KABANATA 26

31.9K 685 60
                                    

KABANATA 26

MAY BIGLANG HUMABLOT sa buhok ko bago pa ako makapanhik sa hagdan. Lumingon ako para makita ang salarin at nakita ko na si Suzane iyon.

Siniko ko siya para makaalis sa pagkakasabunot niya pero tila malakas talaga siya. Humarap ako at sinabunutan ko rin siya.

"Hayop kang kabit ka! Hindi ka mawala-wala!" aniya habang walang nagpapatalo sa amin sa pagsabunot.

"Hindi ako mawawala dahil hindi naman ako masama kagaya mo."

Tumalim ang mata niya at mas sinabunutan pa niya ako.

"Sige, sabunutan mo pa ako, tingnan natin kung hindi kita ipa-ambush sa mga kapatid ko."

"Talaga? Nakakatakot naman," aniya at ngumisi pa siya. Tinulak ko siya kaya napabitiw siya sa buhok ko at napaatras. Huminga ako nang malalim at tumingin sa phone ko. May dinial ako at niloud speaker ko ang tawag.

"Hello, Jane?"

"Kuya Jam, may ipapa-ambush ako, pwede mo ba akong tulungan?"

"Sure, tell me who is she/he?"

Ngumisi ako kay Suzane at ginawa kong video call ang tawag. Hinarap ko kay Suzane ang mukha ni Kuya Jam.

"Kuya, 'yan oh. Gusto akong mamatay ng babaeng iyan."

Nakita ko ang pagputla ng mukha ni Suzane habang nakatingin kay Kuya Jam na nasa video call. Tiningnan ko kung anong ginagawa ni Kuya sa video at nakita ko na may nililinis pala siyang baril at tingin ko ay nasa agency siya.

"Who are you, bitch? Alam mo ba kung sino ang nais mong ipapatay?"

"She deserve to die! Mang-aagaw siya!"

"Oh? Really? Gusto mong hukayin ko ang background mo?"

Natigalgal si Suzane kaya inalis ko na ang video at ako na ang humarap kay Kuya.

"Kuya, salamat sa support, pakibigay na lang sa akin ang background check ni Suzane. Love you, Kuya."

"Okay, love you, too, bunso. Bye." Pinatay ko na ang tawag at tumingin ako kay Suzane na napakuyom ang kamay at nagmartsa na paalis.

Napangisi ako at binulsa ang phone ko sa dress ko. Naisipan ko na umakyat na sa kwarto namin ni Atreo para ipahinga ang katawan ko at masakit kong anit. Pero bago ako matulog ay tinext ko muna si Atreo at tinanong ko kung kailan siya makakauwi. Hindi siya nag-reply hanggang sa makatulugan ko na ang paghihintay.

Nagising lamang ako nang makaramdam ng gutom. Madilim ang buong paligid. Binuhay ko ang ilaw sa lamp at sumandal ako sa head board ng kama. Kinuha ko ang phone ko at nakita ko na sumagot na pala si Atreo sa text ko.

Sorry, baby wife. Baka abutin ako ng ilang araw na mawala. Sa tagong probinsya namin tinago si Major para walang makatunog. Hope you understand me. Promise, I'll be back soon. Take care of yourself. I love you..

Inis kong in-exit ang text niya. Akala ko ba ay saglit lang? Bakit parang pinapahiwatig niya na matatagalan siyang mawala? Ano pa ba ang saysay ng kasal namin kung ganito naman pala na madalas siyang wala?

Hindi ko na siya sinagot at inis na umalis ako sa kama at sinuot ang tsinelas ko. Sinuot ko ang roba ko at lumabas ng kwarto. As usual, madilim muli ang ibang bahagi ng bahay.

Bumaba ako ng hagdan at nagtungo sa kusina para magtimpla ng gatas. Kumuha ako ng makakain ko. Nakita ko na may cake slice na natira kaya kumuha ako ng platito. Ayos na iyon para mawala ang gutom ko.

Lumabas ako na bibit ang gatas at cake. Naisipan ko na sa pool side sa rattan chair na lang ako magpahangin, pero paglabas ko ay nakita ko na nandoon ang mommy ni Atreo.

The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon