EPILOGUE

1.2K 7 1
                                    

EPILOGUE

1 year later...

Mga flash ng camera, mga media na nagkakagulo at minsa'y nagtutulakan ang sumalubong sa magara at makintab na limousine na huminto sa tapat ng Vallejos GOC Tower kung saan gaganapin ang interview para sa nalalapit na ika-30 anibersaryo ng Vallejos Empire.

Kaagad na humilera ang mga bodyguards sa magkabilang gilid para mabigyan ng madadaanan ang pamilya Vallejos at para harangan narin ang mga press na gusto silang mainterview kaagad.

Naunang lumabas ng limo ay si Fervid kasunod nito si Hail at ang kanilang anak na si Wren Xellix na karga ng kanyang nanny. Nasa likod naman nilang dalawa ang mag-asawa na sina Sienna at Fervor Vallejos na katabi ang kanilang bunso na si Fervent Dale Vallejos.

Nang makapasok sila sa loob ng VGOC Tower ay umupo ang pamilya sa upuan na nasa stage. Fervid looked at the man hosting the press conference and signalled to start.

Nagsimula ito sa simpleng introduction at kasabay ng pag-announce ng incoming event which is the company anniversary next week. Nagkaroon ng question and answer about their family, his marital status, if he has a new project and also about the incoming anniversary party. They answered the questions smoothly hanggang sa may naglakas loob na magtanong tungkol sa appearance nito.
"For Mr. Fervid Vallejos. Mr. Fervid may nasagap akong kumakalat na rumor ngayon tungkol sa uhm..sorry for the term..tungkol sa mukha sa likod ng iyong maskara. There's a rumor na aalisin mo daw ang iyong suot na maskara sa mismong araw ng anniversary nyo. Totoo po ba?" tanong ng isang babaeng reporter.
Fervid smiled and he started to remove his mask. Naging alerto ang press at nagpatuloy na nagflash ang mga camera hanggang sa tuluyan na nyang matanggal ang maskara. Everyone gasped at kumuha ng maraming litrato. Tunog ng camera at bulungan ang nangibabaw sa lugar.Fervid leans on the mic.
"Actually, that rumor is half true half lie. Ngayon yun." He grinned then looked at the camera with a playful smile. "To those people who saw this handsome face on the public. Hi." he said and raised his hand for a second.
Fervid looked at the woman who gave him a question at napakunot ang noo nya sa reaksyon nito.
"Sinclair..It's you..I found you." the woman said while..crying?
Lahat ng camera ay natuon sa kanilang pareho.
"Uhm..sorry but..do I know you?" he politely asked.
"How dare you!! How dare you leave me! Matapos ang lahat binigay ko sayo--"
Fervid immediately looked at the man on the controls and gestured to turn the microphone off."--ang katawan-" the mic turned off.
"Okay. That's all thank you for coming." paalam nya at lumingon kay Hail na masama na pala ang tingin sa kanya. Umarte na lang syang inosente and shrugged.
Fervid looked at his mother at napapailing ito habang ang ama naman nya ay nagpipigil ng tawa.

"Fervid! Pati reporter kinama mo?" sigaw ng mama nya sabay pingot sa tenga nito. "A-aray Ma!" Nasa loob na sila ng umaandar na limousine.
"Hay nako Fervid! Manang-mana ka talaga sa tatay mong napaka-babaero din."
"Oh, bakit nadamay ako dun love?" angal ni Fervor na karga-karga ang apo na si baby Xelix.
"Manahimik ka dyan Fervor kung ayaw mong baliktarin ko yang tenga mo." banta ni Sienna sa asawa.
"Ma, hindi ko naman alam na tiga-media pala yun." sagot ni Fervid kaya mas lalo syang piningot ni Sienna.
"Hindi mo alam o sadyang hindi mo tinanong o nakalimutan mo?!" pasigaw na sermon ni Sienna sa anak saka binitiwan na ang tenga nito.
Napahawak naman si Fervid sa tenga nito na mainit-init at pulang-pula na. Pakiramdam nya matatanggal na ang tenga nya dahil sa lakas ng pingot ng ina. Nahagip ng mata nya si Hail na humalukipkip at inirapan lang sya. Naging malungkot ang mukha nito dahil mukhang wala syang kakampi. Understanding din kasi ang tatay nyang si Fervor kaya nanahimik na lang ito at nilaro-laro ang apo na tuwang-tuwa naman.

Nang makauwi ay kaagad na nagbihis si Fervid ng itim na ripped jeans at t-shirt na may nakasulat sa harap na "peace minus one". Matapos nyang suotin ang diy na sapatos na sya mismo nagdesign ay kinatok nya si Hail sa kwarto nito. Pupunta kasi sila ngayon sa sementeryo ayon sa napag-usapan.

The Enigmatic Trillionaire┆COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon