KABANATA 21

38.1K 792 75
                                    

KABANATA 21

NATULALA AKO HABANG hindi ko maproseso sa isip ko ang lahat. Halos ramdam ko ang kabog ng dibdib ko sa sobrang takot sa kaalaman na may laman na ang tiyan ko.

"Ms. Esteban, kailangan mong mag-ingat sa susunod. Mabuti at agad na naagapan ang pagdudugo mo kaya hindi ka tuluyang nakunan. Kapag naulit pa muli ang pagdudugo mo ay malaki ang chance na baka mawala sa 'yo ang baby mo."

Iyon ang lintaya ng doktor na tumingin sa akin pagkamulat ko mula sa pagkakahimatay ko. Kita ko sa mga mukha nina Zylene at Allison ang gulat at ganoon din ang mababakas sa mukha ko.

"D-Doc, ang ibig n'yo pong sabihin ay buntis ako?"

Nang tumango si Doc ay agad akong napahawak sa tiyan ko. Diyos ko. Ano ba ito? Kamuntikan nang mawala ang baby ko dahil sa kapabayaan ko? Naalala ko na balak ko pa sanang uminom ng gamot sa paga-aakala na nasira ito dahil sa kinain ko. Ang dahilan pala ng pagsusuka ko ay dahil buntis ako. At naalala ko na nag-gym pa ako kaya sobra ang pagod na natamo ko kaya kamuntikan nang mapahamak ang baby ko.

"You're two months pregnant, hija. Hindi mo ba nararamdaman na buntis ka?" Umiling ako kaya napatango ito habang may sinusulat sa check board niya. "Okay, bibigyan kita ng pangpakapit para makatulong sa pinagbubuntis mo. At palagi ka rin mag-vitamins at kumain ng healthy food. At sa pag-eehersisyo ay hindi ka maaaring gumamit ng mga mabibigat na gym equipment. Kung gusto mo ay may programa kami rito para sa safe pregnancy exercise."

"Salamat po, Doc. Pag-iisipan ko po 'yan." Tumango siya at nagpaalam na sa amin.

Nang kami na lang tatlo ang naiwan sa buong kwarto ay napahinga ako nang malalim at napapikit.

"Bitch, gusto mong tawagan namin si Atreo para—"

"'Wag!" Dumilat ako agad at tumingin sa dalawa bago umiling na kinataka nila. "Please, 'wag n'yo munang sasabihin. Ako na ang bahala."

"Pero muntik ka nang makunan. Dapat ay alam niya dahil siya ang ama."

"Allison, ayoko munang sabihin sa kanya. Natatakot ako. Ano ang sasabihin nila Dad at Mom? Nila Kuya? At lalo na nang ibang tao kapag tinanong kung sino ang ama nitong pinagbubuntis ko? Hindi ko nga alam kung pananagutan ba ako ni Atreo, lalo't may asawa siya."

"Pero sana, 'wag mong ilihim nang matagal sa kanya iyan. Nand'yan na 'yan, e. At kahit ano pang sabihin ng mga tao ay ang dapat na mas isipin mo ang sarili mo at ang baby mo."

Ngumiti ako at napatango. "Salamat sa inyo. Kung wala kayo ay baka hindi ko na kayanin pa ito."

Ngumiti sila at hinawakan ako sa kamay. Magkabilaan sila.

"Of course, kaibigan mo kami. Kaya kahit ano pang kagagahan ang ginagawa ng bawat isa sa atin ay palagi lang dapat na nakasuporta at palagi lang dapat na ipagtatanggol ang isa't isa. We're bitch, right?"

Tumango ako at napangiti sa sinabi ni Allison. Pinisil ni Zylene ang kamay ko habang nakangiti rin sa akin.

Huminga ako nang malalim habang pabalik-balik ako ng lakad. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang pagsabi kina Dad ng sitwasyon ko. Natatakot ako dahil baka itawil nila ako kapag nalaman nila kung sino ang ama ng pinagbubuntis ko.

Naisipan kong tawagan si Ate Hera. Right! I know she will understand me. She's also good at hiding the secret.

Tinext ko siya at naghingi ako ng payo about my condition. Ilang saglit lang ay nag-ring na ang phone ko kaya agad kong sinagot.

"Hello, Grace?"

"Ate, paano 'to? Hindi ko alam kung anong gagawin ko?" Napakagat ako sa kuko ko at bakas sa tono ko ang pagkataranta.

The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon