KABANATA 33

41K 849 48
                                    

KABANATA 33

"JOHN, KUMUSTA ANG paghahagilap mo?"

Niluwagan niya ang kurbata niyang suot at inilapag niya ang attaché case na hawak niya. May kinuha siya roon at nilabas ang ilang papel na naka-stapler. "Wala siya sa ibang bansa, dito lang siya nagtatago."

Napakuyom ang kamay ko sa sinabi niya. Pero pinakalma ko ang sarili ko. "Saan siya nagtatago kung gano'n?"

"Here." Napatingin ako sa papel na inabot niya kaya kinuha ko iyon. "D'yan nakasaad ang address niya."

"Sigurado ka ba rito?"

"Oo."

Anong ginagawa nito doon?

"Oh, kape mo, dude."

Agad kong naibilot ang papel at tumingin ako kay Atreo na sumingit na naman. Kanina pa siya. Nand'yan na dito pa talaga sila naglaro ni Aallotar at napakalakas ng tawa niya kaya halos ma-distract si John sa pag-uusap namin.

Napataas ang kilay ko nang maupo siya sa isang bakanteng silya na rattan at humalukipkip siya habang nakangiti sa amin.

"'Wag n'yo akong pansinin. Go ahead. Hindi ako makikinig."

Tsss.

Tumingin ako kay John at ngumiti siya. Tumayo na siya kaya napahinga ako nang malalim at tumayo na rin.

"I have to go, Grace. Text mo na lang ako kung may kailangan ka pa sa akin."

Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Salamat, John."

"Walang anuman . . . Sige." Tumingin siya kay Atreo kaya tumingin din ako rito. Ngising-ngisi si Atreo na kinairap ko. Umalis kami ni John sa harap ni Atreo para ihatid ko siya sa labas.

"Grace, siya ba ang ama ni Aallotar?"

Tumango ako at napahinga nang malalim. "Yes."

"Nagkabati na ba kayo?"

"Hindi pa."

"Bakit hindi mo alamin sa kanya ang totoo?"

Tumingin ako kay John at umiling. "Ayoko. Ayokong sa kanya marinig. Gusto kong ako mismo ang umalam."

"Okay, sabi mo . . . Pero selos na selos iyon. Kanina pa nagpapapansin."

"Wala lang magawan iyan . . . Sige na, umalis ka na."

Napailing siya at may kinuha sa bulsa ng tuxedo niya. Nakita ko na isang invitation iyon.

"Dumalo ka sa engagement party namin ni Dave."

Kinuha ko ang invitation na hawak niya at napabuntonghininga ako habang tinitingnan ang sweet photo nila ni Dave.

"Tsss," asik ko at napailing ako na tumingin sa kanya.

"Sorry, Grace, pero hanap ka na lang ng pagpapanggapin mong suitor. Oh 'di kaya, patawarin mo na ang gwapong iyon."

"Tigilan mo ako, John. Umalis ka na nga." Binuksan ko na ang gate kaya napailing siya at lumabas na. Sinara ko na ang gate at tinago ko mula sa garter ng short ko ang invitation niya dahil baka may makakita pa.

Pumasok na ako sa loob. Tumingin ako sa sala pero wala roon sina Aallotar. Napatingin ako kay Sally na lumabas at tila kagagaling lang sa garden.

"Sally, nasaan sila Aallotar?"

"Ah, Señorita, nasa taas po."

Napatango ako at nagpasalamat dito bago pumanhik. Tinungo ko ang entertainment room pero wala naman sila roon, kaya sa kwarto na ako dumiretso. Pagpasok ko ay napakunot-noo ako nang makarinig ng tawanan mula sa banyo kaya lumakad ako palapit doon.

The Greek Innocent Mistress Grace Jane Esteban (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon