KABANATA 14
AGAD AKONG YUMAKAP kay Mommy nang makarating ako ng mansyon at nakita ko siyang nag-aabang sa bungad ng pinto.
"Anak, ginugulo ka naman ba ng lalakeng iyon? Mabuti at tumawag ang mga kaibigan mo at sinabi sa Daddy mo na kinuha ka raw ng lalakeng iyon."
Tumingin ako sa kanya at umiling ako, pero hindi ko maibuka ang bibig ko dahil hindi ko malaman kung dapat ko bang ipagtanggol pa si Atreo.
"Mom, wala naman po siguro silang gagawin kay Atreo?"
Inakay niya ako sa loob at napahinga siya nang malalim.
"Hindi ko alam, anak. Pero siguro ay kakausapin lang ng Daddy at mga kuya mo ang lalakeng iyon para sabihin na tigilan ka na."
"Mom, may alam po ba sila Dad sa katauhan ni Atreo?"
Naitanong ko iyon dahil hindi naman basta-basta magagalit sila Dad kay Atreo nang walang dahilan. Ngayon ko lang naisip na baka una pa lang ay alam na nila Dad ang katauhan ni Atreo kaya pinapalayo nila ako.
Lumingon sa akin si Mom nang makaupo kami sa sofa. Kita ko ang kalituhan sa mga mata niya.
"Ano ba ang katauhan ng lalakeng iyon?"
Napalunok ako dahil wala palang alam si Mom. Umiling ako at napahawak sa dulo ng dress ko.
"Wala po. Gusto ko lang pong malaman kung bakit galit sila kay Atreo."
"Siguro ay hindi gusto ng daddy mo ang lalakeng iyon para sa 'yo. Hindi siya humingi sa amin ng permiso at nalaman namin na nobyo mo na ang lalakeng iyon. Sino ba ang matutuwa roon, anak?"
Napakagat ako ng labi at napayuko. Paano kaya kung malaman nila na may asawa na si Atreo at ako ang kabit? Lalo sigurong magagalit sila Dad.
Nakarinig kami ng ugong ng sasakyan kaya nagkatinginan kami ni Mom at tumayo. Lumakad kami palabas at nakita ko ang pagparada ng sasakyan nila Dad.
Napasiklop ako ng kamay at sumiklab ang kaba sa dibdib ko nang bumaba na si Dad habang seryoso pa rin.
"James, anong ginawa mo sa binatang iyon?"
"Binigyan ko ng leksyon. Siguro ay madadala na iyon at hindi na lalapit pa sa anak natin," tugon ni Dad at humalik siya sa labi ni Mom bago siya tumingin sa akin nang seryoso, "Follow me, Grace, We need to talk," aniya at nauna na siyang pumasok sa loob.
Napatingin ako kay Mom nang hawakan niya ako sa braso at tumango siya sa akin bago niya ako akayin sa loob.
Huminga ako nang malalim bago ko pinihit ang seradura ng pinto ng opisina ni Dad. Napatinginako kay Dad na nakatayo sa harap ng bintana habang may hawak na baso ng alak sa isang kamay niya.
"Did you know that Alvarez guy has a child already?"
Nanginig ang kamay ko at natulala ako habang hindi ko mapigilan ang pagngilid ng luha ko. Umiling ako nang dahan-dahan habang unti-unting sumikip ang dibdib ko sa sobrang guilt na nararamdaman ko.
Sabi na nga ba at alam na ni Dad ang katauhan ni Atreo. Pero ang malaman kong may anak na nga ito ang siyang lalong nagpawasak ng puso ko.
Hindi ko alam na may anak na siya, dahil ang pagkakaroon nga niya ng asawa ay hindi ko alam, 'yong anak pa kaya niya.
"I-I don't know, Dad."
Napahinga nang malalim si Dad at lumakad siya patungo sa table niya at naupo sa recliner.
"Kung may gusto ka, dapat ang una mong gagawin ay alamin ang pagkatao ng isang tao. Hindi 'yong sugod ka nang sugod nang wala kang kaalam-alam sa target mo."
BINABASA MO ANG
The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)
Fiksi UmumWalang ideya si Grace nang siya ay mapadpad sa isla kung saan niya nakilala si Atreo. Nagising na lang siya na wala nang maalala. Ang tanging alam lang niya ay ang kanyang pangalan. Noong una pa lang ay tila ilap na sa kanya si Atreo, ngunit kahit...