KABANATA 34

43.9K 854 16
                                    

KABANATA 34

HINAHALUGHOG KO NA ang closet ko ngunit hindi ko makita ang tinago ko sa box. Napaisip ako at lumipat sa jewelry drawer at tiningnan ko kung doon ko ba nailagay, ngunit wala roon.

Inipit ko ang tikas ng buhok ko sa tainga ko at nakapamaywang ako habang iniisip kung saan ko nga ba nailagay ang folder?

Napabuntonghininga ako at napakagat ng labi.

Kinakabahan ako. Hindi kaya ay nakita niya o nakuha niya?

Umiling ako. Hindi. Hindi siguro niya nakita. Binuksan ko pa ang isang closet at hinawi ko ang mga dress ko na naka-hanger.

"Ito ba ang hinahanap mo?"

Agad akong napahinto sa paghalungkat sa closet ko at napalingon ako sa pinto. Muntik na akong ma-out of balance nang makita ko ang hawak niya.

Ngumisi siya na lumakad palapit sa akin habang tinitingnan ako. Napalunok ako at napakapit sa dress ko habang tinitingnan ang hawak niya.

Nang makalapit siya ay ambang hahablutin ko iyon nang agad niyang ilayo habang umiiling-iling pa siya.

"Nah. Nah. Hindi ko ibibigay sa 'yo ito hanggang hindi nasasagot ang tanong ko . . ."

"Wala iyan. Akin na nga!" Pinakita ko na wala akong emosyon, ngunit hindi iyon tumalab sa kanya. Mapapasandal sana ako ngunit wala nga palang matibay na pader sa likod ko dahil bukas ang closet kaya kamuntikan na akong mapaupo kung hindi lang ako nahawakan ni Atreo sa baywang.

"Masyado kang tense. Bakit, dahil alam mo kung ano ang nakita ko sa folder na ito?" Ngumiti siya habang nakatitig sa akin at napatingin sa labi ko habang pinipigilan niya na mapangisi.

Inabot ko ang hawak niyang folder pero napasinghap ako nang alisin niya ako sa harap ng closet at sinandal niya ako sa pader. Tinulak ko siya sa dibdib pero hindi siya nagpatinag.

"Tell me . . . Bakit hindi mo pinasa sa korte ang annulment paper natin?" tanong niya.

Napaiwas ako ng tingin at naibaba ko ang mga kamay ko sa biglang panlalata. Napapikit ako nang sumayad ang ilong niya sa pisngi ko at tila inaamoy-amoy iyon.

"Tell me . . . I'm waiting, baby wife," bulong niya.

"W-wala lang iyan. Kopya lang 'yan."

Tinulak ko siya nang dilaan niya ang tainga ko dahil nakikiliti ako. Pero hindi siya nagpatinag.

"This is the true copy, baby wife. So, don't lie to me . . . Answer me. Or. Else. You. Regret."

Tumingin ako sa kanya at tiningnan ko siya nang matapang sa mata. Unti-unting nag-init ang gilid ng mata ko at binayo ko ang dibdib niya.

"Because I can't. Hindi ko kaya! Oo, sinaktan mo ako noon, pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ayaw ng puso ko na putulin ang kasal natin! Nakakainis ka! Kahit na sinaktan mo ako ay hindi pa rin kita maalis sa puso ko! Nandito ka pa rin! Kahit na ano pang lamig o pader ang iharang ko sa puso ko ay hindi pa rin kita maalis dito!" Napahagulgol ako kaya agad niya akong niyakap. "Naiinis ako sa 'yo dahil pakiramdam ko ay pinaglaruan mo lang ako, kaya ako lang ang nasasaktan."

Humigpit ang hawak niya sa likod ko at hinaplos niya ang buhok ko.

"Shhh. Hindi kita pinaglaruan. Ako man ay nasaktan sa nangyari sa atin. Pero patawarin mo ako kung naging duwag ako."

Umalis ako ng yakap at tumingin ako sa kanya habang umiiyak.

"Alam mo ba na gusto sana kitang bigyan ng chance para patawarin ka, pero nasaktan lang ako nang makita ko kayo ni Liz na naghahalikan sa mismong bahay mo."

The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon