SIN 16

353 9 0
                                    

( 신 16 )

ILANG ARAW ng hindi pumapasok si Sinclair kaya hindi maiwasan ni Meilyne na mag-alala kaya hindi na sya nakatiis at nang malapit na silang umuwi, nagtanong na sya sa manager nila na si Eunice kung bakit hindi pumapasok si Sinclair sa café.
"Hindi na muna sya magtatrabaho dito Mei. Tinawagan ako ng secretary ni Mr. Vallejos hindi na daw muna magtatrabaho si Sin dito. Hindi ba sayo sinabi nila Clark?"
Umiling si Mei.
"Bakit po ma'am?" Malungkot na tanong ni Mei
"Walang sinabi kung bakit eh. Inutusan lang daw sya ni Mr. Vallejos."
Nalungkot si Mei at ngumiti na lang ng tipid.
"Salamat po ma'am. Babalik na po ako sa trabaho." Paalam ni Mei kay Eunice na tumango lang.

Panay buntong hininga ni Mei habang ipinapatong sa ibabaw ng mesa ang bag nya at pagod na humiga sa sofa. Nakatunganga lang sya habang nakatingin sa kisame. She misses Sinclair. Baka kasama nito ang girlfriend nya. Tch. Girlfriend. Sabi nya dati single sya tapos may biglang may pupunta sa café at tatawag sa kanya ng love? Nakakainis! Sin as in SINungaling! Pero teka, bakit sya nagagalit? Responsibilidad ba ni Sin na sabihin iyon sa kanya? Eh hindi naman. Magkatrabaho lang sila. Friends lang naman sila. Aray. Sakit nun ah.

Nanatili lang syang nakatingin sa kisame habang iniisip si Sinclair, ilang minuto pa syang ganun hanggang sa narinig nya ang pag-ring ng kanyang cellphone. Umupo sya at inabot ang bag na nasa table at kinuha ang cellphone sa loob nun. Kaagad nyang sinagot ang tawag nang makitang ang kaibigan nya iyon.
"Hello Lyca?"
"Mei ano na? Nasan ka na? Kanina pa kami dito sa labas ng club! Pupunta ka pa ba?"
Oo nga pala may usapan sila ni Lyca at Margarette. Tinatamad syang pumunta pero ayaw nya namang madismaya at magtampo sa kanya ang mga kaibigan nya kaya kahit tinatamad ay umoo parin sya.

PAGKARATING sa Club Hornex ay kaagad syang bumaba ng kotse na ipinarada nya at saka hinanap ang mga kaibigan nya na nasa labas.
Kaagad na nagsitakbuhan ang kaibigan nya at sinalubong sya ng yakap.
"Ready to party??" tanong ni Marga
"Syempre! And I'm ready to hunt a new jojowain!" Lyca said na halatang excited.
"Ikaw Mei maghanap ka na rin ng jojowain dito" sabi ni Marga na nakangisi
"Tsk. Ewan ko sa inyo. Jowa-jowa pa maghihiwalay din naman." Sabi nya at saka naunang pumasok sa club.
"Ay ang bitter."

Pagpasok nya ay sumalubong sa kanya ang malakas na tugtog at ang hiyawan ng mga tao.
"Tara doon tayo girl!" aya ni Lyca at hinila sya sa may table na malapit sa counter.

Kaagad na umorder silang tatlo ng maiinom at di nagtagal ay nag-ayang sumayaw pero nagpaiwan si Mei sa table at ininom na lang ang margarita nito. She sighed at sumandal sa leather na upuan habang pinapanood ang mga tao sa dancefloor na sumasayaw. Gusto nyang sumayaw at mag enjoy pero hindi nya magawa wala kasi syang gana. Inilibot nya ang tingin sa paligid. There's the DJ at the front center, lights na kumikislap at sumasabay sa beat ng sound. Tumingin sya sa mga occupied table naiinggit kasi nagagawa nilang magsaya. Sa ibang table ay may nakikita na syang nagmemake out. Well it's expected since it's a party club. Ininom nya ng straight ang laman ng cocktail glass nya at nang inilapag nya ang baso ay may nahagip ang mata nya. Kumunot ang kanyang noo at tumingin ulit sa table na yon. She saw five men drinking at nagtatawanan liban sa isa na busy sa laptop nun. Hindi nya maialis ang mata roon lalo na sa lalaking tingin nya ay kahawig ni Sinclair. Tinignan nya iyon ng mabuti kahit nakakahilo dahil sa malikot na iba't ibang kulay ng ilaw. Lasing na ba sya? Bakit iniisip nyang si Sin yon? Ganun nya na ba ka miss ang binata?
Pinagmasdan nya ang lalaki na kahawig ni Sin who's wearing a suit but without the necktie bukas din ang tatlo nitong butones ng white polo na suot and his hair was messy and damn he looks hot.Napatingin ito sa gawi nya at nagtama ang kanilang mga tingin. Naramdaman nya ang biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso na parang natutuwa itong makita nyang muli ito habang nakatingin sya sa mga mata nito. Pero ang mabilis na tibok ay nawala at napalitan ng kirot ng iniwas nito ang tingin sa kanya na parang hindi sya kilala.

"TANGNA Karton kinikilabutan ako sayo maghanap ka na nga ng babae mo dun! Alam kong kulang ka lang sa iyot!" singhal ni Cam kay Carlton na panay kapit sa braso nito.
"Cam, cam to me beybeh." malanding sabi ni Carl kay Cam habang panay kapit at himas sa braso nito.
Kami naman ni Revell at Morris ay panay ang tawa.
Walanghiya talaga.
"Tigilan nyo yan may inosente dito nababastos ako." Sabi ko at sabay takip ng mata.
Naramdam ko namang binatukan ako ni Revell na mabigat ang kamay. Brutal eh langya.
"Aray Rebelde! Ay hindi ReBERDE pala, lumutin utak mo eh." Banat ko kaya nakatanggap na naman ako ng batok.
"Morris sinasaktan ako oh." sumbong ko kay Morris
"Morris ayaw na sakin ni beybeh Cam saken." sumbong ni Cam
"Morris di ka pa ba tapos jan? Baka maging kamukha mo na yang laptop mo tigilan mo nga muna yan mambabae muna tayo! Masaya yun Morris masarap pa." Sabi ni Cam na pinalakas ang boses para marinig namin.
"No thanks. I'm not a manwhore like you."
Diretsahang sabi ni Morris
Humagalpak naman kaming tatlo sa realtalk ni Morris at reaksyon ni Cam.
"Oh ano ka ngayon Cambing?" Carlton habang tumatawa habang hawak ang tyan
"Deserve." sabi ni Revell na tumatawa ng nakatakip sa bibig ang kinuyom na kamao.
"Wala pre you have been slained." Sabi ko na mas lalong ikinalakas ng tawa namin.
Inis naman kaming pinagbabato ni Cam ng lemon.
"Tangna nyo kala nyo naman mga birhen. Gago parepareho tayong apat na tumitira ng babae." Sabi ni Cam
"Pre, kaming tatlo lang, bakla tinitira mo eh!" Sabi ko ulit kaya mas lalo kaming humagalpak ng tawa.
"Tangena nyo magsilayas kayo sa club ko!" Sigaw ni Cam na ikinatawa naming lahat hindi narin naiwasang matawa ni Morris kahit nakatutok sya sa laptop nito.
"Pilitin mo muna kami." Sagot ko
"Chill mahal ayos lang yan tanggap parin naman kita." pang-aasar pa lalo ni Carl na halatang pinipigilan ang tawa.
"Mga gago!" Pikon na si Cam
"Tama na yan baka sipain tayo ng Cambing." Sabi ni Revell na nakaani ng sipa kay Cam.
"Aray! Sakit manipa ng Cambing!" daing ni Revell
Sinubukan kong tumigil sa pagtawa pero pagnaaalala ko yung pinagsasabi namin natatawa ulit ako. Tangenugh ang init ng mukha ko. Mga yawa. Nahihirapan tuloy akong kumalma.
Huminga ako ng malalim at tumikhim.
Maghahanap na lang ako ng chix. Mga impakto tong kasama ko eh.
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid and I caught someone looking at me. Si Meilyne ba yun? Sakin ba talaga sya nakatingin?
Kaagad kong iniiwas ang tingin ko sa kanya nang makita ko ang suot nyang damit. Napalunok ako at naramdaman kong sumikip ang slacks ko. Fck. She's so freaking sexy in red.
"Hello boys pwede makishare ng table?" Sabi ng isang babae na kumuha ng atensyon namin. Aayaw na sana ako nang naunahan ako ni Cam and the fucker said yes.
Ngumiti ang babae at kaagad na lumapit samin. At ang babaeng nagtanong...ay kumandong sakin. -__-
Mukha ba kong sofa? Pero yaan na natin. Gusto ko ng companion mamaya. Gusto ko magbawas. If you know what I mean.
Ugh.

To be continued...
MXNX

The Enigmatic Trillionaire┆COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon