KABANATA 28
ATREO'S P.O.V.
BUMAGSAK AKO SA sahig dahil sa malakas na suntok na natamo ko mula sa mga Esteban. Ang dalawang lalakeng kapatid ni Grace. Hinila ni Gab Esteban ang kwelyo ng polo ko para itayo ako. Humithit siya ng sigarilyo bago niya itapon iyon sa sahig habang nakatingin sa akin nang seryoso at mariin.
"Sinabihan ka na namin, Alvarez, pero talagang wala kang isang salita."
Napaubo ako nang sikmuraan ako nito. Hindi ako lumaban. Nararapat lang sa akin ito.
"Fuck! Laban! Ano? Wala ka pala, asshole!"
Muli ako nitong sinapak sa mukha at binitiwan ang kwelyo ko kaya humagis ako pabagsak sa sahig.
Napaubo ako na kinalabas ng dugo sa bibig ko. Babangon pa lang ako nang may sumipa sa mukha ko na muli kong kinabagsak.
"You're an asshole! Ang saktan ang kapatid namin ay hindi katanggap-tanggap! Binigyan mo lang kami ng karapatan na patayin ka!"
Bumangon ako habang isang mata ko ay nakapikit dahil pumutok sa malakas na suntok ni Gab. Pero nakayanan kong lumuhod sa kanila para humingi ng patawad.
"S-saktan n'yo ako, hahayaan ko. Pero please, kailangan kong makausap si Grace."
Ngumisi sila at tila hindi nagustuhan ang sinabi ko.
"Hindi na, ulol! Dahil hindi na namin hahayaan sa 'yo ang kapatid ko! Damn you!"
"Bro, tama na . . . Hinahanap na tayo ni Dad. Nagising na raw si Grace."
Binigyan pa nila ako ng sabay na suntok sa sikmura bago nila ako iniwan sa isang bodega na lumpasay sa sahig at nanghihina.
Napasuntok ako sa sahig habang bumabangon sa pagkabagsak. Kasabay ng pagtulo ng dugo ko sa sahig ang pagtulo ng luha ko.
Maraming beses na akong nagkamali sa buhay ko. At isa na roon ang labag sa loob kong pagkasalan si Suzane.
Matapos ang matagumpay na amerikan army forces duties ko ay naisipan kong bumalik sa Pilipinas. Kasa-kasama ko ang Vipers: Ang ginawa kong grupo para makatulong sa pagpuligsa sa mga terorista ng bansa. Sa katunayan, sila ang mga pilipinong naging kasa-kasama ko mula pa nang mag-umpisa ako sa pag-aaral sa forces.
Bale, dose silang lahat. Doseng nagtitiwala sa kakayahan ko bilang general nila. Hindi ko na kailangan ng maraming alagad, dahil tiwala din ako sa kakayahan nila.
Marami akong nakaaway sa American army kaya naisipan ko na lisanin ang paglilingkod ko roon para matahimik na. At sakto nga dahil natapat na may nais na ipadala sa Pilipinas para tulungan ang bansang kinaroroonan ng magulang ko.
"Mabuti naman at naisipan mo kaming dalawin, Atreo?"
Tumango ako sa Vipers kaya lumabas muli sila ng bahay para iwanan ako sa harap ng magulang ko. Gabi no'n nang makarating kami ng Vipers sa bahay. May party pa sa labas, gawa ng kapatid ko sa labas na si Won.
"Nandito lang ako para ipaalam na nandito na ako sa Pilipinas. Sige, mauna na ako."
Tumayo na ako at ambang aalis na nang pigilan ako ni Mommy.
"Anak, dumito ka muna, please." Mapungay ang mata niya na nakikiusap sa akin. Kahit na bwisit na bwisit ako kay Mommy dahil hinahayaan niya na lokohin siya ni Daddy ay hindi ko pa rin ito matanggihan. I love my mom kahit pa hindi ko iyon madalas ipakita sa kanya.
Tuwang-tuwa siya na wala akong magawa kundi pumayag. Hindi ko na inabala pang tingnan si Dad at dumiretso ako sa kwarto na ewan ko kung nandoon pa ba ang kama ko o ilang gamit ko.
BINABASA MO ANG
The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)
Fiksi UmumWalang ideya si Grace nang siya ay mapadpad sa isla kung saan niya nakilala si Atreo. Nagising na lang siya na wala nang maalala. Ang tanging alam lang niya ay ang kanyang pangalan. Noong una pa lang ay tila ilap na sa kanya si Atreo, ngunit kahit...