( 신 15 )
NASA CAFÉ si Sin para sa kanyang trabaho pero imbis na magtrabaho ay nakatunganga sya sa loob ng locker room. Ilang beses na syang tinawag ng mga kasamahan nya pero parang wala syang naririnig. Lutang na lutang ang isip nya. Hindi nya kasi makalimutan ang mga sinabi ni Hail kagabi. Kung bakit sya umalis at hindi nagpakita, sinabi nya rin ang kasinungalingan nya.
(Flashback)
"Hail?"
Kaagad na bumaba si Sin at niyakap si Hail. He misses her so much. He's expecting that Hail will hug him back but she didn't. Nakatayo lang sya roon. Humiwalay si Sin sa yakap at tumingin kay Hail na walang emosyon ang mukha.
"Let's talk."
Napalunok si Sin at sumunod kay Hail na papuntang sofa. Pero bago sya umupo ay humarap muna ito sa kanya at tumingin sa kanya ng walang emosyon.
"Amoy babae ka." Ani Hail at mas ininspeksyon pa ang katawan nya. She even lifts his shirt.
"Except from amoy babae, you have scratches, hickeys, and lipstick." Tumingin ito sa kanya na walang emosyon. Kinakabahan siya pero hindi nya alam kung bakit sya kinakabahan. Umupo si Hail sa sofa ng nakacross legs. Umupo si Sin sa kaharap nitong sofa. Nag-aalangan syang lumapit kay Hail at hindi nya ulit alam kung bakit.
"Sin, tumigil ka na sa pambabae mo dahil hindi tulad ng dati, hindi na ko papayag na may kahati ako sayo."
Naguguluhan na napatingin sya kay Hail.
"Huh? What do you mean?"
"Okay I'll explain."
Napalunok si Sin habang hinihintay ang sunod na sasabihin ni Hail.
"Ayoko ng magpaligoy-ligoy. I think naman sapat na yung binigay kong time sayo. We're engaged. I lied about not knowing the man I'll marry. Umiyak ako kasi noong una hindi ko kilala but I received a text from Tita nung papunta ako sa company mo... she said ikaw ang lalaking ipapakasal sakin ni Mommy.. and yung time na hindi ako nagpakita sayo at nagparamdam...I'm here in this house because Tita said na bigyan kita ng one month to enjoy yourself bago ako magpakita sayo at sabihin to sayo. So I'm sorry if I lied...but I'm not sorry to tell you that I'll be your wife. Gusto ko naman to and I know gusto mo rin.."
Lumapit si Hail sa kanya at tumabi at yumakap.
"Let's get married...Sinclair."
Binaklas ni Sin ang nakayakap na kamay ni Hail sa kanya at tumayo.
"I'm tired Hail..mauuna na ko."
Sin said at umakyat papunta sa second floor at pumasok sa kanyang kwarto.(End of Flashback)
Natauhan si Sin ng biglang mag-ring ang cellphone nya.
Zhan calling...
Sinagot ni Sin ang tawag.
"Oh?"
"Sir, according to our inside investigator, it's positive. Si De Luna ang kumukupit sa funds ng itatayong project."
Kumunot ang noo ni Sin and gumalaw ang panga dahil sa galit.
"Palayasin mo sya sa kompanya ko and shut his bank accounts but transfer his money to the company's account, and ruin his business and make sure na maghihirap sya at hindi makakabangon. He should face the consequences."
"Yes, Sir."
"Ikaw na muna ang bahala Zhan sa kompanya ko. I'll go on a vacation. And oh bago ko makalimutan. Paalisin mo rin sa kompanya ko ang mga naging kasabwat ni De Luna. Yun lang thank you."
"Yes Sir."
Then he ended the call at huminga ng malalim.
Nang wala na syang kausap, naisip nya ulit ang mga sinabi ni Hail.Why am I like this? When Hail said that we're engaged. Bakit parang hindi ako natuwa? Hindi ba dapat matuwa ako kasi engaged na kami. Tutal gusto nya ko at gusto ko rin sya...gusto ko nga rin ba sya? Aish!! This is crazy!
"Sinclair? Ayos ka lang ba?"
Kaagad napalingon si Sin kay Mei na kakapasok lang sa staff locker room.
"Yeah, I'm fine." Sagot nya at sumandal sa locker.
"Hmm..okay... ay nga pala may naghahanap sayo sa labas."
"Sino daw?"
"Ewan, ayaw sabihin eh. Lumabas ka na lang jan kanina pa yun naghihintay eh."
Sagot ni Mei ng nakangiti at nagpaalam na lalabas na.
"Wait Meilyne."
Nilingon sya ni Mei.
"Hm?"'
"If I asked you to marry me, ano magiging sagot at reaksyon mo?"
Nanlaki naman ang mata ni Mei sa tanong ni Sin. Ibubuka na nya ang bibig at sasagot na sana kaso wala syang maisip na isagot dahil nagulo ang isip nya dahil sa tanong na yun.
"Nevermind." Bawi ni Sin nang hindi nakasagot si Mei at lumabas na lang ng staff room.Nang makalabas sya roon ay nakita nya ang babaeng gumugulo sa isip nya, eating ice cream. Kaagad syang lumapit sa inuukupa nitong table at kinuha ang atensyon nito.
"Hail.."
Nilingon sya nito.
"Love!"
Tumayo si Hail at niyakap nya si Sin.NATAUHAN si Mei nang marinig nya ang pagsara ng pinto. Napatingin sya sa pinto at ilang beses na kumurap at tinampal tampal ang sarili. Sa totoo lang nagulat sya sa tanong ni Sin at kinabahan. Tumibok ng mabilis ang puso nya. Humawak sya sa dibdib nya kung nasaan ang puso nya at pilit na pinakalma iyon.
Nang kumalma na ay lumabas na sya roon."Love!" tawag ng babae at yumakap kay Sinclair. Hindi nya maintindihan kung bakit nasasaktan sya at sumama na lang bigla ang timpla nya.
"Love? Tama ba rinig ko Kenette? Tinawag ng sexy chic na yan na Love si Sin? Eh diba Sinclair pangalan nya?"
Binatukan naman ni Kenette si Clark.
"Aray naman babyloves!" reklamo ni Clark.
"Baby loves ka jan. Tuhurin ko yang ano mo eh."
"Akala ko ba single yang si Sinclair? Bakit may tumatawag sa kanya na Love?" Cleya.
Parang may sumaksak sa puso ni Mei nang marinig nya iyon habang nakatingin kay Sin na sinusubuan ng babae.
"Mei, bakit wala kang kibo jan?" Clark
"Wala ka kasing alam bobo." ani Kenette at umingos saka bumalik sa trabaho.
"Wag ka na magtanong Clark." Sabi ni Cleya at bumalik na sa counter.
"Magtrabaho na lang tayo. May mga dumadating pa na mga customer." Walang ganang sabi ni Mei at saka iniwan si Clark na kakamot-kamot sa ulo para kunin ang mga order ng bagong dating na customer.To be continued...
MXNX
BINABASA MO ANG
The Enigmatic Trillionaire┆COMPLETED
RomanceCOMPLETED. Fervid Donovan Vallejos lives a double life as the womanizer, Sinclair Del Fraire, concealing his true identity as a trillionaire. All he desires is a tranquil existence with his best friend, savoring his bachelor days. However, his...