KABANATA 35
ATREO'S P.O.V.
PAKIRAMDAM KO AY napakalas ng pwersa na nakapalibot sa paligid ko. Inaamin ko na kumakabog ang dibdib ko, pero nilakasan ko ang loob ko habang pinapakiramdaman ang mga Esteban. Si Sir James, Gab at Jam Esteban ang nasa harap ko.
Siguro ay napanood nila ang nangyari kagabi sa premiere night ng movie ni Grace. Kaya umagang-umaga ay agad silang napasugod dito.
"Anong intensyon mo ngayon sa kapatid namin, Alvarez?"
Tumingin ako kay Jam na nakatingin sa akin nang seryoso habang nakadekwarto at nakahalukipkip na nakaupo sa sofa.
"Wala akong intensyon na masama kay Grace. Gusto ko lang na makasama siya at ang anak namin, at mabuo ang pamilya namin."
Napahalakhak ang kambal at tila ba isang biro ang sinabi ko.
"C'mon, hindi lang sinasabi iyon, ginagawa iyon. Baka kapag hinayaan ka namin ay saktan mo ulit si Grace. Baka puro ka lang salita," wika ni Gab.
"Hindi. Nangangako ako sa inyo. Hindi ko man maipapangako na hindi ko siya masasaktan, pero pinapangako ko naman na mamahalin at hindi na muli ako magkakamali."
Napatingin ako kay Sir James nang may inabot siyang black card sa akin. Kinuha ko ito at nakita ko ang pagkislap ng nakaukit na salita sa black card. Mafia.
"Gusto mo bang sumali sa agency ko?"
Napalunok ako dahil kinakabahan ako kapag tumanggi ako. Mafia. Hindi ko alam kung ano ang kalakaran nila, pero masyadong madugo at maraming kalaban kung sasali ako.
"Pwede ho bang tanggihan?"
Ngumisi ito na kinaasik ng dalawa na si Gab at Jam. Tila ba nainis sila sa sinabi ko. Damn. Napakainit ng ulo nila, at tila kanina pa ako gustong barilin ng dalawa kung hindi lang namin kaharap ang ama nila.
"Bakit mo tinatanggihan ang alok ko?" Humigop ng kape si Sir James habang hinihintay ang tugon ko.
"Sir, masyadong magulo ang mundo ng mafia. Ayos na ako sa pagsusundalo. At ayoko rin ho na mapahamak ang pamilya ko."
"Kaya mo bang buhayin ang anak ko at apo ko sa pagsusundalo mo?"
"Kaya ko ho. May naipon po ako, at may bahay at rest house."
Napatango si Sir James at tumayo na mula sa pagkakaupo sa sofa. Naglahad siya ng kamay kaya agad akong tumayo at tinanggap ang kamay nito.
"Oras na mambabae ka o saktan ang anak ko ay sinisiguro ko sa 'yo na hindi na kita pagbibigyan." Tumango ako at bumitiw sa kamay niya. "Tinatanggap na kita. You can call me Dad if you want."
Ngumiti ako at tiningnan siya na umalis na sa harap ko. Siguro ay pupuntahan nito ang mom ni Grace na kasama ni baby sa kusina. Maging ang mga asawa nina Gab at Jam.
Tumingin ako sa dalawa nang tumayo sila at lumapit sa akin bago ako hawakan sa balikat.
"Let's drink later. Siguro naman ay hindi ka tatanggi."
"Hindi. Sige, sabihin n'yo lang kung saan."
Ngumisi sila at alam ko na may pinaplano ang dalawa. Pero hinayaan ko na dahil gusto kong umayos ang tingin nila sa akin at tanggapin bilang asawa ng kapatid nila.
Inaya na kami ng mga babae at sabay-sabay na nagsalo-salo ng agahan. Pagkatapos no'n ay umuwi rin naman ang pamilya ni Grace.
"Father, when can I go to school?"
Hinaplos ko ang likod ni Aallotar habang nakahiga siya sa akin at nakadapa. Narito kami sa sala at nakahiga sa sofa at nagpapahinga. Inaantok pa raw siya.
BINABASA MO ANG
The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)
Ficción GeneralWalang ideya si Grace nang siya ay mapadpad sa isla kung saan niya nakilala si Atreo. Nagising na lang siya na wala nang maalala. Ang tanging alam lang niya ay ang kanyang pangalan. Noong una pa lang ay tila ilap na sa kanya si Atreo, ngunit kahit...