KABANATA 25

32.8K 841 44
                                    

KABANATA 25

SOBRANG TAHIMIK NG paligid at parang may mga bugs na umaalingawngaw sa paligid sa sobrang tahimik at tensyon na lumulukob ngayon. Parehong nagpapakiramdaman ang bawat panig.

"Mommy, who is she?"

Ang batang lalake ang siyang nag-alis ng katahimikan sa harap ng hapagkainan. "She's your daddy's mistress, Ethan."

Galing din nitong si Suzane. Talagang nagagawa niyang sabihin iyon sa anak niya! Ang inosenteng bata na ngayon ay tila nakakaintindi ng sinabi ng kanyang ina kaya masama itong tumingin sa akin.

"Stop it, Suzane."

"At bakit? Totoo naman ang sinasabi ko. She's still a mistress. Your mistress, Atreo." Talagang pinagdiinan pa niya.

"Suzane." Pinigilan ng mommy ni Atreo si Suzane kaya tumahimik na ang bruha pero ngumisi ito sa akin.

Matapos ang isang linggong pag-stay namin ni Atreo sa Greece, umuwi na kami at dito na nga kami tumuloy. Masaya ako sa naging bakasyon kina Grandma. Sobra talaga ang hiya ko sa matanda nang maiwan namin ito dahil sa pagseselos ko, pero hindi naman pala nito napansin ang pag-alis namin kaya nakahinga ako nang maluwag no'n nang binalikan namin ito.

Mabuti pa sa bahay ni Grand Ma, pakiramdam ko ay welcome ako. Pero sa bahay ng parents ni Atreo, sa bungad pa lang ng pinto ay ramdam ko na ang hindi pagtanggap ng mga tao sa akin dito. Even the maids.

"Bakit ba nandidito kayo, Atreo? Hindi ba, may bahay ka sa Pampanga?"

"Ah, Romero, ako ang nagsabi na dumito na tumira ang anak natin. Tutal ay malaki naman ang bahay."

"What a bad idea, Carissa." Kanina pa ako nagtataka kung sino itong isang ginang na nasa tabi ni Won. Ang kulot at blonde nitong buhok ay nakapusod. Makapal din ang makeup kahit pa nasa bahay lang naman ito. Makinis at maputi rin ang balat. At bongga kung manamit. Sosyal ang suot niya at may raffles pa siya na nakabalabal sa balikat niya. At napansin ko na tila masyadong malaki ang tensyon sa pagitan nito at sa Mommy ni Atreo.

"You don't have a right to speak, Editha. This is just between me and my FAMILY. So, you just shut up."

"May karapatan ako dahil parte ako ng pamamahay na ito. Bakit, masama na bang magbigay ng komento?" Ngumisi ito na kinabigat ng paghinga ng Mommy ni Atreo habang nakikipagtagisan ito ng tingin kay Mrs. Editha.

"Enough! Nasa harap kayo ng hapagkainan." Nagsalita na ang ama ni Atreo na nasa gitna. Nasa kanang side nito ang mother ni Atreo, si Suzane at Ethan. Sa kaliwang side nito ay si Mrs. Editha at Won naman, habang si Atreo ay katabi ni Won at ako ang katabi niya.

Tahimik ang dalawang partido sa biglaang pagdagundong ng boses ng Ama ni Atreo. Napahilot ito sa bridge ng ilong nito at napahinga nang malalim.

"Atreo, hindi mo na nga sinunod ang nais kong kunin mong propesyon, nagawa mo pang magpakasal sa tila menor de edad na babaeng ito."

"Wala kayong karapatan na insultuhin ang desisyon ko patungkol sa babaeng nais kong makasama sa buhay. At sinong may sabi na gusto kong tumira sa pamamahay na ito? Kung hindi lang naman dahil kay Mommy, hindi ko nanaisin na tumira sa pamamahay na ito na kahit kailan ay hindi naging tahanan para sa akin."

"Wala ka talagang paggalang sa akin. Dahil sa pagsusundalo mo, pati ugali mo ay naapektuhan."

Napatayo si Atreo at kita ko ang paggalaw ng kanyang panga at pagkuyom ng kanyang kamay.

"Tapos na kaming kumain. Grace, let's go." Agad na hinawakan ni Atreo ang kamay ko at hinila na ako patayo kaya napasunod ako.

"Sige po." Nagpaalam ako kahit na tingin ko ay hindi na nararapat pa. Dahil kita ko lang ang matalim na tingin sa akin ni Suzane habang ang mommy ni Atreo ay sumama ang timpla ng mukha.

The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon