KABANATA 24
NAPAMANGHA AKO NA napatingin sa mataas na gate na tila maharlika ang nakatira. May mga guwardya na nakasuot ng uniform na kulay maroon habang may sumbrero rin sa ulo na katerno ng uniform nilang suot. Binuksan nila ang gate nang bumusina ang nagmamaneho sa amin ng isang limousine. Bale, sinundo lang kami nito mula sa airport dito sa Greece.
Napakaganda ng Greece. Tahimik, malinis, at medyo malamig din. Kita ko rin ang mga tila ancient greek establishment na nasa paligid.
"Dito ba nakatira ang grandma mo?" tanong ko kay Atreo na nasa tabi ko habang pinaglalaruan ang kaliwang kamay ko na nasa kanyang kandungan.
"Yeah. Dito rin ako lumaki," aniya kaya napangiti ako.
Pumasok na ang limousine na sinasakyan namin kaya napatingin ako sa bintana at nakita ko ang malaki at puro puting kulay na isang greek interior design house. Napatingin ako sa underground pool na napakalawak na siyang lalong nagpaganda sa bahay.
Mangha-mangha ako sa ganda ng bahay. At parang aabutin ka ng isang araw bago mo malibot ang kabuuan nito.
Pinagbuksan kami ng isa sa mga gwardya. Naunang bumaba si Atreo at pagkatapos ay inalalayan niya ako para makababa rin. Nang makababa ako ay muling lumibot ang paningin ko.
"Let's go, baby wife." Tumango ako kay Atreo nang pisilin niya ang baywang ko para pukawin ako at akayin.
"Kalós ílthate píso, kýrie," bati ng dalawang guwardya na yumukod sa amin nang madaanan namin sila.
"Anong sabi nila?" Napangiti si Atreo nang bumulong ako sa kanya para itanong iyon.
"They said. welcome back, master."
"Paano ko kakausapin ang mga tao rito kung iba ang salita nila?"
"Don't worry, you have me."
"E, 'yong grandma mo? Ganoon din kaya siya magsalita?"
"Marunong siyang mag-Tagalog dahil Pilipina siya. Si Grandpa ang Griyego sa kanilang dalawa."
"Nand'yan din ba ang grandpa mo?" napahinga siya nang malalim at umiling na kinataka ko.
"Patay na siya no'ng limang taon pa lang ako."
"Oh, I'm sorry." Ngumiti siya at umiling.
"It's okay. Nagtatanong ka lang naman." Ngumiti ako at tumingin kami sa nilalakaran namin papasok sa bahay. Napatingin ako sa loob ng bahay na bawat parte ay may kwarto. May sariling room na halos puro puti ang makikita mong kulay ng dingding. Naupo kami sa isang U-shape couch na may isang glass table sa harap.
"O engonós mou! My Grandson!"
Napabaling kami ng tingin nang may biglang humiyaw. Napatingin ako kay Atreo ng tumayo siya kaya tumayo rin ako at tumingin sa isang ginang na puro puti ang kulay ng maikli niyang buhok. Ang kutis niya ay makinis at maputi rin habang nakasuot siya ng isang sosyal na pang winter outfit at may balabal siya na raffles sa kanyang balikat.
May hawak siya na puting panyo na pinahid niya sa kanyang mata tila napaiyak pa siya ng makita si Atreo.
"Efcharistó Theé mou. O, My Grandson. I'm miss you so much. Huhu." Napangiti ako habang pinagmamasdan ang ginang na panay ang haplos sa mukha ni Atreo at nariyang sobrang higpit niya itong niyayakap.
"I miss you, too, Grandma. Pero bitiwan n'yo muna ako, please."
"Giatí? Den me cháseis?" Napanguso ang grandma ni Atreo ngunit hindi ko naunawaan ang sinasabi niya.
"Of course, I miss you, Grand Ma. But can't you see, my wife is here?"
Napalingon-lingon ang matanda. Napakunot-noo ako nang hawiin niya si Atreo at tila may hinahanap siya sa likod ni Atreo. Nang wala siyang makita ay napatingin siya sa akin at napaturo pa.
BINABASA MO ANG
The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)
General FictionWalang ideya si Grace nang siya ay mapadpad sa isla kung saan niya nakilala si Atreo. Nagising na lang siya na wala nang maalala. Ang tanging alam lang niya ay ang kanyang pangalan. Noong una pa lang ay tila ilap na sa kanya si Atreo, ngunit kahit...