SIN 41

370 2 0
                                    

SIN 41

MATAPOS ang isang araw pang pagpapahinga ay nakauwi narin sa wakas si Hail. Hinatid ko sya sa mansion nila ng Daddy nya dahil gusto rin daw ako makausap ni Tito Barcel. Tito na tawag ko since hindi ko naman alam kung ano itatawag ko. Mukhang bata pa si Tito Barcel siguro nasa early 40's pa lang.

Pagdating namin sa mansion nila sumalubong samin ang mga lalaki na nakaitim nakapila sila at sabay sabay na yumuko nang dumating kami. “WELCOME BACK LADY XERA AND MASTER SINCLAIR!”
Woah. Cool.
“Pasensya na Sin, ganyan talaga dito.”
Tumango lang ako at tumingin sa kabahayan habang tinatahak ang daan patungo sa opisina ng Don. Hahahaha "tinatahak" big word.

Nang makarating ay kumatok si Elize at binuksan ang pinto para sa amin. Pansin ko lang, hindi ko pa nakitang ngumiti yung bodyguard ni Hail tapos parang ang sama pa makatingin.

“Dad..” tawag ni Hail pero wala naman akong makitang ibang tao dito? “Sin, iwan ko muna kayo.”
Tumango ako.
“Tara Elize.”

Binalik ko ang tingin ko sa may desk at napahawak sa dibdib sa gulat. Nakatingin kasi si Tito Barcel.
“Nagulat ba kita hijo? Pasensya na.”
Kanina pa ba sya nakatingin?
“Maupo ka hijo. May ipapakita ako sayo.” aniya at saka tumayo at dinala ang laptop tungo sa mini sala set sa loob ng opisina nya.
Umupo ako doon at saka tinulak ang laptop paharap sakin at pinindot ang 'enter' para ma-play ang video.

“Tell me, what can you say about that?” tanong ni Tito sakin nang matapos kong panoorin ang video.

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon dahil naghalo-halo na sa loob ko ang galit, sakit, disappointment.

“As you can see, Miranda and De Luna knows each other, nagnanakaw si De Luna sa kompanya nyo, at ang anak nya naman na si Meilyne ay nakipagsabwatan sa nanay nya at sa isang di kilalang lalaki para patayin ka. Pinakita ko to sayo dahil sa anak ko. Ayaw ko syang makitang masaktan ulit sa kamay ng mag-inang iyan.”

Napakunot naman ang noo ko.
“Anong ibig nyo pong sabihin? Anong ginawa nila kay Hail?” naglakas loob na ko na magtanong.

“They maltreated her. Verbally abusing her since she was a little kid. Hindi ko pa sya mabawi noon sa ina nya dahil mahirap lamang ako noon. Kaya nagsumikap ako para lang maabot ang tinatamasa ko ngayong yaman para makuha ko sya sa ina nya. At dumating na ang araw na yon, pinuntahan ko sya sa gallery nya at hinanap si Xerafina pero ang sabi nya wala na sya sa puder nya.” tumingin sya sakin.
“Then I found out that she's living with you. Inobserbahan ko muna sya at nakita ko na masaya sya sa piling mo. That's why I messaged your mother and asked her to let her son marry my daughter.” he said

Sya pala?? Hindi pa kasi nameet ni Mama ang parents ni Hail kahit isang beses, wala. Wait a moment lemme process this.

“I know that you like her I saw it in your eyes. The way you smile at her, the way you look at her, the way you care for her is different..”
Deym ganun ba ako ka-obvious dati?
“..Sin...I want you for my daughter. Hindi mo alam kung paano nya pilitin ang sarili na hindi malungkot dahil iniisip nya ang magiging anak nyo. Ayaw nyang mapahamak ang anak nyo dahil sa kanya. Sin, my daughter is being selfless her whole life, kaya gusto ko na kahit ngayon lang ay mapasakanya ang gusto nya. I want her to be happy even just for once. Please think about it. Her happiness is you.” he said at saka tumayo. “..I'm leaving, may kailangan pa akong asikasuhin.” aniya at tinapik ako sa balikat bago lumabas ng silid.

“ELIZE, ano sa tingin mo ang pinag-uusapan nila?” tanong ko kay Elize habang nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame pero mukhang may kausap lang ako na hangin.
“Elize sumagot ka naman. Nagmumukha kasi akong ewan dito.” sabi ko pero hindi talaga sumasagot kaya nilingon ko ito.

Wait si Elize ba talaga to? Kasi first time ko syang nakitang ganto.

