EPILOGUE
"HAPPY BIRTHDAY TO you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday! Happy birthday our Dear Aallotar!"
Napangiti ako dahil kitang-kita ko ang saya sa mukha ni Aallotar habang kinakantahan siya ng mga pinsan niya at ilang batang nasa village na kapitbahay namin. "Anak, make a wish."
Tumingin ako kay Atreo na kinukuhanan ng litrato at video si Aallotar. Nakikita ko talaga sa kanya ang pagiging mabuti niyang asawa at ama sa amin ni Aallotar.
Itong birthday party ni Aallotar ay siya mismo ang nag-asikaso. At ang nakakatawa, ang Vipers ang ginawa niyang clown. May nagsayaw sa Vipers na hindi ko alam kung puro kaliwa ba ang mga paa o ano. Meron namang nag-magic at masasabi ko na pupwede na. Pero nagpapasalamat pa rin ako sa kanila dahil hindi sila tumanggi sa alok ni Atreo. Ngayon ay masayang-masaya si Aallotar sa ikalimang kaarawan niya.
"Grace, ang gwapo talaga ng asawa mo. At maalaga pa," tukso sa akin ni Ate Hera habang buhat-buhat niya ang bagong panganak niyang anak na babae. Si Nana.
"Talaga lang, ha?" Napatingin ako kay Kuya Jam na bigla na lang sumulpot. Napangiti ako nang makitang umirap si Ate Hera nang maupo sa tabi niya si Kuya at tiningnan siya nang matalim. "Sinong gwapo? Si Alvarez? Tsss. Wala sa kalingkingnan ko 'yon."
"Hep. Kuya, hindi mo yata nakikita na narito ako?" pinagtaasan ko siya ng kilay dahil nilalait niya si Atreo.
Natawa siya at pinagtaasan din ako ng kilay. Napakaseloso niya. Kaya hindi nakakapagtaka kung taon-taon niyang binubuntis si Ate. Tss. "Oh, tila mainit ang atmosphere dito?" naupo si Kuya Gab sa tabi ko kaya mas lalo akong nainis. Nagsama na naman ang dalawa.
"Bro, gwapo raw si Alvarez?"
Napahalakhak si Kuya Gab kaya napakuyom ako ng kamay habang matalim kong tinitingnan si Kuya Jam. Sinuway siya ni Ate Hera pero hindi naman nagpaawat sa pagtawa.
"Naku Ate Hera, hiwalayan mo 'yang si Kuya. Wala sa bokubolaryo niya ang salitang pahinga. Kaya kung ayaw mong matuyuan ng dugo ay hiwalayan mo na."
Namula si Ate Hera sa sinabi ko habang si Kuya Jam ay nawala ang ngiti at binigyan ako ng inis na tingin.
Napatawa ako at inirapan siya bago tumayo. Hays! Nakakainis talaga sila kahit kuya ko sila. Lagi na lang nila kinakawawa si Atreo.
Naalala ko tuloy no'ng inaya nila si Atreo na mag-inuman. Hinayaan ko naman dahil sabi ni Atreo ay gusto niyang mapalapit sa dalawang kapatid ko, pero inabot na ng madaling araw no'n at hindi pa umuuwi si Atreo. At dahil inatake na naman ako ng pagka-paranoid ko ay agad kong tinawagan ang kambal kong kuya para itanong kung nasaan si Atreo. At nang sabihin ng mga ito na nasa isang bar at may ka-table ay halos umusok ako sa galit.
Kaya sumugod ako sa bar. Pagdating ko roon ay halos pamulahan ako ng pisngi nang makitang nagsasayaw si Atreo sa stage.
Hinanap ko ang dalawa kong kuya at nainis ako nang makita na nakaupo lang ang mga ito habang tuwang-tuwa na vini-video-han si Atreo.
"Hey, baby wife." Napakurap ako nang mawala ako sa pagbabalik-tanaw ko sa nakaraan. Napansin ko na nandito na pala sa harap ko si Atreo.
"Oh?" Natawa siya at binitiwan ang camerang hawak niya na nakasukbit ang tali sa leeg niya.
"Sabi ko, narinig mo ba ang wish ni Aallotar?"
"Huh? Ano bang wish niya?"
Ngumiti siya ng pilyo at naglakad siya patungo sa likod ko bago ako niyakap. Pagkaraan ay hinaplos niya ang tiyan ko.
"Little brother."
Namula ako sa sinabi niya kaya agad kong inalis ang kamay niya bago ko siya hinarap.
![](https://img.wattpad.com/cover/192124354-288-k743603.jpg)
BINABASA MO ANG
The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)
Ficção GeralWalang ideya si Grace nang siya ay mapadpad sa isla kung saan niya nakilala si Atreo. Nagising na lang siya na wala nang maalala. Ang tanging alam lang niya ay ang kanyang pangalan. Noong una pa lang ay tila ilap na sa kanya si Atreo, ngunit kahit...