( 신 24 )
Napabuntong hininga na lang si Sinclair at pasakay na sana ng kotse ng may mahagip ang mata nya. Isang sexy na babae ang nakatayo at parang mukhang nagmamadali dahil panay ang tingin nito sa wristwatch nya habang hawak ang cellphone na nakatapat sa tenga. At dahil mabait sya ay kaagad nya iyong nilapitan.
"Hi miss. Are you okay? Do you need help?""MEILYNE, nagtatrabaho ka pa ba sa pinagtatrabahuan ni kuya pogi?" tanong ni Jelline sa kanya.
"Oo."
"Eh diba sabi mo nag resign na sya dun? Bakit ka pa nagtatrabaho sa Luxcious Café?" Tanong ni Aliah na may hawak na tinidor habang ngumunguya ng chocolate cake na dala nya.
Oo nga bakit pa sya nagtatrabaho dun kung wala na yung dahilan kung bakit sya nagtatrabaho sa Luxcious Café? Kaya lang naman sya nagtrabaho dun dahil kay Sinclair dahil gusto nya itong makilala at makasama. Pero tuwing naiisip nyang umalis sa pinagtatrabahuan ay kaagad na kumokontra ang isang bahagi ng utak nya.
"Nag-eenjoy pa kasi ako. At least hindi na gaano kaboring life ko." She said at nagkibit balikat.
Napailing nalang si Jelline sa sinabi nito at sumubo naman ng cake si Aliah.
"Psst! Mei! Si Sinclair ba yun?" tanong ni Aliah at itinuro sa labas ang tinidor na hawak nito.
"Saan?" Nilingon nya ang tinuro ni Aliah pero hindi nya makita kung saan.
"Oo nga Mei si Kuya Pogi yun! Ayun oh! Yung may kausap na babaeng nakadress na blue! Sa harap ng Hugs & Kisses Café" Ani Jelline
Tinignan nya ang harap ng H&K Café at nakita nya na si Sinclair nga yun. Nakita nya kung paano pumulupot ang kamay ni Sin sa bewang ng babae. Naramdaman nyang parang kinurot ang puso nya ng makita nyang sumakay ang mga ito sa isang Ferrari na nakapark doon at minaneho iyon paalis. Napakuyom sya ng kamao at pilit binaba ang tingin sa cake.
"Teka, ibang babae yan kesa dun sa kasama nya nung nakaraang araw ah."
"Anong ibig mong sabihin? Aleng?"
"Ano ba Jelly! Wag mo kong tawaging Aleng! Lia sabi!"
"Whatever so ano na nga?"
"Well, I was at the VMM kasi gusto kong libangin ang sarili ko dahil bwisit ako dahil dun sa impakto kong kuya and nung papunta ako sa isang boutique, nadaanan ko iyong italian restaurant and I saw him inside with a girl na parang octopus kung kumapit." Aliah said
Nang mag-angat sya ng tingin sa mga ito ay para silang mga ewan na nakatingin sa kanya.
"Oh, bakit ganyan kayo makatingin?" Nagtatakang tanong nya sa mga ito.
"Ayos ka lang ba friend?" tanong ni Jelline
Napakunot noo sya.
"Oo naman." sagot nya
"Mei, you doesn't look okay. Look how you murdered that precious cake." Sabi ni Aliah sabay nguso sa platito nya na may cake.Kaagad nyang tinignan ang cake at nakita nya iyon na parang nilagay sa shredder.
"What? I'm fine. It's my new way of eating the cake. I know it's weird pero walang basagan ng trip." Palusot nya at kinain ang cake.Hindi sya okay alam nya yun. Dahil sa kinuwento ni Aliah ay nagseselos na sya lalo na kung isipin pa nya kung saan si Sin at ang babaeng kasama nito maaaring pumunta ay parang may tumutusok na ilangdaang karayom sa puso nya.
Inilapag nya ang tinidor at saka kinuha ang bag nya at tumayo.
"Mauna na ko sa inyo. May pupuntahan pa kasi ako. Bye!" Paalam nya sa mga kaibigan nya at pilit na ngumiti.
Nagmamadali syang lumabas ng pizzeria na pagmamay-ari ni Jelline at saka sumakay sa Mercedes-Benz na regalo sa kanya ng ina at saka umalis. Habang nagmamaneho ay paulit-ulit na nagrereplay sa isip nya si Sinclair na may kasamang sexy na babae. Kung paano ipinulupot ni Sin ang kamay nito sa bewang ng babae kung paano ito ngumiti doon. Argh! Ano bang nangyayari sa kanya! Bakit parang sumasakit puso nya! Magkaibigan lang naman sila ni Sin kaya dapat hindi ganto ang nararamdaman nya. Oo gusto nya ito pero hanggang doon lang dapat yun.
"May girlfriend na yung tao kaya-" napatigil sya sa pagsasalita ng marealize nya ang sinabi nya.Oh no..is he cheating to his girlfriend?
Then she remembered what Aliah said.
He's cheating not just once?
She suddenly pitied Hail but she remembered how rude that lady.
Pinilig nya ang ulo at nagfocus na lang sa pagmamaneho. Masyadong nyang mahal ang buhay nya para mamatay agad ng maaga dahil lang sa pag-iisip sa lovelife ng ibang tao. It's none of her concern kung ganun nga ang nangyayari sa relasyon ng dalawa.
INIHINTO nya ang kanyang kotse nang makarating sya sa tapat ng art gallery ng mommy nya. Pagkababa nya ay kaagad nyang napansin ang pamilyar na Ferrari na nakapark sa tabi ng kotse nya. It's similar as Sinclair's. Posible kayang nandito sya? Nah it's impossible na nandito sya ngayon. Napailing na lang sya sa naisip at naglakad papasok.
Pagpasok nya ay nakita nya agad kung gaano karami ang tao. Her mom's gallery is open only for everyone every weekends. Kaya maraming tao ngayon. Weekends lang ito open sa lahat because this art gallery is also her mom's workshop and home dito kasi nakatira ang mommy nya. Ang kasama lang dito ng mommy nya ay ang canvass, paints and brushes. Ang daddy nya kasi ay naiwan sa Italy kaya mag-isa lang dito ang ina. She offered her home for her kaso ito ang umayaw kahit anong pilit nya. Her mom really wants to stay in her gallery house habang nasa bakasyon ito kaya sumuko narin sya. Napangiti sya ng makita ang mga tao na nageenjoy sa pagtingin ng mga gawa ng ina nya.
Inalis na nya ang tingin sa mga tao na naroon at papunta na sana sya sa office ng mommy nya ng may nakasalubong sya at muntik na silang magkabungguan.
Umiwas sya at nagsorry kaagad bago magpatuloy sa paglalakad."Meilyne?" Natigilan sya ng marinig ang boses na yun at feeling nya aatakihin sya sa puso dahil sa lakas ng tibok nun. Nilingon nya ang lalaking tumawag sa kanya at hindi nga sya nagkamali dahil si Sinclair nga iyon.
Hindi sya nakakilos at nanatiling nakatingin sa mga mata nito na parang nakaglue. Sabay silang nag-iwas ng tingin. Hindi nila alam kung ilang segundo silang nagtitigan roon ba parang timang.
"Uhm..ehem..anong ginagawa mo dito? Just asking" Tanong nito sa kanya.
"Bibisitahin ko si Mommy. Eh ikaw? Anong...ginagawa mo dito? Eh alam ko namang di ka interesado sa arts na narito."
"You're the only art here that I found interesting."Kumunot ang noo nya."Ha? May sinasabi ka?"
"Wala. Uhm..pwede ba kita ayain na mamasyal?" Tanong nito na parang nahihiya.
"Okay. Sure."
"Cool. Hintayin na lang kita sa kotse." He said na may malawak na ngiti at saka lumabas ng building.Napangiti si Mei sa isiping mamamasyal sila ni Sin. Hindi nya maiwasang kiligin ng konti. Matagal na rin kasi simula nung ayain sya nitong lumabas kaya masaya sya. Pero ang ngiti nya ay napawi din, nang maisip nya na may girlfriend na ito at kailangan na nya itong iwasan. Ayaw nya na makasira ng relasyon. Last na to at pagkatapos ay iiwas na sya. Ayaw nya ng gulo. Para sa tahimik na buhay. Napatango sya dahil sinasang-ayunan nya ang sariling isip bago nagpatuloy na sa pagpunta sa opisina ng mommy nya.
MXNX
BINABASA MO ANG
The Enigmatic Trillionaire┆COMPLETED
RomanceCOMPLETED. Fervid Donovan Vallejos lives a double life as the womanizer, Sinclair Del Fraire, concealing his true identity as a trillionaire. All he desires is a tranquil existence with his best friend, savoring his bachelor days. However, his...