KABANATA 9
MAHIGPIT NA NIYAKAP ko si Aling Consuelo. Ngayon ay nagkakaiyakan na kami dahil aalis na ako. Mahigpit din siyang yumakap sa akin na tila hindi niya nais na umalis ako. Nagulat siya nang malaman na nakakaalala na ako. Akala niya kasi ay hindi pa. Nagtatampo nga siya dahil bakit hindi ko raw iyon sinabi sa kanya.
"Hija, saglit na panahon pa lamang tayo nagkakakilala dahil nito ka lang din nagising, pero iba na ang dinala mong saya sa amin ni Feliciano. Sana lang ay 'wag mo kaming kalilimutan. Sana ay magkita muli tayo."
Ngumiti ako rito habang panay ang patak ng luha ko. Hinaplos ko rin ang likod niya.
"'Wag po kayong mag-alala. Hindi ko po kayo kakalimutan at dadalawin ko po kayo kapag nagkaroon ng pagkakataon. Tandaan n'yo po na tinuturing ko na po kayo na pangalawang magulang ko. At napamahal na rin po kayo sa akin dahil kayo po ang nag-alaga sa akin noong comatose ako at pati noong nagpapagaling pa ako. Salamat po sa kabutihan n'yo, Aling Consuelo."
Bumitiw kami ng yakap at hinawakan niya ang mukha ko para alisin ang luha ko na pumatak. Inakbayan ko siya at lumakad kami palapit sa speed boat na dala nila Kuya.
Napatingin ako kay Kuya na nakapamulsang hinihintay ako. Tumingin din ako sa paligid at nakita ko ang Vipers. Kumaway sa akin sina Regie, Sonny, at si Quest habang ang ilan ay nakatingin sa akin. Hinanap ko si Atreo ngunit wala siya sa paligid mula nang akayin ako ni Kuya palabas ng rest house niya.
Napabuntonghininga ako at inalis ko ang pagkakaakbay ko kay Aling Consuelo. Kinuha ko sa bulsa ng bestidang suot ko at ang anklet na gawa ko na hindi ko pa naibibigay kay Atreo.
"Aling Consuelo, pakibigay na lang po ito kay Atreo. Sabihin n'yo po sa kanya na buong puso kong ginawa ito para lang sa kanya."
"Makakaasa ka na makakarating ito sa kanya. Mag-iingat kayo sa byahe, hija. At sana baunin mo ang mga itinuro ko sa 'yo."
Tumango ako rito at ngumiti. Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap muli nang mahigpit. Bumitiw na kami at naglakad na ako pahakbang palapit kina Kuya.
Lumingon pa ako nang isang beses at kumaway sa kanila bago ko nilibot ang paningin ko at umaasa na sana ay magpakita si Atreo, ngunit hindi siya nagpakita kaya tumalikod na ako at humawak sa kamay ni Kuya nang alalayan niya akong sumakay sa speed boat. Naupo ako sa gitna at tumingin muli sa mga taong nakilala ko sa pananatili ko sa isla.
Pinaandar na ni Bien ang speed boat ng makasakay na si Kuya. Nalulungkot na nakatanaw pa rin ako sa isla ni Atreo habang palayo na ang sinasakyan namin.
"Washing your clothes, ha?"
Tumingin ako kay Kuya na prenteng nakaupo habang nakade-kwarto at nakapatong ang mga braso sa kinasasandalan niya.
"Bakit ba ikaw ang sumundo sa akin? Hindi ka yata bumubuntot ngayon kay Ate Maqi?" Umirap ako rito habang inis kong tinatanong.
"Kung si Jam at Si Dad ang sumundo sa 'yo, tsk, tsk, tiyak na bugbog sarado ang General na iyon. Tagal ka niyang tinago, at kung hindi pa namin nalaman kung nasaan ka ay baka isipin namin na patay ka na."
"Bakit ba galit na galit ka kay Atreo? Wala namang ginagawa sa 'yo na masama ang tao. Mabuti nga at siya ang nagligtas sa akin at alam mo ba na nagka-amnesia ako dahil sa pagkabagsak ko sa chopper. siya ang sumuporta sa akin kaya dapat na pasalamatan siya, hindi iyong sasabihan mo siya ng masama."
Pumito siya at sinuot ang shades niya bago umiling-iling ang ulo.
"Hindi namin alam na nagka-amnesia ka, pero Jane, hindi mo kilala nang lubusan ang lalakeng iyan. At kahit na siya ang sumuporta sa 'yo nang ma-coma ka, hindi pa rin siya dapat na pagkatiwalaan. Tinago ka niya at hindi man lang siya nag-effort na hanapin ang pamilya natin . . . At hindi sa lahat ng pagkakataon ay narito kami para protektahan ka sa lahat ng mananakit sa 'yo. Kaya dapat mong matutunan na protektahan ang sarili mo sa maaaring makasakit sa 'yo. At umpisahan mo iyon sa lalakeng iyon."
BINABASA MO ANG
The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)
Художественная прозаWalang ideya si Grace nang siya ay mapadpad sa isla kung saan niya nakilala si Atreo. Nagising na lang siya na wala nang maalala. Ang tanging alam lang niya ay ang kanyang pangalan. Noong una pa lang ay tila ilap na sa kanya si Atreo, ngunit kahit...