Noong una pa lang ay tila ilap na sa kanya si Atreo, ngunit kahit...