KABANATA 29

39.5K 796 27
                                    

KABANATA 29

MAANGAS NA TUMINGIN ako sa mga gangster na pinapalibutan ako. Inalis ko ang tali ng buhok ko bago ko ibuhaghag ang buhok ko sa paraan na pag-iling-iling ng ulo.

Tumingin ako sa mga gangster na mga nakanganga kaya ngumisi ako. "Tapos na ba kayo?" Tila sila nagising kaya mas lalo akong ngumisi. "Ako naman."

Agad kong sinipa sa tiyan ang isa bago ko binigyan ng suntok ang isa sa mukha na parehong kinatumba nito. Lima silang lahat. Agad kong pinaglambitinan sa leeg ang isa at ang isa naman ay kinawit ko ang mga binti ko para sakalin ito at baliin ang leeg. Kinuha ko ang kamay ng pinaglambitinan ko at umikot ako sa likod niya at malakas na pinilipit ko ang kamay niya na kinadaing nito bago ito umikot pabagsak sa sahig.

Huminga ako nang malalim at tumingin sa nag-iisa na lang. Umayos ako ng tayo at seryosong tiningnan ito. "Nasaan siya?"

"Hindi ko alam."

Napatiim-bagang ako at lumapit sa kanya pero agad na itong tumakbo. "Bumalik ka rito!"

Sinipa ko ang batong nakita ko bago ako sumandal sa kotse at napayuko.

"And . . . cut!"

Agad akong nilapitan ng mga personal assistant ko para bigyan ako ng tissue.

"Good job, Gracy. Ang galing mo talaga!" Napahinga ako nang malalim at umalis sa pagkakasandal sa kotse. "Very good. Very good. Sa ngayon ay tapos na ang eksena mo for today." Tumango ako sa direktor na si Hans at bumaling kay Danie.

"Danie, pakilagay na lang sa trunk ang mga gamit ko."

Hinubad ko na ang leather black jacket na suot ko bago ko ito binitbit patungo sa kotse ko.

"Ma'am, bukas ay may ribbon cutting kayo."

Tumango ako kay Danie at binuksan ko ang pinto ng kotse ko para sumakay. Ini-start ko na ang kotse bago ko binaba ang bintana.

"Danie!" Lumingon ito sa akin nang ambang aalis na ito. "Thanks for today." Ngumiti ito at tumango. Tumango rin ako at isinara na ang bintana.

Huminga ako nang malalim bago ako tuluyang umalis sa set.

This is my job now. To be a star is my dream. At ngayon ay masaya ako dahil nakuha ko na ito.

Malamig at walang kangiti-ngiti ang trato ko sa ibang taong nakakasalamuha ko. Iilan na lang ngayon ang pinagkakatiwalaan ko. Wala na rin ang dating ako.

Napatingin ako sa store kung saan may display na mga laruan. Agad kong ginilid ang sasakyan at pinatay ang makina ng kotse. Bumaba ako at tumingin sa isang manika. "Ah, Ma'am, magsasara na ho kami."

Tumingin ako sa babae na nasa pinto ng store, mukhang siya ang nagbabantay. Lumapit ako rito at huminto sa harap nito. Napabuntonghininga ako at inilabas ang pitaka ko.

"Bibilin ko lang ang manikang naka-display."

"Pero pasara na kami."

Tumingin ako sa relo ko at napansin ko na masyado na palang gabi. Bumalik ako ng tingin sa babae at tumango. "Okay."

Tumalikod na ako rito pero napatingin akong muli sa laruan.

I wish, she's not mad at me.

"Wait, Miss!"

Maglalakad na sana muli ako nang mapatingin ako sa babae nang tawagin ako nito at ngumiti sa akin.

"Parang kailangan mo talagang mabili ito kaya pinagbigyan na kita. Tiyak na magugustuhan ng pagbibigyan mo ito dahil kaisa-isang gothic doll na lang ito na ginawa."

The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon