KABANATA 31

41.9K 904 71
                                    

KABANATA 31

"MA'AM, SINO PO 'yong lalakeng bigla na lang umeksena?"

"I don't know. Baka baliw."

Padarag kong binuklat ang page ng script habang nakakunot ang noo ko. Aist.

"General Atreo." Tumingin ako kay Aallotar nang ibulong niya iyon kay Danie. Napatikom ang bibig niya at hinarang niya sa mukha niya si Lora nang mapansin na tiningnan ko siya. Napailing ako at muling binaling sa script ang mata ko.

"Gracy, take ulit tayo."

Napahinga ako nang malalim at tumayo na bago ko inabot kay Danie ang script.

"'Wag na." Pinigil ko ang makeup artist ko nang ambang i-re-retouch muli ako nito. Tumingin ako kay Danie at sinenyasan ko siya na bantayan si Aallotar na kinatango nito.

Naglakad na ako patungo kay Direk Hans na may sinasabi kay Claire at Alexander.

"Diyos ko. Kitang-kita ang pasa mo, Alexander. Hindi na matatapalan 'yan ng makeup."

"Eh, Direk, sa lakas ng suntok sa akin ng lalakeng iyon, parang umuga ang ngipin ko sa gilid."

"Paano 'yan? Kailangan mo muna ngayon ng ka-double"

"Director Hans, tutal ay gwapo naman ang sumuntok kay Alexander. siya na lang ang ipalit mo." Matalim na tingin ang binigay ko kay Sofia Claire. Tsk.

"Hindi siya artista, Sofia Claire. Kaya maghanap na lang kayo ng iba sa mga crew."

"Gracy, tingin mo may iba pang gwapo sa crew? E, mas lamang ang kagwapuhan no'ng army na iyon kaysa kay Alexander."

"Are you insulting me, Claire?" sabi ni Alexander.

Tumingin ako kay Direk Hans at halos umikot ang mata ko nang makita ito na lumapit kay Atreo at kinausap. Nang mapatingin sa gawi ko si Atreo ay agad akong umiwas ng tingin at umismid sa iritasyon.

"Okay, guys, two minutes break muna!"

Nang inanunsyon iyon ni Direk ay agad akong nagmartsa patungo sa tent ko habang napupuyos sa inis dahil tila balak na sundin ni Direk ang suggestion ni Sofia. "Ma'am, tapos na agad ang eksena n'yo?"

"Hindi pa." Padarag na binuklat ko muli ang script ko habang nakaupo.

"Gracy, are you mad?"

"No."

"But you're shaking."

Huminga ako nang malalim dahil hindi ko napansin na nanginginig pala ang kamay ko habang hawak ang script. Binitiwan ko ito sa kandungan ko at kinuha ko ang bottled water at uminom ako.

"Ma'am, pasensya na po sa itatanong ko. Pero nagtataka po ako kung sino si Aallotar sa buhay n'yo?"

Napatigil ako sa tanong ni Danie. Oo, kasama ko na siya nang mahigit isang taon na rin bilang assistant ko, pero kailanman ay wala siyang alam sa relasyon namin ni Aallotar sa isa't isa. Dahil ayokong ibahagi sa kanya ang sikreto ko sa buhay. Ayos na kaunti lang ang nakakaalam na anak ko si Aallotar. Ayokong ma-expose siya sa media at sa ibang taong maaaring makasakit sa kanya.

Si Aallotar Agafya ay ang aking anak. siya ang pinagbuntis ko na siyam na buwan na kamuntikan nang mawala sa akin.

Pero nang ipanganak ko na siya ay sobrang saya ko talaga na masilayan siya. Iba ang saya at sigla na idinulot niya sa akin. Habang kilik-kilik ko siya ay pakiramdam ko ay mababali ko ang buto niya o 'di kaya ay mahulog ko siya dahil sobrang kinakabahan ako sa unang pagbuhat ko sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam na nahawakan ko siya at natitigan ang cute niyang mukha. Kamukha ko siya kaya sobra ang kasiyahan ko na hindi niya nakuha ang mukha ng ama niya.

The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon