SIN 23

359 6 0
                                    

Sinclair Corona Del Fraire-Vallejos

( 23)

MASAYANG nakikihalubilo si Hail sa mga kaibigan nyang dumalo sa birthday party na para sa kanya nang lumapit ang ina ni Sin na may ngiti.
"Are you enjoying your party?" Tanong nito sa kaniya na kaagad nyang sinagot.
"Opo salamat po tita I really appreciate it." Ani nya at yumakap dito.
"By the way hija gusto ka palang batiin ng amiga ko" Tita Sienna said while holding her hands at saka lumingon.
Nawala ang ngiti ni Hail ng makita kung sino ang tinutukoy ng magiging byenan nya.
Ngumiti ito sa kanya na halatang plastik.
"Ikaw ba ang birthday celebrant?" Tanong nito habang nakangiting plastik. Napakuyom ng kamao si Hail at pinilit na ngumiti kahit gustong gusto nya itong simangutan at awayin para umalis sa party nya.
"Opo ako nga po." Sagot nya
"Amiga, this is Xerafina Hail Valencia the birthday celebrant, and Xerafina, this is Miranda Balmonte my bestfriend since high school." Pakilala ni Tita Sienna sa 'bestfriend' nya.
"Happy Birthday hija." Bati sa kanya ni Miranda na halata namang pilit. Lumapit ito sa kanya at bumeso tapos ay bumulong.
"Mag-uusap tayo Xerafina." bulong nito bago lumayo at humarap kay Tita Sienna.
"Amiga, cr lang ako ha. Babalik din ako agad." She said at nakipagbeso rito.
"Sige dun lang ako sa table kasama ng asawa ko. Balik ka marami kang dapat ikwento sakin."

Nasa restroom si Hail at nag-aayos ng sarili nang may magsalita sa likod nya.
"Mukhang malapit ka sa mga Vallejos at nagpaparty pa sila dahil lang sa birthday mo. Tell me Xerafina, ganto ka na ba kadesperadang umangat at kumakapit ka sa mayayaman? Baka binebenta mo na rin ang katawan mo sa anak nila kaya-"
"Shut up!" Hail shouted at matapang na hinarap ang kanyang ina na si Miranda.
"Ganyan na ba kababa ang tingin mo sakin Mommy?"
"Don't call me mommy hindi kita anak."
Nasasaktan si Hail sa mga sinasabi ng ina nya pero pilit nyang pinatatag nya ang sarili.
"Well I'm not sorry to say but you're still my mother whether you like it or not dahil galing ako sa sinapupunan mo." She smirked and was about to leave when she heard her talk again.
"I will not let Sienna's son marry a gold-digger bastard who's just working in a bar like you."
Namutla sya sa sinabi ng ina nito. Hindi sya makakilos. Walang salita ang lumabas sa bibig nya at nanatili lang sa kinatatayuan.
"Ano? Bakit hindi ka makapagsalita? Kasi totoo na sa bar ka nagtatrabaho? Alam kaya nila to? Alam kaya ni Sinclair na hindi ka naman talaga nag-aaral?" Naikuyom ni Hail ang kanyang mga kamay habang pilit na kinakalma ang sarili sa halo-halong emosyon na nararamdaman nya nang banggitin iyon ng ina.

Kaagad syang lumabas ng restroom at pumunta sa party. Hindi nya kayang tumagal pa roon. Ayaw nyang sagutin ang ina at baka kung ano pa ang masabi nya sa ina na kailanman ay hindi sya tinuring na anak.

Pagkalabas nya ay inilibot nya muli ang tingin sa mga bisita na naroon, umaasang makikita si Sin pero si Meilyne ang nahagip ng mga mata nya. Mukhang masaya habang kausap si Fervid.

"SINCLAIR! Don't leave me please! I love you! Tayo na lang ulit!"
Pilit na kinakalas ni Sin ang mga brasong nakayakap sa kanya at tinignan ang babaeng kanina pa sunod ng sunod sa kanya na parang aso.
"Stop bugging me."
He said at saka umalis. Ramdam nyang pinagtitinginan sya ng mga tao. Tss..That woman got so many attentions.
Narinig pa nya na tinawag sya nito sa kanyang pangalan ng paulit-ulit but hindi na sya nag-aksaya pa ng effort para lingunin ito. He doesn't even remember the name of that woman who hugged her. He was busy on a date until that woman hugged her kaya nilayasan sya ng bago nyang nabingwit na chix. Oh well, wala naman syang pakealam. Marami namang babae sa mundo kaya ayos lang.

Habang naglalakad sya patungo sa bago nyang Ferrari ay tinawagan nya si Hail.
"Hello love?"
"Hey..pwede ko bang malaman kung nasaan ka? I want to talk to you."
He opened the car at sumakay.
"Uhm..N-nasa school ako eh. Pero magkita na lang tayo sa café na malapit sa school. May klase pa ako eh."
"Okay. I'll see you there."
He said at pinatay ang tawag. Nilagay nya sa dashboard ang cellphone at saka pinausad ang sasakyan palayo sa VMM.

SIN LOOKED for Hail as he entered the Hugs & Kisses Café. Nakita nya si Hail sa may tabi ng glass wall. Kaagad syang lumapit rito.
"Hey..mukhang malalim ang iniisip mo ah.."
"Sin.." she smiled and hugged him. Naging maaliwalas ang mukha ni Hail at nawala ang pag-aalala at takot sa mukha nito na nakita nya kanina.
"Pinaghintay ba kita ng matagal?" he asked
Umiling si Hail.
"Nope. I missed you." She said and was about to kiss him pero pasimple syang umiwas.

He cleared his throat. "Have a sit, Hail." aniya at pinaghila ito ng upuan. Nang makaupo na si Hail ay umupo na rin sya.

"Bakit ka umiwas?" Di na napigilan ni Hail ang magtanong.
Sin didn't bother answering her question and he just look at her habang iniisip kung paano uumpisahan ang dapat nyang sabihin.
"Sin..-"
"I'm not gonna marry you." He said directly making Hail stiff.
"W-what?"
"Binabawi ko na yung sinabi ko sayo about our marriage-"
"Tell me you're joking."
"I'm not. I'm sorry Hail but I can't marry you." He said at tumingin sa wristwatch nya. And when he saw the time ay nag-aya na sya. "Halika na Hail ibahatid na kita. Baka malate ka sa next class mo." He said at tumayo gayun din si Hail at humarang sa dinaraanan nya.
"Sino nag-utos sayo? Did that woman ordered you? Please wag mo syang sundin, Sinclair."
Nangunot ang noo ni Sin nang marinig iyon. He's confused.
"Nag-utos? Wala. What are you talking about? Sinong woman?" Tanong nya.
Pero biglang tumalim ang tingin nya sa kung saan at nakita nyang kumuyom ang kamay nito.
"Hail. Are you okay?" Sin asks worried.
"I'm fine. Excuse me. I have to go." Hail said at saka nagmadaling kinuha ang gamit nya at umalis.
"Hail, wait!" Tawag nya at lumabas ng café para habuling ang dalaga pero paglabas nya ay saktong nakaalis na ang taxi na pinara nito.

Habang nakatingin sya sa papalayong taxi ay pumasok sa isip nya ang ilang katanungan. Sinong 'woman' ang tinutukoy ni Hail? At ano yung sinasabi nyang inutos?

MXNX

The Enigmatic Trillionaire┆COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon