KABANATA 10
PINAPAKIRAMDAMAN KO SILA Dad and Mom. Tahimik kaming kumakain habang humahanap ako ng tiyempo.
"What it is, Grace?"
Napalunok ako nang mapansin ni Dad ang pagsulyap ko sa kanila. Binaba ko ang spoon and fork ko bago nagpunas ng bibig gamit ang table napkin.
"Dad, I think I need a new phone. Nawala ang bag ko sa nangyaring pagsabog, nandoon ang cellphone ko at nandoon pa naman ang contact ko sa friends and workmates ko."
"Okay, later." Napangiti ako dahil agad siyang pumayag. "Pero sasabihin mo sa akin ang lahat ng ilalagay mo sa contact list mo," dagdag pa niya na kinahinto ko sa pagkuha muli sa spoon and fork ko.
Wala talagang lusot kapag pinairal ni Dad ang pagiging over protective niya. Pero bahala na. Gagawan ko na lang ng paraan para hindi siya manghinala.
"Okay, Dad, noted."
Tumikhim lang siya kaya napangiti ako at maganang kumain.
"How much is this?" tanong ni Dad sa babaeng nag-guide sa amin sa magagandang uri ng cellphone. Naibigan ko ang cellphone na kagaya ng cellphone ni Atreo. Gold and white nga lang iyon. Black kasi ang kay Atreo.
"Thirty five thousand for that, Sir."
"Okay, here's my card." Kinuha ni Dad sa wallet niya ang black card, pero pinigil ko.
"Dad, ako na. Meron naman akong pera."
"It's okay, baby. This is not a big deal."
Napakagat ako ng labi sa tawag niya sa akin.
"Ah, Dad, pwede po bang tawagin n'yo na lang akong anak o 'di po kaya ay sa pangalan ko na lang. Nakakailang po kasi ang baby."
Napakunot-noo siya sa sinabi ko. "At bakit naman? Simula nang nasa sinapupunan ka pa lang ng mommy mo ay baby na ang tawag ko sa 'yo." Humawak ako sa braso niya at sinandal ko ang pisngi ko roon.
"Dad, dalaga na ako, kaya nakakahiya naman po kung baby pa rin ang tawag n'yo. Sige na po, Grace na lang po."
Napahinga siya nang malalim kaya napangiti ako dahil tiyak na papayag na siya.
"Okay. Tsss." Napangiti ako lalo at tumingin sa kanya.
"Thank you, Dad. The best ka talaga!" Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap. Tinapik niya naman ang balikat ko.
"Sir, heto na po. Thank you and come again!"
Ngumiti ako sa babae at kinuha ang paper bag ng phone na binili namin. Kinuha ko ang phone sa loob at ang bagong sim card na binigay ni Dad.
"Save my number. Pati ang sa Mom mo at sa kambal."
Tumango ako at napangiti, dahil sa wakas ay meron na akong phone. Matatawagan at mate-text ko na si Atreo.
Pagdating sa bahay ay agad akong pumanhik sa taas. Siniguro kong sarado ang pinto para hindi makapasok agad ang nais na pumasok sa room ko.
Naupo ako sa kama ko at kinuha sa card holder ko ang calling card ni Atreo. Sinave ko muna ang number niya at tsaka ko dinial.
Napakagat ako ng labi habang hinihintay kong sagutin niya ang tawag ko. Nang sinagot na niya ay napangiti ako.
"Yes?"
"Atreo . . ."
Nakarinig ako ng kalabog mula sa kabilang linya at narinig ko ang daing ni Atreo na ikinangiti ko. Tila nahulog pa siya sa kinauupuan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/192124354-288-k743603.jpg)
BINABASA MO ANG
The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)
General FictionWalang ideya si Grace nang siya ay mapadpad sa isla kung saan niya nakilala si Atreo. Nagising na lang siya na wala nang maalala. Ang tanging alam lang niya ay ang kanyang pangalan. Noong una pa lang ay tila ilap na sa kanya si Atreo, ngunit kahit...