KABANATA 4

40.3K 1K 124
                                    

KABANATA 4

DATING GAWI. NARITO muli kami ni Aling Consuelo sa bahay ni Atreo dahil kailangang ipaghanda sila ng hapunan. Pero nagtataka ako dahil tanging mga tauhan lang niya ang kumakain. Hindi siya lumabas ng kwarto para kumain.

“Saglit lang, Grace, at dadalhan ko lang si General ng pagkain niya.” Agad na nalipat ang tingin ko sa hawak na tray ni Aling Consuelo na may lamang pagkain at inumin. May naisip naman ako. Nagpunas ako ng kamay bago lumapit sa kanya habang inaalis ang apron.

“Ako na po, Aling Consuelo. Magpahinga na po kayo dahil alam kong napagod kayo sa pagluluto.”

“Huh? Pero kaya ko pa naman. Tsaka baka mahirapan ka kung ikaw lang mag-isa ang magliligpit ng pinagkainan nila.”

Umiling ako at ngumiti rito. “Don’t worry, Aling Consuelo. Yakang-yaka ko ito.”

Natawa siya at walang nagawa kundi iabot sa akin ang tray. Napangiti naman ako at binitbit iyon palabas ng kusina.

Sa dinning area ay nakita kong tapos na ang Vipers sa pagkain. Ang ilan ay nakita ako kaya kumaway sa akin na ikinangiti ko. Hindi naman ako suplada, ’no.

Pagdating sa room ni Atreo kung saan ko siya huling nakitang lumabas kagabi, tumikhim muna ako at binasa ko ang aking labi gamitang dila ko.

“General, here’s your food,” sabi ko sa harap ng pinto. Naghintay ako ng tugon ngunit walang sumasagot kaya inulit ko ulit iyon at baka hindi lang niya narinig. Pero wala talagang sumasagot, kaya nilapag ko muna sa nakita kong table ang tray at lumapit muli ako sa pintuan. Hinawakan ko ang seradura ng pinto at maingat kong binuksan. Sumilip ako sa loob at tiningnan ang loob. Wala akong makita kundi tanging pader lang.

Tuluyan ko na lang na binuksan ang pinto at kinuha ko muna ang tray bago ako pumasok.

Maingat akong humakbang habang tumitingin sa loob. Nang makalagpas ako sa dalawang pader, nakita ko na ang malaking kama na puro itim ang kulay. Sapin, unan, at kumot ay all black. May paintings din sa dingding kung saan nakaharap ang head board ng kama. Very simple and very manly ang buong kwarto niya. Kaunti lamang ang gamit.

Lumapit ako sa side table malapit sa kama niya para ilapag doon ang tray. Lumakad-lakad ako para tingnan kung nasaan siya.

Tiningnan ko rin ang work table area niya. May ilang papel na nakakakalat doon. Inusisa ko pa kung ano iyon at nakita kong tungkol iyon sa mga plano kung paano sila mag-train o puntahan ang isang lugar.

Binaba ko iyon at napatingin ako sa isang small kit box. Binuksan ko iyon at kinuha ko ang laman. Condom. Shocks! Meron siya? It means, palagi siyang gumagamit? At ibig sabihin din ay meron siyang babae na ginagamitan nito?

Bigla ay kumulo ang dugo ko. Bumigat din ang paghinga ko dahil maisip ko pa lang na may ibang babae siyang naka-sex na ay parang nanghihina ako.

Binitiwan ko na iyon at binalik sa box bago isarado. Humarap na ako para sana umalis na at balak na iwan na lang ang tray, ngunit sa aking pagharap ay bumulaga sa akin ang basang dibdib ng isang tao. May tattoo na ahas sa dibdib habang kitang-kita ko ang ma-muscle na katawan.

Tumingala ako at agad kong nahigit ang hininga ko nang malaman na si Atreo ang nasa harap ko na basa ang buhok niyang mahaba. Nakatingin lang siya sa akin nang walang emosyon.

“Why are you here?” malamig niyang tanong.

Napakagat ako ng labi nang mapababa ako ng tingin. Tanging towel lamang ang nakatakip sa ibaba niya. Kitang-kita ko ang eight packs abs niya habang tumutulo ang tubig doon.

“I’m just here to bring your food.” Habang sinasabi ko iyon ay tumingin ako sa mata niya.

Lumapit siya sa akin kung kaya napasandal ako sa work table niya. Hinapit niya ako sa baywang kung kaya halos magkadikit na ang katawan ko sa katawan niyang basa.

The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon