SIN 40
Ilang minuto na ang nakalipas pero wala parin sa loob si Hail. Naging maayos naman ang pag-uusap namin. Napatawad ko naman sya, naiintindihan ko na rin kung bakit nya iyon nilihim. Isa pa, hindi ko rin naman kayang magalit sa kanya ng hindi sya pinagpapaliwanag.
"Sin, ayos ka lang ba?" nilingon ko si Mei at nginitian sya. "Oo naman ayos lang ako. Don't worry." I said and kissed her forehead."Ehem. Excuse lang po miss Meilyne, may nagpapabigay sa inyo." sabi ng mc.
Kumunot ang noo ko. Flowers?
"Kanino daw galing?" she asked at saka tinanggap ang isang bouquet ng bulaklak.
"Sakin." sabi ng isang lalaki na nasa likod ng mc. "Happy Birthday Meilyne." aniya at saka ngumiti at hinalikan sa pisngi si Mei.
Aba! Lakas ng loob. Harap-harapan?
"Clinton? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Mei at mukhang diring-diri na pinunasan ang pisngi.
Mukhang hindi to imbitado. Gate crasher. Tss..
"Anyway Meilyne, may hinanda akong video para sayo sana magustuhan mo." sabi nya habang nakangiti ng makahulugan.
"Oh, Sinclair. Nandyan ka rin pala? Hindi kita napansin." kumuyom ang kamao ko. "At dahil nandito ka rin pala. Panoorin mo na lang rin yung video na hinanda ko sana magustuhan mo " aniya at saka ngumiti.
Anong problema nun? Sarap sapakin may pahalik-halik pa sya sa pisngi ng girlfriend ko. Oo girlfriend ko na sya. Sinagot na nya ko at sa mismong araw pa ng birthday nya, ang cool diba?
Pero ano kayang video ang sinasabi ng panget na yon?
Nag-iisip pa ako ng maramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Mei sa kamay ko habang nakatingin sa harap kaya titignan ko na sana iyon ng humarang si Mei sa harap ko.
Nakarinig ako ng pag-uusap at ungol na galing sa speaker and then Meilyne looked at me. "Please don't look, Sin. Please.." pakiusap nya but I heard Meilyne's voice.
'Don't worry, hindi naman ito malalaman ni Clinton. He's just a nobody compared to you.'
Kumunot ang noo ko at saka tumayo na ako at pumunta sa harap. Walang magagawa si Mei dahil mas matangkad ako kesa sa kanya. Wala narin syang magagawa kahit hilain nya pa ang kamay ko pabalik dahil nakita ko na.'Ano namang mapapala ko sa poor guy na yun? Sinagot ko lang sya because naawa ako sa kanya but now we're done. Nakipaghiwalay na ko so wag ka na magselos baby okay?'
Natulala ako at di ako agad na nakakilos nang marinig ko ang sinabi ni Mei sa video pati narin ang nasasaksihan ko ngayon.
Bigla akong nawalan ng gana, ang akala kong inosente at walang kaalaman sa mga bagay na ganun ay napapanood ko ngayong nakikipagtalik sa ibang lalaki habang tuwang-tuwa na may sinaktan syang tao.
Fuck this! I look fucking stupid!
Lahat ng tao nakatingin sa gawi namin ngayon. Inalis ko ang kamay ni Mei na nakahawak sa akin ng mahigpit at saka umalis. "Mamá, Papá umuwi na tayo." sabi ko at saka hinanap si Hail sa paligid.
"Looking for Xerafina Hail?"
Nilingon ko ang lalaking pinag-uusapan nila Mei kanina sa video. Biglang nawala ang galit ko sa kanya, ewan ko pero dahil siguro sa video. "Pre, sorry kung-"
"Saka na tayo mag-usap. Puntahan mo muna si Hail. Hinatid sya ngayon sa pinakamalapit na hospital. Dinugo dahil tinulak sya ng demonyang nanay ni Mei." sabi niya na parang wala lang habang nagsisigarilyo.
BINABASA MO ANG
The Enigmatic Trillionaire┆COMPLETED
RomanceCOMPLETED. Fervid Donovan Vallejos lives a double life as the womanizer, Sinclair Del Fraire, concealing his true identity as a trillionaire. All he desires is a tranquil existence with his best friend, savoring his bachelor days. However, his...