( 신 22 )
THE PARTY was so alive and very elegant. Lahat ng naroon ay may mga alahas na kumikinang. Paramihan ng yaman. Nakakaboring. Hindi naman din sya nilalapitan ni Hail because he's Fervid Donovan. And his parents were busy welcoming the guests. Hindi nakarating ang parents ni Hail busy daw sa negosyo. Siguradong malungkot ngayon si Hail at madadagdagan pa ang lungkot nya kapag nasabi ko na ang dapat kong sabihin bukas.
Nang ma-bored na talaga sya ay naisipan nyang pumasok na lang sa bahay. Habang naglalakad ay may mga nakakasalubong syang mga businessman na nakakalilala sa kanya. Well that's because he owns chains of companies and also he's one of the richest person in the world. Papasok na sya sa bahay nang marinig nya na tawagin sya ng ina.
"Fervid, halika dito."
Tumigil si Sin sa paglakad at humarap sa ina nya na may kasamang babae na mukhang kaedad lang ng ina nya.
"Bakit ma?" Tanong nito.
"Can you accompany your Tita Miranda's daughter? Mag-isa lang kasi ang batang iyon sa table."
Aayaw sana si Sin pero ayaw nyang ipahiya ang ina. At nakakahiya sa kaibigan nito kung hindi sya papayag.
"Okay. Where's she?" Sin asks at saka namulsa.
"Table 25." Said Tita Miranda
Tumango sya. "Okay. I'll accompany your daughter hanggang sa makabalik kayo."
Sin said.
"Thanks Fervid. Tara Miranda dun tayo. Fervid, be nice to her, okay?"
Tumango lang si Sin at saka walang ganang naglakad papunta sa table 25.
Nang ilang metro na lang ang layo nya ay nakita nya ang nakatalikod na babae. Tumigil sya saglit at pinagmasdan ang babae at hindi nya maiwasan na humanga sa katawan at kutis nito na parang nagrereflect ang ilaw sa tuwing nasisinagan.Nang magpatuloy sya sa paglalakad at makarating sa likod nito ay tumikhim sya para makuha nito ang pansin nya.
"Señorita.."
Lumingon ang babae sa kanya at pinigilan nyang bumakas ang gulat sa mukha ng makilala nya ito. Parang kinapos ng hininga si Sin dahil sa ganda ng babaeng nasa harap nya ngayon. Si Meilyne. Parang may bumara sa lalamunan nya at di sya makapagsalita.
"Ako ba?" Tanong ni Mei
"Y-yeah."
Shit! Bakit ako nautal? Fuck.
Act like Fervid, you dimwit!Sin cleared his throat at nilahad ang kamay.
"I'm Fervid Donovan Vallejos, señorita." Pakilala niya.
"Meilyne Balmonte." She said and accepted his hand.MEILYNE can't take her eyes off the man who's wearing a mask who just kissed the back of her hand like a real gentleman.
Her heart skips a beat nang magtama ang tingin nila.
"Pwede ba kitang samahan dito?" Tanong nito sa kanya.
Wala sa sarili syang napatango.
Umupo ito sa harap nya at hindi nya maiwasang tumingin sa braso nito na bakat ang muscles at sa katawan nito na halatang matipuno plus he looks hot with his mask on. Para itong model ng isang mamahaling formal suit.
"Ms. Balmonte, kung hindi ako nagkakamali, you're working on my café, aren't you?"
"Your café? Ikaw ang may-ari ng Luscious Café? So you're Mr. Vallejos?"
Sunod sunod na tanong nya kay Mr. Vallejos.
"Yes I own it and señorita, you can call me by my name. Don't worry I won't mind."
"Hm." Sagot nya na lang at iniwas ang tingin.
"Aren't you hungry?"
Nilingon nya ang boss nya at nakita nya itong nakatitig sa kanya making her heart beat so fast.
"Aren't you hungry?" Ulit nitong tanong sa kanya.
Napahawak sya sa tyan nya ng maramdaman nyang kumulo iyon at napatingin sya sa tyan nya.
She blushed.
Nakakahiya.
Nang mag-angat sya ng tingin ay nakita nyang malawak ang ngiti ni Fervid sa kanya. Those smile, parang pamilyar, it was the same as Sinclair's.Ipinilig nya ang ulo para pigilan ang iniisip. Baka di magtagal ay maisip nya na si Sinclair ang kaharap. And that's not right.
Ganun nya ba kagusto si Sinclair para makita nya ito sa ibang tao?"Ehem. Mukhang gutom ka na nga. Come on let's get something to eat." Anyaya ni Fervid sa kanya na sinagot nya lang ng tango. He's intimidating!
Pumunta sila sa buffet table at kumuha ng makakain tapos ay naglakat pabalik sa table nila.
Pabalik na sila sa kanilang table nang makita nya ang babaeng kasama dati ni Sin sa café na nilapitan si Fervid.
"Kuya Fervid, nakita mo ba si Sinclair?"
Sinclair? Nandito si Sinclair?
She suddenly felt happy and eager to see him.
Tumingin sya sa katabi nya na si Fervid at nakita nya itong lumunok.
"I saw him leave earlier pagkatapos nyang ibigay sayo yung regalo nya." he said coldly giving her chills.
"Ganun ba?" she said in a sad tone tapos ay dumako ang tingin nito sa kanya. Nang makita sya nito ay halatang nagulat ito. Para itong nakakita ng multo.
Kumunot ang noo ni Mei pero kaagad nyang pinalitan iyon ng isang matamis na ngiti.
"Hi, I'm Meilyne Balmonte." ani Mei at inilahad ang kamay.
"Xerafina Hail." Sagot nito at saka walang sabi sabing umalis ito sa harap nila.
Ibinaba na lang nya ang kamay na nakalahad.
"That was rude." Mei said na narinig pala ni Fervid.
"Don't mind her. Maybe she's just upset of something."
Tumango na lang sya at saka nagpatuloy sa paglalakad patungong table.They ate and talk hindi nya akalain na mabait naman pala ang sinasabi nilang masungit na big boss nila. Masaya itong kausap. Hindi man ito gaanong tumatawa ay ramdam nya parin na masaya rin itong kausap sya.
"Meilyne!"
Natigil sila sa pag-uusap ni Mr. Vallejos. Nang bigla syang tinawag ng kanyang ina habang papalapit sa gawi nila. Her mom looks mad.
Napatayo si Mei at sumalubong ang kanyang ina.
"Mom? What happened?" Tanong ni Mei sa kanyang ina pero hindi sya nito sinagot.
"We're leaving this party." Ani ng ina nya.
"What? Mom kadarating palang natin kani-kanina—"
"Meilyne! We're leaving!" Galit na sigaw ng ina nya na ikinalingon ng ilang bisita at saka sya hinila palayo at paalis sa mansion ng mga Vallejos.NANATILI lang sa kinatatayuan nya si Sinclair habang nakatingin sa papalayong mag-ina.
"Anong nangyari?" pabulong nyang tanong sa sarili.
"Anak? Nakita mo ba si Miranda?" tanong ng ina nya na nasa tabi na nya pala.
"Kaaalis lang ma. Bakit? Anong nangyari?"
"Hindi na kasi sya bumalik sa table namin simula ng ipakilala ko siya kay Xerafina. Pupunta lang daw sya sa restroom pero di naman na sya bumalik. Nakakatampo." Kwento ng mama nya kaya hindi nya maiwasang hindi magtaka at magtanong.
Bakit ganun na lang kagusto ni Tita Miranda na makaalis sa party? Anong nangyari?
MXNX
BINABASA MO ANG
The Enigmatic Trillionaire┆COMPLETED
RomanceCOMPLETED. Fervid Donovan Vallejos lives a double life as the womanizer, Sinclair Del Fraire, concealing his true identity as a trillionaire. All he desires is a tranquil existence with his best friend, savoring his bachelor days. However, his...