KABANATA 1
"GOOD JOB, MODELS. And also to you, Grace." Ngumiti ako kay Direk, ang photographer ng Lux Calisse Model Agency.
Naupo ako sa high chair sa harap ng malaking salamin at napangiti kay Won nang lagyan niya ng balabal ang balikat ko.
"Thanks, Won," pagpapasalamat ko at kinuha ang bag ko para kunin ang phone.
"Grace, may gagawin ka ba today?"
"Meron. Nag-aaya kasi si Daddy na magbakasyon daw kami sa Palawan."
Nasaan ba iyon? Tsk. Palagi na lang nawawala ang phone ko. Bibili na naman ba ako?
"Gano'n ba . . ."
Hindi ko na pinansin si Won dahil busy ako sa paghahanap.
"Hey, Won, may tawag ka!" dinig ko ang masakit sa taingang boses ni Benny, ang gay stylist.
"Wait lang, Grace." Tinanguan ko lang siya at napangiti ako nang makita ko na ang phone ko. Ang kalat kasi ng bag ko, hindi inayos ni Daddy.
Agad kong tinext si Dad na tapos na ako. Ayaw pa naman no'n na hindi ako nagte-text kapag susunduin.
Nakakatakot kapag pinairal no'n ang pagiging protective father.
Nang ma-text ko na si Dad ay tumingin ako sa salamin at inayos ang buhok ko. Napatingin ako kay Won na madilim ang mukha at tila lutang na naupo muli sa tabi ko.
Siya ang naging kaibigan ko simula nang magsimula akong mag-model sa agency na ito. Siya ang unang nag-approuch sa akin at gumabay kung paano ako magsisimula.
Tinutukso nga ako ng mga kapwa model ko dahil tingin nila ay may gusto raw sa akin si Won, but for me, wala lang iyon.
"Anong problema mo, Won?" tanong ko sa kanya. Napahinga siya nang malalim at napahilot sa sentido.
"My brother is now here."
"Oh, edi mabuti. Siya ba 'yong general ng army sa ibang bansa na kinukwento mo?" Tumango siya at napahawak sa kamay niya habang nakakuyom na minamasahe iyon.
"Oo, siya nga. Sana nga hindi na siya umuwi. Tiyak na puro kaguluhan lang ang hatid niya."
"Grabe ka naman sa kapatid mo. Malay mo naman kaya siya narito ay dahil gusto niyang makatulong sa gulo ng Pilipinas ngayon."
"Hindi makikisali sa gulo ng Pilipinas 'yon. May sarili siyang army sa Amerika na dadalhin dito. Sabi ay may kumuha sa kanilang private agency na pagagalawin para mas mabilis matugis ang mga kriminal sa bansa."
Pinatong ko ang siko ko sa hita ko at pinatong ko naman ang baba ko sa likod ng palad ko. Tiningnan ko siya nang maigi at kita ko ang galit niya.
"Mukhang matindi ang galit mo sa kanya? 'Di ba eldest brother mo siya?"
"Half brother ko lang siya. Ang ina niya ay may lahing Griyego at ang ama niya ay ama ko rin. May dahilan kaya matindi ang galit ko sa kanya. Lahat na lang din kasi ng sa akin ay kinukuha niya. Pati nga ang dati kong kasintahan hindi niya pinalagpas."
Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na may ganito pala siyang dinadalang sama ng loob.
May nag-pop up sa phone ko kaya kinuha ko ulit ito sa loob ng bag ko. Nakita ko na si Dad ang nag-text at sinabing nasa labas na sila ng building.
BINABASA MO ANG
The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)
General FictionWalang ideya si Grace nang siya ay mapadpad sa isla kung saan niya nakilala si Atreo. Nagising na lang siya na wala nang maalala. Ang tanging alam lang niya ay ang kanyang pangalan. Noong una pa lang ay tila ilap na sa kanya si Atreo, ngunit kahit...