KABANATA 30

40.8K 875 83
                                    

KABANATA 30

ATREO'S P.O.V.

WHO'S THAT KID?

Mula Greece ay bumalik ako rito sa Pilipinas para tingnan ang ulat ukol sa mga tagong terorista sa bansa. Dito agad ako tumuloy para hindi na masayang ang oras ko.

"General Alvarez, I'm happy to see you again."

Sumaludo ako kay Major Buenitez. Nakatayo rin siya at sumaludo sa akin. "Have a seat."

Hinubad ko ang suot na sumbrero at shades bago naupo sa upuan sa harap ng table niya. Maraming papel na nakakalat sa table at tila marami siyang ni-re-review na plano.

"Masaya ako at pumayag ka na maging bahagi ng operasyon na gagawin para sa Mindanao crisis. Talagang kailangan namin ng katulad mo."

"Tapos na rin ho ang pag-volunteer ko sa Greece kaya bumalik ako rito dahil sa tawag n'yo. Kailan ho ba ang operasyon?"

Ngumiti siya at sumandal sa swilver chair niya.

"Pinaplano ko pa lang, ngunit pinaalam ko na agad sa 'yo nang maaga dahil nagbakasakali ako na pagbigyan mo."

Tumango ako at humalukipkip habang umuugoy ang mga nakabukaka kong binti.

"Anyway, hindi pa ako nagpapasalamat at hindi pa ako nagpapasensya sa 'yo noong nagdaang ni-rescue mo ang pamilya ko . . . dahil—"

"It's okay, Major. Wala na rin ho iyon."

Napahinga siya nang malalim at napasiklop siya sa mga kamay niya.

"Hindi lang dapat na balewalain ko iyon, General Alvarez. Relasyon mo sa misis mo ang nawala."

"Atreo."

Napaangat ako ng tingin mula sa pagkakayuko ng ulo ko dahil sa kalasingan. Hindi ko alam noon kung namamalik-mata ba ako pero talagang nasa harap ko noon si Grace.

Agad akong napatayo ngunit napaupo rin dahil sa hilo.

"B-Baby, magpapaliwanag ako."

"'Wag mo nang subukan na lumapit sa akin dahil may kailangan lang ako sa 'yo kaya ngayon ay nasa harap mo ako."

"Ano 'yon? Gagawin ko ang lahat, mapatawad mo lang ako."

Nakatayo na ako sa harap niya habang pilit na huwag mapaupo. Unti-unti ring nawala ang alak sa ulo ko dahil nakita ko siya.

"Here." Napatingin ako sa envelope na nilahad niya. Inabot ko iyon at naupo akong muli dahil nahihilo talaga ako. Tumingin pa ako sa kanya dahil baka mawala siya sa paningin ko. Fuck. Dapat pala hindi ako nagpakalasing, kung alam ko na lilitaw siya sa harap ko ngayon.

Napangiti ako na binuksan ang envelope at kinuha ang laman no'n. Pilit kong idinidilat ang mga mata ko at pilit na binabasa ang nakasaad sa papel.

"Annulment paper natin 'yan. Gusto ko na pirmahan mo na agad ngayon para maproseso na agad."

Naibaba ko ang papel at napatingin ako sa kanya. Pinilit kong tumayo at naglakad palapit sa kanya habang pasuray-suray.

"Nagpapatawa ka ba? Ha? Annulment natin?"

"Hindi ako nagbibiro. Gusto ko nang mawala ang ano mang kumokonekta sa atin. Madali lang naman pumirma, gawin mo na at mauubos pa ang oras ko."

Bullshit! Tama ba ang naririnig ko?

Hindi ako makapaniwala na tumingin sa kanya. Tumingin ulit ako sa annulment paper at kita ko ang pagpirma niya roon. Napatawa ako nang pagak habang hindi ko mapigilan na mangilid ang luha ko.

The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon