KABANATA 18
SA LUMIPAS NA panahon ay marami na ang nagbago. May nawawala, may dumadating, at napagtanto ko na sa buhay ay dapat hindi ka padalos-dalos sa damdamin mo. Hindi lahat ng gustuhin mo ay makukuha mo, at hindi lahat ng akala mong sa 'yo ay sa 'yo talaga.
I'm very greatful to my life now. All the things is in the right place. At masaya ako para kay Kuya dahil natagpuan na niya si Ate Hera. Nagkaroon pa ng pagsubok sa buhay mag-asawa nila pero nakayanan iyon lahat ni Kuya.
"Grace, good job!" Ngumiti ako kay Direk nang makababa ako mula sa stage. We are now here in Victoria Secret fashion show. Kami nila Zylene at Allison ang napili para maging Victoria Secret Angels.
Medyo may kaunting hiya pa ako sa klase ng suot ko ngayon. Suot ko kasi ang sexy black and red bikini. Wings at my back, black stocking hanggang hita ko na nakakonekta sa panty na suot ko, at boots na hanggang tuhod ko.
Hindi ko akalain na ako ang gagawing sentro ng event kaya sobra ang excitement ko dahil pangarap ko talaga ito kahit daring ang pagrampa ko.
"Gosh. Success!" tili ni Zylene at nagtatalon kami dahil sa wakas ay nawala na ang kaba sa aming dibdib.
"Congrats sa atin!" Napangiti kami sa sinabi ni Allison at nagyakapan kami.
"Oh, girls, Congratulation! Dahil sa inyo kaya mas lumakas pa ang pangalan ng Lux." Pumalakpak si Direk kaya napangiti kami at nagtungo sa dressing room para magpalit.
Nagpalit ako ng white dress ko at black pumps. Sinuklay ko lang ang buhok ko gamit ang daliri ko.
"Grace . . ." Tumingin ako kay Zylene nang sambitin niya ang pangalan ko.
"Oh?" Tumingin muli ako sa salamin para tingnan kung ayos pa ba ang makeup ko.
"My babe text me." Napailing ako dahil hindi ko talaga akalain na magkakatuluyan si Zylene at Haris.
"Ano naman ang kinalaman ko sa text ng boyfriend mo?"
"He's back."
Nang sabihin iyon ni Zylene ay alam ko na agad ang pinapahiwatig ng sinabi niya. Tumikhim ako at nagkibit-balikat para ipakita kay Zylene na hindi ako apektado at hindi kumabog ang dibdib ko sa nalaman ko.
"Oh? 'Yon lang ba? Akala ko naman, importante." Inayos ko ang bag ko at nang makita kong ayos na ay sinukbit ko na sa balikat ko.
"Grace—"
"I need to go, Zylene. Tumawag si Momny at meron na namang problema kina Kuya Jam. Paki sabi na lang din kay Direk at Allison na mauuna na ako. Sige, bye." Bumeso ako sa kanya at hindi ko na siya hinintay pang magsalita.
Dumiretso na ako palabas at ang mabilis kong paglalakad ay napabagal dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. Napahawak ako sa bubong ng kotse ko at napapikit ako ng mata habang nakahawak sa dibdib ko.
Napailing ako at huminga nang malalim.
I'm not affected. Who cares if he's back?
Sumakay na ako sa kotse at pinaharurot na iyon paalis ng Lux Calisse. Dumiretso ako sa bahay nila Kuya at nagtaka ako na maraming media at police mobile sa harap ng bahay. Agad akong bumaba at napapikit nang masilaw ako sa kislap ng camera.
"Miss Esteban, anong masasabi n'yo sa kaso ng kapatid n'yo na si Mr. Jam Esteban?"
"Ano?" Napamaang ako sa sinabi ng reporter na babae. Nagtanong na rin ang iba pang reporter kaya nahirapan akong makaalis sa kinatatayuan ko.
"Señorita!" Napatingin ako sa tauhan ni Dad na nilapitan ako at pinaghahawi ang mga reporter. Nang makalapit sila ay agad akong pinalibutan para hindi na makalapit pa ang mga reporter. Nagtungo na ako papasok ng gate at mabilis akong naglakad papasok sa bahay.
BINABASA MO ANG
The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)
Ficción GeneralWalang ideya si Grace nang siya ay mapadpad sa isla kung saan niya nakilala si Atreo. Nagising na lang siya na wala nang maalala. Ang tanging alam lang niya ay ang kanyang pangalan. Noong una pa lang ay tila ilap na sa kanya si Atreo, ngunit kahit...