(신13)
"GIRLS LOOK, there's the hot guy."
"Oo nga ang yummy nya."
"Wait, I think I know him. I saw him at the bar and my cousin said he's really good at bed kaya lang kinabukasan hindi na sya nito kilala wala na silang communication."
"Lapitan natin?"
"Tara yieee"
Rinig na rinig ni Meilyne ang pinag-uusapan ng grupo ng mga babae na nakaupo sa gilid ng pool. Parang gusto nya ito itulak o kaya sipain at lunurin sa swimming pool sa sobrang pagkairita nya.
Napairap na lang sya sa kaartehan at kalandian ng mga babae. Napatingin sya sa gawi ni Sin na ngayon ay may kausap na na haliparot."Huy Mei, ayos ka lang? Bakit parang may gusto kang katayin?"
Tumingin sya kay Kenette na nangingiti na nasa tabi nya.
"Ha? Hindi ah."
"Sus hindi daw. Kitang kita ka kaya namin ni Ken kung gaano kasama ang tingin mo sa kanila."
"Hindi naman sila Sin ang tinitignan ko."
"Sinabi ba naming si Sin ang tinitignan mo? Andun din kaya si Clark na nakikipagharutan. Kala mo naman napakaganda nung babae e mas maganda naman ako."
"Ayieeee kayo ah may "HD" pala kayo sa workmates natin." panunukso ni Cleya sa kanila.
"Hindi no!" sabay na sabi ni Ken at Mei.
Tinawanan lang sila ni Cleya at umalis kasi tumawag ang boyfriend nito.Hindi na nya nagugustuhan ang nakikita nya. Hindi nya papayagang may lumandi sa crush nya.
"Ken,"
"Mei,"
"Dito ka lang pupuntahan ko sila." sabay nilang sabi kaya nagkatinginan sila at nag-usap sa pamamagitan ng tingin. Kaagad silang kumilos papunta sa kinaroroonan ng dalawa.
"Excuse me." Sabi ni Mei at hinawi ng malakas ang babae dahilan para mapatili nang mahulog ito sa pool.
Nagulat naman si Sin sa ginawa ni Mei sa kausap nyang babae.
"Ay! Napalakas ba? Hindi ko sinasadya." sabi ni Mei na labas sa ilong.
Humarap sya kay Sin na nagulat sa ginawa nya.
"Sin, gusto ko magbanana boat. Samahan mo ko." It wasn't a request it's a command.
Tumango si Sin at saka sya inakbayan.
Nagitla sya at napatingin kay Sin at nang lumingon ito sa gawi nya ay kinindatan sya nito. Umiwas ng tingin si Mei para itago ang pamumula ng pisngi nya. Pumunta sila sa cottage na inuukupa ng grupo nila at inaya ang mga ito na magbanana boat.Panay ang tawa at sigaw nila Mei halata na nageenjoy sa pagsakay sa banana boat. Pagkatapos ng bananaboat ay sinubukan pa nila ang ibang activity sa resort hanggang sa magsawa na sila.
Malapit ng dumilim ng matapos sila. Habang nagkakasiyahan sila sa beach ay may biglang nagring ang phone ni Sin. Nang makita na unknown number iyon ay nagpaalam at lumayo muna sya kila Mei para sagutin iyon.
"Hello, Ma."
"Sin, anak, kailan ka uuwi?"
"Di ko alam."
"Sin naman. Yan lagi ang sagot mo. Next week umuwi ka. Tapos dito ka mag stay ng isang linggo."
"Oo sige." sagot na lang ni Sin at umupo sa buhangin habang tinitignan ang paglubog ng araw."Sin, ayos ka lang?" Tanong ni Mei na nasa likod na pala nya. Tumabi ito ng upo sa kanya.
"May problema ba?" tanong ni Mei sa kanya.
"Mei..."
"Bakit?"
Tumingin sya kay Mei.
"Can I hug you?" Napatingin sa kanya si Mei at ng makita ang malungkot nitong mga mata na nakatingin sa kanya, pumayag sya.
Yumakap si Sin kay Mei at sinandal ang noo sa balikat nito.
Niyakap sya pabalik ni Mei at tinapik tapik ang likod.
"Mei,"
"Hm?"
"Thanks sa hug."
"Wala yun Sin."PAGKATAPOS nilang mag-dinner ay nag-inuman naman sila Sin, Mei, Eunice, Clark, Kenette at Cleya sa may white sand. Pinalilibutan nila ang apoy habang nagkukwento ng mga tungkol sa kanila.
"Yung pinakanakakahiyang nangyari sakin? Yung naglalakad ako sa kalsada at may nakabunggo ako tapos yung kamay ko nasagi yung alaga nya. Kaya ayun pagkatapos kong magsorry tumakbo kasi as in nakakahiya. Super epic fail!" Kwento ni Kenette. Nagtawanan silang lahat maliban kay Sin na nakangiti lang.
"Ikaw pareng Sin? Anong nakakahiyang moment mo?" tanong ni Clark
Nag-isip naman si Sin.
"Wala eh. Wala akong maalala."
Sagot nya. Kasi halos kalahati ng buhay nya ngayon ay hindi nya maalala. Wala syang amnesia sadyang madali nyang makalimutan ang mga bagay na walang halaga.
"Ang kj mo naman Sin! Boss Eunice oh si Sin ang kj." sumbong ni Kenette kay Eunice na tahimik na pinagmamasdan si Sin.
"Si Meilyne na lang. Ikaw Mei ano yung pinaka nakakahiyang moment mo?"
Nag-isip si Mei at tumingin kay Sin hanggang sa may maalala sya.
"Yung pinakanakakahiyang moment ko ay yung may lalaki akong napagkamalan ako na masamang tao kaya hinampas ko ng kahoy. And it turns na kakilala ko lang pala yun at binabantayan ako para makauwi ako ng ligtas."
"Harsh."
"Bad."
Nagpatuloy sila sa pag-inom ng beer at dahil sa kalasingan ay kumanta si Clark, Kenette at Cleya ng bahay kubo in ballad, pop, rap. Pinasayaw pa nila si Clark ng budots na sinabayan ni Kenette. Panay ang tawa nila at marami narin ang napapatingin sa gawi nila na bakasyonista sa lakas ng mga tawa nila na parang aabot na hanggang sa kabilang barrio.Nang matapos ang munti nilang kasiyahan ay nag-aya na sila na pumunta sa kani-kaniyang kwarto para makapag pahinga.
Pinagtulungan nila Sin at Cleya na buhatin si Clark habang si Eunice naman at Mei ang bahala kay Kenette.
May pumasok na kalokohan sa kanila at pinagtabi nila ng higa si Kenette at Clark sa iisang kama tapos ay tatawa-tawang lumabas ng kwarto. Napailing na lang si Sin sa ideya ng tatlong babae na medyo lasing narin. Pumasok na si Sin sa kanyang kwarto at pinatay ang mga ilaw bago pabagsak na nahiga sa kama.
Naalala nya ang pag-iwas ni Hail sa kanya. Hindi nito sinasagot ang mga tawag nya kaya nahahalata nya na umiiwas ito sa kanya. Sino ba naman ang hindi iiwas kung nagalaw ka ng tinuring mong bestfriend.
He sighed at pinikit ang mata. Malapit na syang makatulog nang marinig nya ang pagbukas at pagsara ng pinto. Oo nga pala nakalimutan nyang i-lock ang kwarto. Naramdaman nya na may umakyat sa kama nya. Iminulat nya ang kanyang mata at nakita nya ang babaeng palapit at hinalikan sya ng mapusok kumunot ang noo nya at inilayo ng konti ito sa kanya. At nagulat sya nang makita kung sino ang pumasok sa kwarto nya.
"Eunice?"
"Sin,"
"What are you doing?"
Huminga ng malalim si Eunice at tumingin sa mga mata nya.
"I like you."
"And I don't."
Natigilan si Eunice dahil sa sinabi nya at nakita ni Sin sa mga mata ni Eunice na nasaktan ito.
"I'm sorry but I'm tired. Please leave my room."
Kaagad na tumayo si Eunice at patakbong lumabas ng kwarto nya.
He sighed.
Now that was fuck. Hirap talaga kapag malakas ang sex appeal. Kasi kahit wala kang gawin may lalapit at lalapit parin.
Tumayo si Sin at nilock ang pinto at pinatay ang lampshade bago nahiga at nanood ng action movie na ang title ay "Porn" hanggang sa makatulog.To be continued...
MXNX
BINABASA MO ANG
The Enigmatic Trillionaire┆COMPLETED
RomanceCOMPLETED. Fervid Donovan Vallejos lives a double life as the womanizer, Sinclair Del Fraire, concealing his true identity as a trillionaire. All he desires is a tranquil existence with his best friend, savoring his bachelor days. However, his...