KABANATA 32
NAPAINOM AKO NG tubig at halos mabasag ang baso nang ibaba ko ito sa kitchen bar matapos kong uminom. Taas-baba ang dibdib ko at hindi ko mapigilan na panginigan ng kamay dahil sa nangyari.
God. Why did she tell that to him? Hindi niya dapat malaman. Ayokong magkaroon siya ng dahilan para lapitan muli ako o 'di kaya ay si Aallotar.
Huminga ako nang malalim at seryoso ang mukha na lumabas ako ng kusina. Umakyat ako sa taas at tinungo ko ang kwarto namin.
Nakita si Aallotar na hawak ang cellphone ko kaya agad akong lumapit sa kanya at inagaw ito na kinagulat niya.
"Ito ba? Ito ba ang ginamit mo para tawagan siya? Kailan ka pa natutong gumamit nito? At bakit ba napakatigas ng ulo mo?!"
"I want to know him more, Gracy. He's my father."
"He's not your father, okay?! He's not!"
Tumulo ang luha niya habang nakikipagtitigan siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit napaka-advance niyang mag-isip. Kaya madali na siyang sumuway sa akin.
"He's my father. I feel it."
Napamaang ako habang nakatingin sa kanya na lumuluha. Napalunok din ako dahil sa sinabi niya.
"Bakit po ba ayaw n'yong makilala ko ang ama ko? Is it because he hurts you? What about me? I want a father, Gracy." Huminto siya at inabot ang phone ko na hawak ko. May kinalikot siya sa phone ko. Napabuka-sara ang bibig ko nang ipakita niya sa akin ang last conversation namin ni Allison. "Tita Allison, confirmed it. He's my father . . . Noon po, nagtataka ako kung bakit galit agad kayo sa kanya? Kakakita n'yo pa lang naman po. Kaya inobserbahan ko po kayo. And the way you two looked to each other; I know there's something going on with you two . . . Gracy, I'm so desperate to have a father . . . He's so nice to me when the first time we met. Gracy, gusto ko pong makilala ko siya. Makasama. Gusto ko po na may father ako."
Napakurap ako at napahawak sa dibdib ko dahil wala na akong masabi sa kanya. Para akong biglang tinakasan ng lakas at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.
Umiling ako at inagaw ko muli sa kanya ang phone ko.
"Hindi . . . Hindi mo siya kailangan, Aallotar. At ayoko na lalapit o tatawagan mo siyang muli, maliwanag ba? Dahil oras na gawin mo ulit iyon . . . magagalit na ako sa 'yo."
Napasimangot siya at tumulo ang luha niya. Tiningnan niya ako habang lumuluha siya. "I don't understand you, Mother."
Matapos niyang sabihin iyon ay agad niyang hinawakan ang button ng wheel chair niya para paganahin upang umusad. Napamaang ako at napaluha habang tinitingnan siya na lumabas ng kwarto. Napahawak ako sa dibdib ko at lumapit ako sa kama bago napaupo.
Napapikit ako at napaiyak. Hindi ko gustong ipagkait sa kanya iyon, pero ayoko nang magkaroon pa ng kahit na anong koneksyon kay Atreo. Ayoko nang magulo muli ang buhay ko dahil sa kanya. Quotang-qouta na ako sa sakit. Sa lahat ng pait na dinala niya sa buhay ko.
Sana maintindihan ni Aallotar na mahirap sa akin ang hinihiling niya. Hindi madali sa akin na muling makita o makaharap muli si Atreo. Na pag nakikita ko ay pagkamunhi agad ang nararamdaman ko.
Nang mahimasmasan ako ay nagpahid ako ng pisngi at tumayo. Pinaghawak ko ang mga kamay ko habang palabas ng kwarto. Nagpunta ako sa room kung saan gusto ni Aallotar na mapag-isa.
Sa kanyang room. Pinihit ko ang seradura at walang ingay na binuksan ko ang pinto. Nakita ko siya na nakatalikod sa akin. Umiiyak siya habang nag-do-drawing sa sketch pad niya.
Nagkalat ang mga nakabilot na papel sa sahig na pinag-drawing-an niya. Maingat akong humakbang papasok at pinulot ko ang papel na kakatapos niya lang itapon. Binuklat ko ito at nakita ko na gumuhit siya ng lalake. At alam ko na si Atreo ito.
BINABASA MO ANG
The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)
Narrativa generaleWalang ideya si Grace nang siya ay mapadpad sa isla kung saan niya nakilala si Atreo. Nagising na lang siya na wala nang maalala. Ang tanging alam lang niya ay ang kanyang pangalan. Noong una pa lang ay tila ilap na sa kanya si Atreo, ngunit kahit...