Nakatulala sa hangin tapos ngingisi pero yung gentle na ngisi, gets nyo?

Kumuha ako ng isa kong unan at saka sya binato pero nasalo nya lang iyon at saka niyakap and leans her head.

Kumunot ang noo ko and look at her weirdly kasi sa totoo lang mas mukha pa syang tanga kesa saken. Nang mapatingin sya sa gawi ko at napansin nyang nakatingin ako ay kaagad syang napatingin sa unan na yakap nya at saka tumayo ng maayos at kaagad na binitiwan ang unan.
Lo siento, señorita.
“Ayos ka lang Elize?”
“Si, Lady Xera.”
Napailing-iling na lang ako at saka matutulog na sana nang makarinig kami ng katok.
“Hail?”

Kaagad na lumapit si Elize sa pinto at pinagbuksan si Sin.
“Hail pwede ba tayong mag-usap?”
“Yeah sure.” I looked at Elize at mukhang nagets nya naman kaya lumabas na sya ng kwarto.

~•

"Bantayan nyo ng mabuti ang mga yan."
"Yes, boss."
"Siguraduhin nyo na hindi makakaalis yang dalawang yan dito kung gusto nyo pang mabuhay."
"Opo boss kami ng bahala dito."

Gising ako pero hindi ko magawang maidilat ang mga mata ko dahil sa piring habang nakatali naman ang kamay at paa ko.

“Hello? May tao ba dyan sa labas?” sigaw nya habang pinipilit na makawala sa mahigpit na pagkakatali.

Naramdaman nya na may gumalaw sa tabi nya.
“Mei, anak, ikaw ba yan?”

Natigilan si Mei.
“M-mommy? Mommy ikaw ba yan?” tanong ni Mei
“Yes baby, it's mommy.” sagot ni Miranda habang inaalis ang piring sa mata ni Mei.
“Mommy nasaan tayo? Mommy natatakot ako. Ayoko dito.” mangiyak-ngiyak na sambit ni Mei at nang maalis ang piring ay kumurap-kurap sya para madaling makapag-adjust ang kanyang mata sa liwanag ng paligid tapos ay tumingin sya sa kanyang ina. At napansin nya ang mga pasa nito sa mukha at braso nito.
“Shh..don't worry baby, makakaalis tayo dito.”
“Mommy, anong nangyari sayo? Sinong may gawa sayo nito?”
Natahimik si Miranda at patuloy na kinalagan si Meilyne.

Nang makalagan na nya ito tali ay saktong bumukas ang steel door. Pumasok doon ang mga armadong lalaki na nakasuot ng maskarang itim. Humilera ang dalawa sa kanila sa gilid ng pinto at ang dalawa ay nasa likod naman ng lalaki na nakasuot rin ng maskara na naiiba kesa sa iba nitong kasama.

“Sino ka?” tanong ni Meilyne.
“Meilyne, Meilyne, Meilyne..I'm so disappointed with you. Hindi ko akalaing uulitin mo rin ang ginawang pagkakamali ni Miranda. Siguro, kung ako ang tatay mo, ikakahiya kita. I will not be proud of you. Miranda...”bumaling ito sa ginang “...kung ako ang naging asawa mo, masasabi kong ang laki kong tanga dahil naniwala ako sayo.”
“Sino ka ba?! Magpakilala ka!” sigaw ni Miranda habang masama ang tingin sa ginoo na nasa harapan nila.
Hindi nila ito makilala dahil sa voice changer na gamit nito. Mas pinalalim kasi nito ang boses ng ginoo.
“Makikilala nyo rin ako. Wag kayong mag-alala.” aniya at saka sila tinalikuran.
“Hoy!! Bumalik ka dito! Tinatanong kita! Sumagot ka!” sigaw nya at akmang tatayo para habulin ang ginoo pero kaagad syang tinutukan ng baril ng mga tauhan nito.
“Mommy!” kaagad na pinigilan ni Mei ang ina dahil sa takot na baka mabaril ito ng mga lalaki.
“Wag kayo mag-alala malalaman nyo rin kung sino ang boss namin.” sagot ng mga tauhan nito at saka sila iniwan muli sa loob. Nakaramdam ng panghihina si Miranda at hinayaan ang anak na yakapin sya.

—MXNX—

Sa tingin nyo sino? Hahahaha sige ngaaaa hulaan nyo ngaaaa.

Tara kape?☕

The Enigmatic Trillionaire┆COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon