( 신 19 )
SINCLAIR was currently driving on his way to his café to fetch Meilyne. Habang nasa byahe ay hindi mawala sa bahagi ng isip nya na umurong sa pinag-usapan nila ni Hail. Pakiramdam nya kasi mali ang pagpayag sa engagement na to.
Nang makarating sa café ay hinanap nya kaagad si Meilyne. Ngunit nagsalubong ang kilay nya ng makita nya itong nakikipag-usap at nakikipag-tawanan sa isang lalaki na parang ang close close nila.
Dahil hindi nya nagustuhan ang nakita ay kaagad syang lumapit roon. Wala syang pakialam kung maputol ang pinag-uusapan nila. Mabuti nga yon eh.
"Meilyne. Sino sya?" Tanong ni Sin na nakakunot parin ang noo.
"Oh Sin andyan ka na pala."
"Ah ikaw pala si Sinclair." Sabi ng lalaki.
"Oo ako nga bakit?"
Tumingin ng makahulugan ang lalaki kay Mei. Kaya tumingin rin sya kay Mei ng may inis.
Pinag-uusapan ba ko ng dalawang to?
Tumingin sya kay Mei at nakita kung paano namula ang pisngi ni Mei na ikinadagdag ng inis nya.
"Hoy, Lyne kaano-ano mo tong lalaking to? Driver mo?" Tanong ni Sin na parang naghahamon ng away.
Napalingon naman si Mei sa kanya at ibinuka ang bibig para sana sumagot pero naunahan ito ng lalaki.
"No. I'm not. I'm her—"
"Manahimik ka hindi ikaw ang tinatanong ko. Meilyne sino to?" Tanong ulit ni Sin after cutting the man off.
Napangiwi si Meilyne nang makita ang itsura ni Sin na parang sasabak sa gyera.
Tumikhim muna si Mei bago sumagot.
"Uhm..s-sya si Cotton, pinsan ko na anak ni Tita Ninang."
"Ah. Okay." Good.
Pinagsiklop ni Sin ang kanilang kamay at bumaling sa pinsan nito na si Cotton.
"Cotton Candy alis na kami ng pinsan mo. May date pa kami." Sabi ni Sin at kaagad na nilayasan si Cotton na hindi man lang nakasagot agad.Binuksan ni Sin ang pinto ng passenger seat at pinapasok si Mei. Tapos ay umikot sya para makasakay sa driver seat. Inistart na ni Sin ang sasakyan at tumingin kay Mei na nakatingin sa kanya.
"What?" Tanong ni Sin at napatingin sa seatbelt ni Mei. Nilapit nya ang sarili kay Mei at inabot ang seatbelt nito at ikinabit iyon.
"Bukod sa sinabi mong date to, may isa pa. Sin, umamin ka nga sakin.."
Tumingin si Sin sa kanya, napalunok sya at pilit na nilabanan ang tingin nito sa kanya.Sin rested his arm sa head rest ng upuan ni Mei at tinignan sya ng maigi.
Those lips are tempting.
"What?" He asked in a low voice.
"Myembro ka ba ng isang mafia?"
Napangisi si Sin at napa-iling.
"Seriously Mei? Bakit mo naman naisip na illegal akong tao?" He asked while grinning.
"Kasi I googled this sports car and it costs 1.5 million euro! And you're working on a café!"
Umayos ng upo si Sin.
"And? You still don't know me well Meilyne, hindi lang sa café ang trabaho ko and I'm more than sure that it's not illegal." Sin said then chuckled. Binigyan sya ni Mei ng nagdududang tingin.
Sin just smile and gave Mei a quick kiss bago magmaneho papunta sa bahay ko."SIN? it's a date right? Bakit nandito tayo sa malaking bahay na to sa dulo ng subdivision? Kanino ba yan? Dito ka ba nagtatrabaho? May tao ba sa loob? Parang ang tahimik eh." tanong ni Mei kay Sin na binuksan ang gate nito gamit ang cellphone.
Wow. remote controlled gate.Nang maigarahe na ang kotse ay naunang lumabas si Sin para pagbuksan ng pinto si Mei. They both entered the house.
"Welcome to my house." Sin said, grinning.
"Y-your house?!?" She's shocked.
"Yes, My house. Dito tayo maglalunch but the truth is, I was planning on taking you to a fancy restaurant but I changed my mind. I want to cook for you. Ipapatikim ko sayo kung gaano ako kasarap...Magluto." Sin said and wink.
Natawa na lang si Mei dahil double meaning ang naisip nya.The modern house was huge. Mas malaki ang bahay na to kesa sa ibang bahay sa subdivision.
This subdivision is for rich people only. If may house sya dito it means, he's rich?
The house is very welcoming and cozy. Gusto nya ng ganitong sariling bahay. Hindi naman sya mayaman, her parents are."You can look around the house while I cook if you want to."
Napalingon sya kay Sin na nakatingin pala sa kanya kanina pa. Napangiti si Mei sa saya dahil kanina pa nya gustong libutin ang bahay. Tumingin sya sa paligid at napakagat labi para pigilan ang sobrang excitement na nararamdaman.
"Beautiful. Tempting." bulong ni Sin.
Mei looks at Sin.
"Pwede na ba kong magsimula?" tanong ni Mei.
Sin nodded. "Feel free."
Kaagad na nilapag ni Mei ang bag nya sa sofa bed at excited na tumingin sa paligid.Habang naglilibot si Mei sa bahay ay pumunta naman si Sin sa kusina para magluto.
Unang pinuntahan ni Mei ay ang likod ng bahay. May swimming pool, flowers with the few butterflies surrounding it. Green bermuda grasses that surrounds the area. Sa gilid ay may maliit din na falls, at sa baba noon ay pond na may mga isda.
"Wow, hello fishes."
Sa tabi naman nun ay may cottage na may white curtains bilang cover pero nakatali yun sa corner ng cottage.After sa likod bahay ay pumunta naman sya sa second floor ng bahay. 8 doors are there. She opens every door ang iba ay walang laman, ang nakita nya lang na may laman ay ang dalawang guest room, master bedroom, and a weird room na may hooks sa taas, at mga picture frames sa wall pero walang picture.
Ano yun invisible?"There you are." Said a voice behind her. And she know it's Sinclair kaya hindi na sya lumingon at pilit na hinahanap ang sagot sa weird na kwarto. Naramdaman nyang tumabi si Sin sa kanya while she's looking at the frames.
"Alam mo ba kung bakit walang kahit anong picture ang narito kahit may mga frames naman.?"
Napalingon sya kay Sin nang magsalita ito.
Umiling sya.
"Well, ang plano ko kasi sa kwartong to punuin ng picture kasama ang magiging pamilya ko. Magkakaroon lang yan ng mga litrato kung makita ko na ang babaeng mapapangasawa ko at ang magiging nanay ng magiging mga anak ko. But I haven't found her yet kaya kung sino sinong babae pinapatulan ko nagbabaka sakaling mas madali kong mahahanap ang babaeng para sakin but hindi puro sluts and gold diggers lang ang nakikita ko..." he chuckled.
"This house is for my future wife and to my future kids. Hindi mo pa siguro nakita pero may nursery sa baba na puno ng mga laruan. Wala pa kong anak pero may nursery na it's weird right?" He asks while his eyes sparkle as he smile.Hindi mapigilan ni Mei na mapatitig sa gwapong mukha ni Sin na ngayon ay nakangiti. His smile is different than the usual kaya napangiti na rin sya.
Sinong mag-aakala na ang isang jerk na katulad ni Sinclair Del Fraire ay may gantong pangarap?
Lalo syang napangiti.
Ang swerte sa kanya ng babaeng mapapangasawa nya. I bet he'll be a good father and a good husband.Bumaling sa kanya si Sin na plastered pa rin ang masayang ngiti nito.
"You'll find her soon Sin."
"Sana nga. Pero pwedeng ikaw na yun. Tara pakasalan na kita agad ngayon." Sin said making her heart flutter. Parang kinapos sya ng hininga dahil sa sinabi nito.
Umayos ka Meilyne!
Inirapan nya si Sin.
"Baliw." Sabi ni Mei at saka naunang lumabas ng kwarto para iwan si Sinclair na narinig nya pang tumawa. Habang pababa ng hagdan ay naramdaman nya ang kamay ni Sin sa bewang nya. Napalingon sya rito at pagbabantaan na sana pero dahil sa ngiti na nasa labi ni Sin ay umurong ang dila nya.
"Let's eat our lunch, WIFE."MXNX
BINABASA MO ANG
The Enigmatic Trillionaire┆COMPLETED
RomanceCOMPLETED. Fervid Donovan Vallejos lives a double life as the womanizer, Sinclair Del Fraire, concealing his true identity as a trillionaire. All he desires is a tranquil existence with his best friend, savoring his bachelor days. However, his...