(신 02)
PAGKARATING ko sa condo ay nadatnan ko si Hail na nanonood ng Kdrama habang kumakain ng ice cream. Umupo ako sa tabi nya at sinandal ang ulo sa balikat nya.
"Hail, I'm sad. Strip in front of me." I joked with a serious tone. Pinitik nya ang noo ko kaya napasimangot ako.
"Baliw ka love." aniya bago bumalik sa panonood.
I grinned while looking at her.
"Hail, may ikukwento ako." bigla kong sabi sa kanya.
"Ano yun?" she replied at nilapag ang ice cream sa center table at tinuon sa tv ang atensyon.
"Kanina kasi may muntik ng marape na babae," panimula ko habang nilalaro ang buhok nya.
"Oh tapos? Nakisali ka?" singit nya.
Umayos ako ng upo at kaagad na itinanggi ang sinabi nya."Of course not. Ang bait ko kaya." sagot ko sa kanya.
"Mabait daw, utot mo. So ano ginawa mo?" tanong nya at saka bumalik sa pagkain ng ice cream.
"Oo kaya. Mabait ako. Kapag tulog nga lang." sagot ko then let out a chuckle
"Mabuti alam mo." she said while smiling at binalik ang spoon sa glass bowl na may ice cream.
"Kasi gwapogi ako kaya ganun." rason ko kasi wala lang. Flex ko lang.
"Ewan sayo. So ano nga nangyari?"
"Ayun niligtas ko yung babae tapos pinatulog ko yung mga rapist."
"Mga? So marami. Tumawag ka ba ng pulis?"
"Yun nga, tatawag na sana ako ng pulis kaso.." nag-aalangan akong umamin sa kanya, pero bahala na nga!
"Kaso? Pabitin naman to." reklamo nya at saka ako inirapan.
"Kaso nakalimutan ko di ko pala alam number ng police station. Buti na lang bumalik yung tinulungan ko." napatigil sya sa pagsubo nung kutasarang may ice cream at saka tumingin sa akin na tila gulat pa. "Ano sabi mo?"Napakamot ako ng ulo bago magsalita. " Basta yun na yon and I said sya na lang tumawag kasi tinatamad na kong magdial." mahina kong sabi.
"Nakuu ikaw talaga!" Hail said grinning widely then pinched my cheeks.
"Hindi na ako cool pag sinabi kong di ko alam. Minus pogi points yun." katwiran ko na ikinailing nya at ikinatawa.
I hugged her waist at siniksik ang mukha sa leeg nya.
Hail is my long time bestfriend and she doesn't mind if masyado akong clingy. Well, I'm not sure of that. I see her as a sister, wife, girlfriend and mother wag na isali ang lola baka bigwasan ako nito.
"May pasa ka pala, sandali kuha ako ng ice pack." she said while looking at my face kaya bumitaw na muna ako at nanood. Actually, I'm starting to like her. And I want to leave it as a secret. I don't want to risk our friendship for that.
Humiga ako sa couch at di ko inasahang makakatulog ako agad. Nakakapagod din palang maging gentleman.
KINABUKASAN pagkagising ko ay tahimik na ang condo. Pumasok na siguro sa school si Hail. Agad na akong naligo at nagbihis para makapunta na ako sa café kung saan ako nagtatrabaho bilang waiter.
Pagkarating ko sa café ay naabutan kong naglilinis si Clark at Kenette.
"Good morning Sin." ani Kenette na nagma-mop ng sahig na tinanguan ko lang.
"Yo Morning bro." bati ni Clark na nagbababa ng mga upuan sa table.
Tinanguan ko lang rin sya at saka pumasok sa staff room para kunin ang uniform ko. Habang nagpapalit ako ng uniform ay may biglang nagring ang cellphone ko. Tinignan ko ang caller and it's my secretary kaya agad kong sinagot ang tawag.
"Oh?"
[ Sir, I just want to inform you that the board of directors wants to see you at the meeting for the planning of the new hotel and resort. ]
Hindi ba sila makakapag meeting ng wala ako? Ngenughng mga gurang na yun.
"Kailan ang meeting?" I asked while fixing my uniform's button.
[ At exactly 1:00 pm, sir. ]
I sighed.
"Okay. I'll come."
[ Yes sir, take care. ]
She said bago ko patayin ang tawag.Nang maayos ko na ang uniform ko ay kumuha ako ng basahan at tumulong sa paglilinis. Paglabas ko ay kadarating lang rin ng ibang waiters and waitresses. Dumiretso sila sa staff room. Habang ako ay pumunta saglit sa office ni Eunice para magpaalam. I knocked at her door at pumasok.
"Oh Sinclair, what is it?"
"Ma'am, magpapaalam sana ako na mag-half day. May pupuntahan po kasi akong libing mamayang lunch. Ililibing na po kasi mamaya yung kaibigan ko mamaya." I said in a sad tone at yumuko. Sana effective. Kung hindi ililibing ko ng buhay yung matandang yun.
"Oh, okay you can take a half day. Condolence. Btw, can I ask?"
"Ano po yun ma'am?"
"Ano kinamatay ng kaibigan mo?" tanong ni Eunice sakin na may bahid ng lungkot
"Nakalimutang huminga." bulong ko
"Pardon?"
"Nakalimutan nya pong tumingin sa traffic light kaya nasagasaan po sya."
"oh my, grabe pala pinagdaanan ng kaibigan mo. condolence again Sinclair. If you want pwede naming I-close muna tong café para samahan ka namin. I know Mr. Vallejos can understand this." I gulped
"Ma'am wag na po. Baka po magalit si Mr. Vallejos." I said.
It's weird. I'm addressing myself as Mr. Vallejos. Heck.
"Okay, sige. Get back to work."
"Yes ma'am."
Lumabas na ako ng office at mukhang tapos na sila sa paglilinis. Binalik ko ang basahan sa pinagkuhanan ko at saka tumulong na sa pagseserve. Nasa counter ako nang maagaw ng atensyon ko ang grupo ng mga babae na kakapasok lang sa Luscious Café. Ang iingay kase.
"Psst. Sin. Ikaw na magserve dun sa bagong dating. Mukhang bago lang sila dito. Dali para dumagdag suki natin." sabi ni Mark.
Napailing na lang ako at saka kinuha ang papel at menu ng available coffees, cakes and ice creams. Kumuha ako ng apat na menu at saka lumapit sa kanila.
"Here's your menu ladies." I said
"Thank you." sabi ng isa habang ang tatlo ay nakatingin sakin na parang ngayon lang nakakita ng gwapong hot na tulad ko.
"Okay nakapili na ko, kayo girls?"
Mukhang itong isa lang ang gustong tumikim ng desserts tong tatlo mukang ako yung gustong lamunin.
Tumikhim ako.
"Ano order nyo?" tanong ko
"Uhm..isang—Sinclair?"
"Huh? Ako oorderin mo?"
"No no. I mean, you're Sinclair right?" tanong ng isa na ikinakunot ng noo ko.
"How did you know my name ma'am?" tumingin ako sa nametag ko na Sin lang ang nakalagay.
"It's me! Yung niligtas mo last night sa goons? Dito ka pala nagtatrabaho?"
"Ah. Yeah."
"I'm Meilyne"
"Hi Meilyne. So ano order nyo?" sabi ko kasi napapagod na ko kakatayo at kahihintay sa oorderin nila.
"Oh sorry." sabi ni Meilyne at saka nagsimula ng umorder at kung hindi pa nya sasabihan ang mga kasama nya kanina pa ko natunaw dito. Nang makuha ko na ang order nila ay pumunta na ako ng counter. Pero bago ako makalayo sa table nila narinig ko na pinag-uusapan nila ko.
Ngenugh. Ilang minuto ay dumating na ang order nila kaya inilagay ko na yun sa table kasama ng resibo at credit card ni Meilyne tapos ay nagpatuloy na ako sa pagtatrabaho hanggang sa mag lunch na.Nasa staff room na ako nagbibihis at tinawagan ang secretary ko.
"Ready the car and my mask."
[ Yes, sir. ]
Pinatay ko na ang tawag at saka lumabas ng staff room.
Lumabas na ako ng café at saka naglakad papunta sa waiting shed na malapit at hinintay na dumating ang itim na kotse. I looked at my wrist watch and at exactly 12:30 nasa harap ko na ang kotse. Pumasok na ako sa backseat at nakita ko ang suit at color gold na half mask. Pinaandar na niya ang kotse pero ilang minuto lang ay itinigil nya rin.
"Give me 5 minutes." sabi ko bago sya lumabas. Tumango sya at saka lumabas ng kotse pagkalabas nya ay agad na akong nagbihis at inayos ang suit. At pagkatapos ay sinuot ko na ang mask. Nang matapos ako ay tinext ko sya na pwede na syang pumasok.
"Sir?"
"Gaja." (let's go.) Tumango sya at saka pinaandar ang kotse papunta sa kompanya.
This better be good old hags.To be continued...
MXNX
BINABASA MO ANG
The Enigmatic Trillionaire┆COMPLETED
RomansaCOMPLETED. Fervid Donovan Vallejos lives a double life as the womanizer, Sinclair Del Fraire, concealing his true identity as a trillionaire. All he desires is a tranquil existence with his best friend, savoring his bachelor days. However, his...