KABANATA 19

39.1K 849 79
                                    

KABANATA 19

PUMASOK KAMI SA loob habang tahimik lamang ako na nagpapahila sa kanya. Kahit anong piglas ko ay hindi ako makaalis sa bisig niya. Para siyang tuko kung makakapit.

"General, may naka-reserve na kaming restaurant." Tumango si Atreo sa sinabi ni Sereno.

Malaki ang lugar at very class ang bawat structure ng building. Narito kami sa resort pero sa main hall, dahil narito ang mga fast food chain, restaurant, game zone, botique at iba pa.

Sumakay kami sa escalator at pag-akyat namin sa second floor ay restaurant at fast food chain naman ang makikita.

"Bakit mo ba ako dinala dito? Gusto ko nang umuwi."

Napahinto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako dahil hawak niya ako. Binaba niya ang mukha niya kaya napaiwas ako dahil masyado siyang nakakailang.

"Mamili ka, mag-ce-celebrate tayo rito o gusto mong tumuloy agad tayo sa hotel?" aniya na kinainit ng pisngi ko. Napahalakhak siya at binitiwan ang baywang ko para akbayan ako. "Just enjoy this day, baby. Gusto kong bumawi sa 'yo," dagdag pa niya bago ako akayin na.

Pasimple na tumingin ako sa kanya at bakas sa mukha niya ang kasiyahan. Tila ang madilim niyang mukha noon ay nagkaroon ng liwanag.

Naupo kami sa upuan na pangdalawahang lamesa rito sa pina-reserve niyang restaurant. Nakayuko ako habang siya ang pumipili ng kakainin.

"That's all. Thank you," pagpapasalamat siya sa waitress nang makuha na ang order namin at umalis na ito. Tumikhim siya pero hindi pa rin ako nag-aangat ng tingin at nanatili ang mata ko sa kamay ko.

"Mananatili ka na lang bang nakayuko d'yan? Baka sumakit ang leeg mo?"

Pumikit ako at hindi ko siya pinansin. Nakarinig ako ng pag-usog ng upuan kaya napadilat ako at gulat na napatingin sa kanya nang itabi niya ang upuan sa akin.

"Hindi ako sanay na tahimik ka. Magsalita ka at baka manatili ka nang pipi d'yan," aniya kaya napakuyom ang kamay ko at matalim na tumingin sa kanya.

"Bakit mo ba ako dinala rito? Hindi mo ba nauunawaan na tapos na ang lahat sa atin? Ayoko na sa ganto kung matanda lang din ang magiging nobyo ko at may asawa na," punong-puno ng diin ang bawat salita na binato ko sa kanya.

Tila siya manghang-mangha at tuwang-tuwa sa galit kong mukha. Humarap siya sa akin at pinatong ang kamay sa upuan ko.

"Really? Ayaw mo sa matanda? Ayaw mo na sa relasyon natin?" Ngumisi siya at hinawi ang buhok ko pero hinawi ko lang ang kamay niya at sa iba ko binaling ang mukha ko.

Hinawakan niya ako sa baba at pinaharap sa kanya. Tinapatan ko ng matapang na tingin ang may pilyo niyang tingin.

"Pasensya na, baby, pero gusto ko sa mga bata. At gusto ko ang relasyon na ito. At mas lalong gusto ko na hindi na matapos ito. Akin ka lang." Pinisil niya ang baba ko at tumingin siya sa labi ko.

Napahawak ako sa kamay niya nang hawakan niya ang panga ko at pisilin iyon na ikinabuka ang bibig ko. Agad niyang nilamon ang bibig ko at pumasok doon ang dila niya.

Tinulak ko siya kaya napabitiw siya pero nakangiti pa rin. Sinampal ko siya pero natawa pa siya habang nakahawak sa pisngi niya.

"Ang sarap mong sumampal. Nakakagigil." Kinagat niya ang kanyang ibabang labi habang minamasahe ang panga niya.

Tumayo ako sa upuan ko at maglalakad na sana nang mapatigil ako at makita ang Vipers na nakaupo sa ibang table habang nakapalibot sa amin. Nabigla ako nang hatakin muli ako ni Atreo paupo.

The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon