KABANATA 22

37.7K 737 53
                                    

KABANATA 22

WE'RE PREPARING FOR our wedding. Naging busy kami ni Atreo dahil gusto niya na makasal na kami this year. At hindi na rin ako pinipigilan ni Dad na sumama o makipagkita kay Atreo, basta 'wag lang daw akong papabayaan ni Atreo.

"Direk, pasensya na kung hindi ko na gagawin ang photoshoot para sa cover ng magazine."

"Ano ka ba, okay lang yun. Actually, mas gusto na ngayon ng ibang magazine na ma-feature ang wedding n'yo ni handsome." Kinikilig siya habang pakagat-kagat pa sa scarf niya. Napakunot-noo ako na tumingin sa tinitingnan niya at nakita ko na kay Atreo pala siya nakatingin.

Nakaupo si Atreo sa sofa rito sa dressing room dahil sinamahan niya lang ako para magpaalam na hindi na muna ako papasok sa Lux.

"Sino naman may sabi sa 'yo na ikakasal kami?"

"Sino pa ba? Edi 'yong madadaldal mong mga kaibigan."

Napailing ako at napabuga ng hangin. Napakadaldal talaga ng dalawa. Hindi ko nga gusto na kumalat pa sa iba ang kasal namin, dahil ayokong pag-usapan pa ng ibang tao.

"Bitch!"

Tumingin ako kay Zylene at Allison na kagagaling lang sa photoshoot. Binigyan ko sila ng tingin na matalim dahil sa pagdadaldal nila. "Allison, 'di ba sabi mo ay ikakasal na si Grace?"

"Huh? Wala naman akong sinasabi sa 'yo." Inismiran ko si Allison dahil nagpapalusot pa siya.

"Anyway, Direk, we need to go." Bumeso ako rito at tumingin sa dalawa. "Naku, kayo talaga."

"Sorry, bitch. Ito kasing si Allison, sa excitement ay nadaldal niya tuloy na malapit na kayong ikasal."

Napahinga ako nang malalim at ngumiti sa kanila.

"Okay, okay. Wala na rin naman akong magagawa dahil alam na yata ng lahat. Mauna na kami, titingin pa kami ng wedding dress ko."

Tumango sila at ngumiti. "Basta ako ang maid of honor mo, ha?"

"Anong ikaw? Ako kaya."

Napailing na lang akong muli dahil nag-aaway pa sila para sa pwesto nila sa kasal ko. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Atreo ang humawak sa baywang ko.

"Let's go." Tumango ako sa kanya at tumingin sa dalawa. Bumeso ako sa dalawa at nagpaalam na kami sa mga katrabaho ko.

"Ang daldal talaga ng dalawang iyon. Pati sa ibang magazine publisher ay umabot ang pagpapakasal natin."

Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko na nasa kandungan ko at dinala sa hita niya habang hawak-hawak niya.

"It's okay, baby. Masaya lang ang mga kaibigan mo kaya nasabi nila sa iba."

"Yeah. Sanay na ako sa mga iyon kaya wala rin naman na akong magagawa kung mas excited pa sila sa akin."

Napangiti siya kaya ngumiti rin ako na tumingin sa daan. Tumingin ako sa bintana sa side ko. Napakaganda ng panahon ngayon. Kasing ganda ng takbo ng buhay ko ngayon. Sana ay maging maayos na ang lahat at sana ay wala nang anu pa mang gulo sa relasyon namin ni Atreo.

"Baby." Tumingin ako kay Atreo at hindi ko namalayan na nakahinto na pala kami. "May problema ba?" Umiling ako at ngumiti.

"Wala. Nandito na ba tayo?" Tumingin ako sa labas at nakita ko na narito kami sa tapat ng isang sikat na wedding botique.

"Yeah," tugon niya at binitawan ang kamay ko bago niya buksan ang pinto sa side niya. Kinuha ko na ang bag kong dala at inalis ang seatbelt ko. Napatingin ako kay Atreo nang pagbuksan niya ako ng pinto kaya bumaba na ako habang inaalalayan niya ako.

The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon