KABANATA 7
KANINA PA SALITA nang salita at sermon nang sermon sa akin si Aling Consuelo dahil bakit nakigamit pa raw ako ng banyo sa bahay nina Atreo, at kung bakit daw tadtad ako ng mapulang tila kagat daw sa leeg ko.
Alangan namang aminin ko na si Atreo ang may gawa no'n at nakipagtalik na ako rito. Naku, tiyak na lalong maghuhurumentado si Aling Consuelo kapag nalaman niya iyon.
"Aling Consuelo, marami po yatang insect sa bahay n'yo. Siguro, kailangan po nating mag-general cleaning."
"Insekto? Kagat ba ng insekto 'yan?" turo niya sa leeg ko.
"Yes. A big insect."
Napatingin naman siya sa bahay niya at tiningnan talaga kung may insekto ba. Napakagat ako ng labi at kinuha ang panty ko sa bulsa. Sinuot ko ito pero napahinto ako nang makita ko na may sulat na nakadikit doon. Tumingin ako kay Aling Consuelo na nakatalikod pa rin. Agad kong kinuha ang papel at agad na sinuot ang panty ko.
"Ah, Aling Consuelo, pasok po muna ako sa kwarto."
Lumingon siya at napatango. Ngumiti ako rito bago patalikod na naglakad habang nakaharap pa rin sa kanya at nakangiti pa rin ako. Nasa likod ko kasi ang kamay ko at nandoon ang papel. Agad akong humarap sa kahoy na hagdan at mabilis na umakyat.
Pagdating sa kwarto ay agad kong binuklat ang sulat ni Atreo. Napakagat ako ng labi nang mabasa ko ang sulat niya.
Baby, light tower. 10 pm.
Omg! It's a date! God.
Agad akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan. Hinanap ko si Aling Consuelo. Nasa kusina siya at may hinahanap sa cabinet.
"Aling Consuelo."
Lumingon siya at nakita ko na may nakuha siyang isang insect spray sa cabinet.
"Bakit, hija?"
Ngumiti ako at lumapit sa kanya. Inipit ko ang buhok ko sa tainga ko habang hindi ko mapigilan na mapangiti.
"Saan po ba ang light house dito?"
"Oh, 'yon ba. lakarin mo ang mahabang dalampasigan. Tapos sa dulo ay may harang na dalawang puno ng buko. Tapos makikita mo na ang light house doon."
Napatango naman ako at tinandaan ang sinabi niya.
"Bakit mo nga pala natanong?"
"Wala po . . . . Oo nga po pala, may magandang dress or bestida po ba kayo na hindi n'yo na nagagamit?"
Napaisip siya saglit. "Meron pa yata . . . Bakit, wala ka na bang isusuot?"
"Opo, e. Hindi po kasi ako marunong maglaba. Kaya po tambak ang maruming damit na isinuot ko na pinahiram n'yo."
"Hala! Oo nga pala. Inaalala ko nga iyan nang umalis kami. Tatlong bestida at panloob lang ang napahiram ko sa 'yo," aniya at nilapag ang hawak na insect spray sa lamesa. "Halika. May binili kaming bagong panloob mo at bestida. Baka magustuhan mo," dagdag pa niya at lumakad palapit sa akin.
"Talaga po?" Tuwang-tuwa ako dahil hindi ko akalain na aalalahanin pa nila akong ibili ng damit. Nakakatuwa naman at parang anak talaga ang turing nila sa akin.
"Oo, at tiyak akong bagay na bagay iyon sa 'yo." Excited din si Aling Consuelo na ipakita sa akin dahil hinawakan niya ako sa braso para akayin sa kwarto nila.
Pumasok kami at agad siyang lumapit sa bag na dala nila noong umalis. May plastick siyang kinuha roon na may laman. Lumapit siya sa akin habang kinukuha sa plastick ang laman no'n.
BINABASA MO ANG
The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)
General FictionWalang ideya si Grace nang siya ay mapadpad sa isla kung saan niya nakilala si Atreo. Nagising na lang siya na wala nang maalala. Ang tanging alam lang niya ay ang kanyang pangalan. Noong una pa lang ay tila ilap na sa kanya si Atreo, ngunit kahit...