KABANATA 6

46.9K 1K 113
                                    

KABANATA 6

NAPASINGHAP AKO NANG biglang may yumakap mula sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko si Atreo na topless at naka-boxer lang. Naghuhugas kasi ako ng pinagkainan kaya hindi ko siya naramdaman na lumapit sa akin.

"Are you done?" bulong niya sa seryosong tono habang marahang pinipisil-pisil ang baywang ko at ginigitgit ako. Napalunok ako at napakagat ng labi nang dumampi ang ilong niya sa balikat ko upang amuyin patungo sa expose kong leeg.

"Matatapos na ako rito." Kahit hirap akong makagawa ng salita ay sinikap ko na matugunan siya.

Humawak naman ngayon ang mga kamay niya sa braso ko at hinaplos pagapang sa kamay ko na puno ng sabon habang may hawak na sponge.

"Hayaan mo na d'yan 'yan," aniya at binuhay ang gripo at tinapat ang kamay ko para hugasan niya.

Hindi ko akalain nang dahil sa pang-aakit ko at sa nangyaring halikan na namagitan sa amin noong nakaraan ay magiging ganito siya kadikit. Kapag nariyan ang Vipers ay para siyang masungit na General, pero kapag kami lang ang naiiwan ay hinihila niya ako sa isang sulok para halikan.

Pero ngayon ay kakaiba. Parang bawat haplos niya at dikit sa akin ay may init na hatid iyon na nagpapataas ng balahibo ko.

Agad niya akong hinila nang makapaghugas at sabon ako ng kamay. Wala ang Vipers sa buong bahay dahil nasa labas ang mga ito at pinag-training ni Atreo.

Pagkasara ng pinto ng kwarto niya ay sinandal niya ako at tumitig sa akin. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pinagsama-samang pananabik, pagnanasa at pagkamangha na hindi ko rin alam kung saan nagmumula.

Unti-unting lumapit ang mukha niya hanggang sa isang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin. Amoy na amoy ko ang mabango niyang bibig na bagong toothbrush at mouth wash. Pumungay ang mga mata ko habang magkatitigan kami.

"Kapag nakuha kita, ayokong may iba ka pang lalandiin. Naiintindihan mo?" aniya habang sumasayad ang ilong niya sa ilong ko.

"Anong ibig mong sabihin? Ibig sabihin ay boyfriend na kita?"

Napangiti siya habang humihimas-himas ang kamay niya sa baywang ko.

"Yes. And you are my girlfriend now. I don't want to share what is mine."

Lumuwang ang ngiti ko at napahawak ako sa dibdib ko dahil damang-dama ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko mapigilang kiligin sa kaalaman na boyfriend ko na siya.

"Ano ba ngayon?"

"Hmmm . . . Saturday?" tugon niya na nalilito.

"Hindi. Ang ibig kong sabihin ay anong petsa na."

"August 26."

"Edi iyan ang date na mag-couple na tayo."

Natawa siya at napailing na tila isang kalokohan sa kanya iyon. Napasimangot ako at tinulak ko siya kaya napatingin siya sa akin nang may gulat sa mukha.

"Pinagtatawanan mo ba ang sinabi ko?"

"No. I'm just impress. Hindi ko akalain na uso pa sa 'yo ang gano'n."

Hinampas ko siya sa dibdib at nagpapadyak ako dahil ginagawa niyang biro ang sinabi ko.

"Syempre uso iyon. Dapat ide-date mo ako sa first monthsary natin. Kahit weeksary pa 'yan o anniversary, dapat din i-date mo ako."

"Okay, okay. Don't worry about that." Hinalikan niya ako sa noo kaya napangiti ako.

"Bahala ka, kapag nakalimutan mo ang isa sa mga iyon, mag-be-break na tayo," banta ko kaya napahalakhak siya.

The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon