SIN 12

431 10 0
                                    

(신12)

NAGISING ako sa ingay ng tunog ng cellphone ko. Inabot ko ang pantalon ko sa sahig at kinuha ang cellphone doon. Inaantok pa ko ngenugh ang aga aga eh.
"Oh? Sino to?" tanong ko sa medyo malat na boses. Syempre kagigising ko lang.
[ Good morning Sin! Sorry nagising ba kita? This is Mei. Sasama ka ba sa outing? Hindi pa kasi kita nakikita dito. Darating ka ba? Sin? Sinclair? Hello? Nandyan ka pa? Sin? ]
"Ha? Oo andito pa ko."
Ngenugh nakaidlip ako. Sa haba ng sinabi.
[ Ano? Pupunta ka ba? ]
Bumangon ako na panay kamot sa ulo.
Istorbo.
"Susunod na lang ako." sagot ko at saka pinatay ang tawag.
Nilapag ko ang cellphone sa ibabaw at nilibot ang tingin sa paligid.
This isn't my room. Tumingin ako sa kama and there I saw an angel sleeping. Humiga ako ng patagilid nakatukod ang kamay ko sa ulo ko at pinagmasdan ang mukha ni Hail na mahimbing na natutulog. Napangiti ako nang maalala ko ang pinagsaluhan namin kagabi. Masaya ako na parang hindi kasi alam ko may magbabago samin dahil dito. Yun ang iniiwasan kong mangyari pero mukhang hindi ko na maiiwasan yun.
"Hmm.." ungol nya at saka tumalikod sakin ng higa.
Napailing na lang ako at saka bumangon para pulutin at ipunin ang damit at gamit ko saka ako pumunta sa kwarto ko. Hindi na ko nagabala pang magsuot ng damit. Kami lang naman ang tao dito. Kaagad akong dumiretso ng banyo para maligo.
Pumasok ako sa shower at dinama ang tubig na dumadaloy mula sa ulo ko pababa sa braso at ABS ko. Oo may abs ako gusto mo hawakan? O dilaan? Damn that would be nice.

Pagkatapos kong maligo ay pumasok ako sa walk-in closet at nagdamit. Inayos ko rin ang itsura ng kwarto ko. Mukha na kasing basurahan sa daming nakakalat. Pagkatapos kong linisin ang kwarto ko ay tinawagan ko si Zhan for my schedule today.

(A few hour later)
⚫️〰⚫️

Ngenughg emoticon yan ang laki ng mata. Parang mata ng isdang puyat.
Anyway nasa meeting ako ngayon kasama ang architect at engineer. Pero patapos na rin kaya di naman kayo nakakaistorbo.

"Thank you Engr. Salvador and Arch. Lazaro for the information I hope we solve this problem sooner." Sabi ko at nakipagkamay sa kanila.
"You're welcome Mr. Vallejos"
Tumango na lang ako at saka lumabas sa coffee shop. Pagkalabas ko ay kaagad na binuksan ni Zhan ang pinto ng backseat.
Pagkaupo ko pa lang sa upuan ay nagring ang cellphone ko.

Meilyne Balmonte calling...

Sinagot ko ang tawag ng makita ko ang caller ID nito.
[ Hello? Sin. Wag ka ng sumunod sa outing.]
Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang tono ng boses ni Mei. Malungkot, dismayado, nanlalata.
Anyare?
"Ha? Bakit?"
[ Nagkaproblema sa reservation sa resort. Kaya hindi na tuloy yung outing. Umuwi ka na lang. Uuwi na rin kami. ]

What?
I sighed. Eto na nga ba sinasabi ko eh. Hindi ko talaga gusto yung Lorel Resort na yun eh. Bukod sa masyadong crowded, hindi rin maayos ang pamamalakad. Priority nila ang mayayaman.
"Walang uuwi. Pumunta kayo sa Paraíso de Vallejos ako bahala sa inyo."
Sinenyasan ko si Zhan na paandarin na ang sasakyan.
[ Huh? Paraíso de Vallejos? Diba exclusive beach resort yun? ]
"Basta. Trust me. Pumunta kayo dun. Hindi ko hahayaang masira ang vacation nyo—I mean natin. Alam nyo naman siguro ang daan papunta dun?"
[ ...O-oo ]
"Okay. See you there." Sabi ko at kaagad na pinatay ang tawag.
Ibinalik ko sa bulsa ng suit ko ang cellphone.
"Zhan, libre na ko ngayong hapon diba?"
"Yes sir."
"Great. Call the manager of the Paraíso de Vallejos."
"Yes, sir."
Zhan dialed Mr. Resort Manager's number and after a few seconds of waiting sinagot nya iyon.
[ Hello Secretary Viamonte. Good noon. What can I do for you? ]
"Mr. Vallejos wants to talk to you."
"Thanks Zhan. Hello Mr. Resort Manager. Listen carefully if you still want to work as my manager. My café manager, Eunice Montenegro will arrive there together with the other employees and I want you to assist them and let them occupy the VIP rooms. They're my guest so treat them kindly. Understood?"
[ Y-Yes Sir. Noted. ]
"Okay. Sige magtrabaho ka na." I replied then I saw how the call ended.
I dialed Hail's number but she's not answering.
I dialed again her number but this time pinatay na nya ang tawag.
Napakunot noo ako at nagsend na lang ng message. Nagpaalam lang naman ako kung saan ako pupunta. Baka kasi magalit na naman yun kung hindi ako magpaalam.
"Zhan sa condo tayo."
Sabi ko na kaagad nyang sinunod.

(A few minutes later)
⚫️〰⚫️

Andyan na naman yang kwagong may black eye na yan. Anyway, by the way, I'm on the way.
Malapit na ako sa Paraíso de Vallejos. At sa sobrang lapit, Ilang saglit pa ay nasa harap na ko. Bumukas ang gate ng parking area kaya nagmaneho ako papasok. Pagkapark ko ng kotse ay bumaba na ako ng nakamask. Sumalubong sakin ang preskong hangin. Pumunta ako sa may front desk at nagtanong kung dumating na ba sila Mei. Kadarating lang daw nila 20 mins ago. Pagpasok ko sa mismong resort marami na agad akong natatanaw na mga chix sa swimming pool. Napasipol ako pero hindi ako nakatingin sa kanila. Sabihin pa nila ang manyak ko. Napakabait ko kayang bata. Tularan nyo ko okay? Ako abait bata.
Habang tinutungo ang hotel, may napansin akong mga napapatingin sakin dahil siguro sa naka mask at formal attire parin ako kahit nasa resort ako.
Tss.. kanya kanyang trip yan.
Sa sarili kong room ako magpapalit ng damit may sarili akong kwarto dito kaya hindi na ko nagdala ng mga damit.
Hindi ako magaling magdescribe kaya ang masasabi ko lang ay maganda ang resort namin. May mga fun activities sa resort land and water. May butterfly garden at large aquariums din kami na pwedeng pasyalan. May spa, jacuzzi and...nakalimutan ko na yung iba. This is a huge resort so halos lahat ng maisip namin na masayang gawin inilagay na namin.

Nang makapagbihis, (pero topless talaga ko kaya pinagnanasaan na ang abs ko ngayon) kaagad akong lumabas ng kwarto at naglakad-lakad sa resort.
"Sinclair! Dito!"
Nilingon ko ang taong tumawag sakin and there I saw my employees kumakain sa isa sa mga kubo na malapit sa swimming pool. Lumapit ako sa kanila. Nakangiti at nag-aasaran sila lalo na si Meilyne her smile is so pretty and she looks radiant.
"So how's the place?" Tanong ko sa kanila
"The best! Salamat ah. Nang dahil sayo hindi nasayang ang paghahanda namin." si Kennette
"Nagulat kami na sinabi mo na dito pumunta pero wow hayup men sinalubong kami ng mismong manager!" si Clark
"Oo nga parang hinihintay talaga nila kami grabing asikaso ang sumalubong samin." Mei
"How did you do that Sin? Close ba kayo ni Mr. Vallejos? The manager told us that we're guests of Mr. Vallejos. So close ba kayo?"
Natahimik ako. Di ko alam ang isasagot dun. So I stick to my safest word.
"Secret. Sakin na lang yun." I said then wink
Umangal naman sila. Umupo ako sa tabi nila at nakikain narin. Nagutom ako eh. Nakita ko kasi silang kumakain natakam ako.

To be continued...
MXNX

The Enigmatic Trillionaire┆COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon