KABANATA 8
HINDI AKO NAKATULOG nang maayos kagabi dahil sa kakaisip sa kinikilos ni Atreo. Kaya ngayon ay para akong zombie na bumangon sa higaan kinabukasan. Ginawa ko ang morning ritual ko at lumabas na ako ng kwarto ng makapag-ayos na ako ng sarili ko.
Naabutan ko si Mang Feliciano na inaayos ang dadalhin niyang gamit para pumunta sa ibayong lugar para mangisda. Lagi siyang wala sa umaga dahil nangingisda siya para itinda at kapag nakabenta ay binibili niya ng kailangan nila ni Aling Consuelo sa bahay.
"Mang Feliciano, aalis na po kayo?"
Napaangat siya ng tingin sa akin at napatigil.
"Oo, hija. Matagal din akong natigil sa pangingisda mula nang magpunta kami sa probinsya ng kaibigan ko. Kaya kailangan kong bumawi para makabili ng mga kakailanganin sa bahay."
Humahanga naman ako sa sipag at dedikasyon ni Mang Feliciano na itaguyod si Aling Consuelo kahit pa wala silang anak. Sana kung papalarin, sana ganito kami ni Atreo hanggang sa pagtanda.
"Mag-iingat po kayo. Ako pong bahala kay Aling Consuelo habang wala po kayo."
Napangiti siya sa sinabi ko at tumango sa akin habang sukbit-sukbit niya ang bag na dadalhin niya at maging ang paglalagyan ng nahuli niya.
Wala si Aling Consuelo sa bahay kaya tiyak na nasa bahay ni Atreo. Naupo ako sa upuan at napahinga nang malalim. Nanlalata pa ako dahil kulang ako sa tulog sa kakaisip kay Atreo.
Kakasimula pa lang ng relasyon namin, tapos agad-agad ay pinapahirapan na niya ako. Porket gustong-gusto ko siya at hulog na hulog na ako sa kanya, sasamantalahin naman niya.
Sino nga kaya 'yong tumawag? His dad or mom? Aha! Oo nga. Baka nawalan siya ng gana dahil isa sa parent niya ang tumawag. Baka may sama siya ng loob doon.
Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo at lumabas ako ng bahay nila Aling Consuelo. Nilakad ko ang ilang pagitan ng layo ng bahay nila Aling Consuelo mula sa bahay ni Atreo.
Pagpasok ko ay tahimik ang kabahayaan kaya naisipan kong tunguhin ang kwarto ni Atreo. Tumingin muna ako sa paligid bago ko binuksan ang pinto at pumasok. Sinara ko ang pinto at naglakad ako papasok ng kwarto ni Atreo.
Napahinto ako nang makita ko siya na nakasuot ng army uniform habang nakatalikod sa akin at nakatanaw sa bintana. May hawak siyang phone na nakatapat sa tainga niya at tila may katawagan siya.
Maingat akong naglakad para hindi niya malaman na narito ako. Nais ko siyang gulatin.
"Don't act like you hurt, because you are not. Hindi ako tanga para paikutin mo. Kung napaikot mo sila Dad, pwes, ako hindi!"
Napahinto ako sa paglapit sa kanya dahil sa galit niyang sinabi sa kausap niya sa kabilang linya. Sino ba ang kausap niya? Ke aga-aga, e, galit na galit siya.
Nakita kong binaba na ni Atreo ang cellphone at napahugot siya ng hininga at tila pinapakalma ang sarili bago siya humarap para siguro umalis sa harap ng bintana. Pero napahinto siya at nakita ko na gulat na gulat ang mukha niya habang napapalunok. Namutla siya agad na hindi ko malaman kung bakit?
"B-Baby."
"Are you okay, Atreo?"
"Kanina ka pa?"
"Kakapasok ko lang din." Tila naman siya nakahinga nang maluwag kaya napahalukipkip ako. "Bakit galit na galit ka sa kausap mo? At ano 'yong 'Don't act like you hurt, because you are not. Hindi ako tanga para paikutin mo. Kung napaikot mo sila Dad, pwes, ako hindi!'"
Talagang ginaya ko pa ang way ng pagkakasabi niya na may halong galit niyang emosyon na ikinangiti niya. Ibinulsa niya ang cellphone sa bulsa ng army pants niya. Lumakad siya palapit sa akin at pagkalapit niya ay hinapit niya ako sa baywang kaya nagkalapit masyado ang aming katawan.
BINABASA MO ANG
The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)
Fiction généraleWalang ideya si Grace nang siya ay mapadpad sa isla kung saan niya nakilala si Atreo. Nagising na lang siya na wala nang maalala. Ang tanging alam lang niya ay ang kanyang pangalan. Noong una pa lang ay tila ilap na sa kanya si Atreo, ngunit kahit...