Sinclair Vallejos
SIN 42
Nakatunganga ako ngayon sa kwarto habang nakatingin sa numero ni Meilyne. I fcking miss her already. Oh fck. Hinagis ko sa tabi ko ang cellphone ko at pabagsak kong hiniga ang katawan ko sa kama tapos ay tumingin sa kisame. Kung iniisip nyo yung tama ng baril sa masarap kong katawan, wag kayo mag-alala magaling na.
Hindi ko pa sya nakikita simula nung layasan ko sya sa birthday niya and that was 2 days ago. Masama parin ang loob ko sa kanya at may disappointment pang natitira sa loob ko pero mas nangingibabaw ang pagka-miss ko sa kanya. Ang gulo no? Tss..Love really sucks. Karma? Tss. Ewan ko.
Hindi ko alam kung ilang minuto na kong nakatingin sa kisame. Maraming pumapasok na kung ano-ano sa utak ko. Ang dami kong iniisip, mas dumami pa lalo dahil sa sitwasyon ko ngayon. Iniisip ko rin kung bakit natripan ni Lexie Loore na maging vlogger, kung may bago bang mga 'corn' sa orange youtube. Iniisip ko rin kung bakit ang laman ng newsfeed ko sa Facehook ay puro mukha ni Xendar Fork. Parang ayoko na tuloy magbukas ng Facehook.
Tinignan ko ang cellphone ko na nasa pagitan ng dalawang unan. Huminga ako ng malalim at pumasok naman sa isip ko ang napag-usapan namin ni Hail. Gusto nyong malaman? Pilitin nyo muna ko. Galingan nyo ah?
Biro lang hahaha. Parang yung "I love you" nya sayo na biro lang din. Ay sorry pasmado. Kaka-jackstone ko to eh sorry.
Flashback—wait lang, mali yung iniisip nyo. Hindi ito flashback ng pagjajackstone ko. Flashback to ng pag-uusap namin ni Hail bago ako umuwi sa bahay ko.
⇜ Flashback (take 2)
“Hail, pwede ba tayong mag-usap?” tanong ko matapos buksan ni Elize ang pinto.
“Yeah, sure.” she said
Lumapit ako sa kanya at saka ko sya niyakap.
“Uhh..what are you doing?”
“She's your mom, right?”Silence...
“What do you mean?”
“Tita Miranda, she's your mother.”
“Si dad ba ang nagsabi sayo?”
“Yeah. Don't worry I won't judge you. Kilala mo naman ako diba? Basta if you have problems, sabihin mo lang sakin, and I will listen. I'm just here for you.” sabi ko sa kanya. She hugged me tight and I don't know kung guni-guni ko lang yun pero parang may tumutulo sa damit ko. “Thank you. I'm so lucky that I have you. I'll tell you everything, don't worry basta bigyan mo pa ko ng kaunting oras.” aniya at niyakap ako ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
The Enigmatic Trillionaire┆COMPLETED
RomanceCOMPLETED. Fervid Donovan Vallejos lives a double life as the womanizer, Sinclair Del Fraire, concealing his true identity as a trillionaire. All he desires is a tranquil existence with his best friend, savoring his bachelor days. However, his...