SIN 39

307 2 0
                                    

SIN 39

Birthday ni Meilyne and we're invited. Ayaw ko sanang dumalo sa party na yun but Tita Sienna and Tito Fervor also invited me to come. Tinawagan ko si Dad and told him na aattend ako ng birthday ng anak ni Miranda and he said that it's okay dahil kasama ko naman daw si Elize kaya wag daw ako kabahan o matakot.

We arrived at the hotel kung saan ginanap ang party. Naunang lumabas ang driver at si Tito para pagbuksan si Fervid at Tita Sienna and of course ang nagbukasng pinto para sakin ay si Elize. Kahit nakasuot sya ng dress ginagampanan nya parin ang trabaho nya. “Thanks”

Dumiretso kami sa loob ng hotel and greeted the birthday celebrant. Bumati rin naman ako pero labas sa ilong. “Happy birthday.” bati ko sabay ngiting pilit.

Hinawakan ko si Elize sa kamay at saka hinila papunta sa table namin. “Buti naman at nakarating ka ATE.” nilingon ko kung sino yon at yung anak pala ng demonyo. Nakipag-beso sya at tumabi sakin na nakangiti. Kumunot ang noo ko at tinaasan sya ng kilay.

“Ano tawag mo sa kanya?” parehas kaming tumingin sa pinanggalingan ng boses. “I called her Ate. Hindi naman siguro bawal kung tawagin ko syang ate since kapatid ko naman talaga sya. Right ATE?”

“Shut up Meilyne.” sita ko
Tinignan ko si Sinclair and I saw him frowning. “Sin...” nakatitig lang sya sakin and I did the same.

“Oops..I think may nasabi akong hindi dapat.”
Sinamaan ko ng tingin si Mei. Bakit ba kasi lumapit pa sakin tong babaeng to?

“Hail, pwede ba tayong mag-usap?” binalik ko ang tingin ko kay Sin. “Y-yeah.” sagot ko at saka tumayo.



I GRINNED nang lumayo ang dalawa para mag-usap kasama yung scary alalay ni "ATE". Actually I was just trying to piss her off, hindi ko naman alam na Sin is clueless about her having a pretty sister like me. I bet mag-aaway yung dalawang yun. I flipped my hair.

“Psst, Meilyne. Bakit mo hinahayaan ang dalawang yun?”
Tanong ni mommy na nasa likod ko na pala.
“Mommy, ngayon ko lang nalaman tinago pala ni Xerafina ang tungkol sa atin? Tsk. Ang kapal talaga matapos nyang pakinabangan ang pamilya natin, iniwan na lang tayo basta at itinago pa tayo sa ibang tao.”

Ganyan ba talaga ang ugali ng kapatid ko? Mabuti na lang at lumaki ako ng wala sya. Tama si mommy mataas nga ang tingin nya sa sarili.

“Hayaan mo na lang sya. Just take what you deserve okay?” mommy said habang pinipisil pisil ang shoulder ko.

“Anyway, dumating na yung friends mo, sina Jelline at Aliah they're looking for you.” mommy said kaya tumayo na ako.

“HAIL, I'm sorry.” Sinclair said at saka bumalik sa party. Pinunasan ko saglit ang mga luha sa pisngi ko at papasok narin sana sa loob kaso biglang lumabas si Miranda kaya muntik na akong tamaan ng pinto. “Oh Xerafina, sorry nandyan ka pala.” walang buhay ko syang tinignan. “Wala akong panahon para sayo kaya tumabi ka.” sagot ko at saka sinubukang lumapit sa pinto pero humarang sya. “Saan ka pupunta? Halika bakit hindi muna tayo mag-usap?” she said at saka mahigpit na hinawakan ang braso ko at sapilitang hinila palayo sa pinto.

“Bitiwan mo ko Miranda! Nasasaktan ako!” binitawan nya naman ako at bumaling sakin na parang nagulat pa sya, then tinaasan nya ako ng kilay. “Anong tawag mo sakin? Miranda? Hah! Wala kang galang sa babaeng nagluwal at bumuhay sayo. Walang utang na loob.” sabi nya at saka ako sinampal ng malakas. Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko at saka sinamaan sya ng tingin.
“Aba't may gana ka pang tignan ako ng masama ng ganyan?” aniya at saka hinawakan ako sa buhok. Nasasaktan ako pero kailangan kong kayanin to. Gusto ko sanang lumaban pero hindi pwede ayokong masaktan ang anak ko. Hindi ko na pwedeng isipin ang sarili ko dahil may buhay akong kailangan protektahan. “Oh ano? Bakit hindi ka lumaban? Malakas ka diba? Palaban ka diba?” sambit nya at sa bawat sambit nya ay hinihila ny ang buhok ko. Pinipilit kong tanggalin ang kamay nya sa buhok ko pero hindi ko magawa.

“Magsalita ka! Bakit hindi ka lumalaban?! Ah..alam ko na..buntis ka nga pala. Sabihin mo sakin kung sinong lalaki ang binayaran mo para mabuntis ka? Sinong lalaki sa bar ang inakit mo? Desperada ka na talaga. Nagawa mo pang magpabuntis para lang balikan ka ng anak ni Sienna? Hmm?”  hinila nya ulit ang buhok ko.

Paano nya nalaman? Hindi kaya narinig ng anak nya yung sinabi ko kay Sin? Baka nagsumbong rin yung anak nya. Ngumiti ako ng mapang-asar.
“Wala na akong pake kung ganyan kababa ang tingin mo sakin pero bakit ganyan ang reaksyon mo? Natatakot ka ba na baka sa ilalim na lang kayo ng tulay tumira? Natatakot ka ba na dahil sa batang dinadala ko ay hindi magkatuluyan ang anak mo at si Sin? Natatakot ka na bumalik ka ulit sa pagiging pokpok mo dahil sa kahirapan? Kaso nga lang wala nang papatol sayo gaya ng dati. Dahil sisiguraduhin kong babalik ka sa kinalalagyan mo.”

Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon nya. Kumuyom ang kamao nya at mas humigpit pa ang hawak nya sa buhok ko.
“Ah ganon? Pinagmamalaki mo sakin yang magiging anak mo? Tignan natin kung masabi mo pa yan kapag nawala na yang pesteng bata dyan sa sinapupunan mo.”

“Milady!”
“Miranda!”

Nanlaki ang mata ko nang bigla nya akong tinulak ng malakas.

Napaupo ako sa sahig at biglang umusbong saakin ang kaba. “Are you okay milady?” Tumango ako inalalayan naman ako ni Elize para makatayo.

I saw Dad coming with Harvy at isang lalaki na hindi ko kilala. Nang makalapit, he immediately slapped mom, knocking her out. Pero bago pa matumba si Miranda ay nasalo na ito bi Dad.“Harvy, dalhin mo sya sa kotse.” utos ni Dad at saka ibinigay kay Harvy.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanila habang dala dala nila si Miranda. “Milady...” nilingon ko si Elize and she looks worried while looking down. Sinundan ko ang tingin nya...

dugo..

No...my baby...

—MXNX—

The Enigmatic Trillionaire┆COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon