KABANATA 23

33.2K 711 20
                                    

KABANATA 23

NAKANGITI KAMI SA isa't isa habang buhat-buhat niya ako papasok sa bahay niya. Walang kahirap-hirap niya akong binuhat kahit pa suot-suot ko pa ang wedding gown ko na nagpapabigat sa akin.

Napatili ako nang ibaba niya ako sa sofa at agad na sumubsob siya sa leeg ko at sabik na humalik doon. Napahawak ako sa coat niya at napakagat ako ng labi nang kagatin niya nang mariin ang balat ko sa leeg.

"Bullshit! Kanina pa ako atat na atat sa 'yo, baby," bulong niya at dinilaan ang leeg ko paakyat sa panga ko na kinahalinghing ko habang mahigpit akong nakakapit sa coat niya.

Hinawakan niya ang panga ko at agad niyang inangkin ang labi ko na animo'y sabik na sabik. Tumugon ako sa halik niya habang nagsisimula nang uminit ang buong paligid namin. Gumalugad ang dila niya sa bibig ko kaya nakipag-espadahan ako ng dila sa kanya.

Dumilat ako at nakita ko na nakapikit siya habang buong gigil siya na nakikipagpalitan sa akin ng halik sa akin. Dumilat siya kaya nagsalubong ang aming tingin. Tumigil siya sa paghalik at bumangon siya bago ako inalalayan na tumayo. Mabilis na inalis niya ang coat niya at tinapon na lang sa sahig bago niya ako agad na pinangko.

Binaba niya ang mukha at muling inangkin ang labi ko habang humahakbang siya sa hagdan. Hinawakan ko ang mukha niya at nilayo ang labi niya sa labi ko.

"Baka mahulog tayo." Napangisi siya at mas binilisan ang paghakbang niya patungo sa kwarto. Binaba niya ako sa sahig nang makarating kami sa kwarto niya.

Ambang hahalik muli siya ay pinigil ko ang labi niya gamit ang hintuturo ko.

"Relax . . ." mapang-akit kong sabi sa kanya at tinulak ko ang dibdib niya kaya napabagsak siya sa kama habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. "Wait me here. I need to change my outfit."

"No need. Just take off your clothes."

"Hmm. Ayaw mo bang makita ang bagong bili kong nighties?"

Napalunok siya at inalis ang butones sa bandang leeg niya. Natawa ako sa reaksyon niya kaya napailing ako na nagtungo sa walk-in closet.

Binuksan ko ang closet kung saan nakalagay ang mga damit ko na nilipat ko na bago pa man ang kasal namin. Kinuha ko ang nighties na itim na binili sa mall. Actually, parang gift na 'to ni Allison sa akin. Siya ang bumili dahil ayoko sana, kaso wala akong choice dahil binili na niya.

Hinubad ko ang wedding gown na suot ko at nilagay ko iyon sa kahon kung saan ang pinaglagyan nito noong una. Sinuot ko na ang nighties at halos mamula ang pisngi ko dahil parang hindi na rin ako nagsuot sa sobrang nipis at see thru ng tela nito. Suot ko rin ang itim na T-back na kinasanayan ko.

Huminga ako nang malalim at pinusod ko ang buhok ko. Aalis na sana ako nang mahagip ng mata ko ang isang malaking kahon na nakatago sa gilid, 'yong tipong tila pinakatatago talaga doon iyon para walang makakakita.

Lumapit ako roon at inabot ko ang takip ng kahon para silipin ang laman no'n. Kinuha ko ang laman na isang magazine pala. Pagkakuha ko at nang mapatingin ako sa cover ay halos mapasinghap ako nang makita ang mga pose ko sa isang magazine kung saan ay ako ang cover noong rumampa ako sa Victoria Secret event.

Kaya ba sold out at wala nang pinalabas pang copy dahil binili niya lahat? Kaya pala nakakapagtaka na mabilis na na-sold out ang cover ko kahit na hindi naman ako masyadong kilala sa industry. Iyon pala ay si Atreo ang bumili lahat. Pero sabi ni Direk ay may nagrereklamo na mga kalalakihan sa opisina ng magazine dahil bakit wala na raw. Now I know the reason.

Napailing ako at binalik sa kahon ang magazine. Nakangiti ako na lumabas ng walk-in closet. Tiningnan ko si Atreo na nakaupo sa kama habang tanging boxer na lang ang naiwan sa saplot niya.

The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon