"Yssa," paanas na boses na tumatawag sa kanyang pangalan sabay sa kanyang pagmulat ang pagdagundong ng kalangitan at pagguhit ng kidlat sa kalawakan na siyang daan para maaninag niya kung sino ang tumatawag sa kanya."Tiyo Amado?!". May pagtataka sa boses niya kung bakit andoon ito sa kwarto niya ng dis oras ng gabi.
"Ou, Ysa ako nga.". Parang may sinisinghot pa ito na kung ano. "Ysa, hmmmm". naramdaman nia ang kamay nito sa braso niya.
"H-ho?". nahihintakutan siya. "Bakit po?".
"Ang ganda ganda mo!" lumalaki kang kaakit akit" hmmmm. lalo na sa paningin ko! Dugtong pa ni Amado na parang takam na takam siyang amuyin.
"Tiyo Amado, ang nanay po nasaan?". Kunwari niyang tanong habang pinipilit niyan kalmahin ang sarili nia.
"Nandoon, sa kwarto! Napagud ng husto sa ginawa namin kanina kaya mahimbing ang tulog.. Napahagikgik pa ito.
Nangilabot siya. Kinapa nia ang mga bagay na iyon sa kanyang ulunan kung sakali man dumating ang ganitong pagkakataon.
"Tiyo Amado, ano ho gingawa niyo"? Naramdam niya gumalaw ang kamay nito pababa sa kanyang mga braso.
"Hindi pa ako pagud kasi. " tumawa ito ng mahina. "Kung pwede sana ikaw! Takam na takam na ako sayo!!! Sabay hablot sa kanya papalapiit dito..
"Huwag po! Umiiyak siya. Pero nakahanda na siya.
Hinawakan siya sa buhok at akma na itong hahalikan siya ng malakas nia ito sinaksak ng maliit na matalim na bagay na yon.
Napasigaw ito sa sakit!
Parang naging halimaw ito habang sapo ang sa tagiliran na may umaagos na dugo. Bago pa man ito makahuma tinadyakan niya ito sa gitnang bahagi ng pagkalalaki niya. At mabilis na siyang tumalilis palabas ng kanyang silid.
Nang nakalabas na siya ng kabahayan narinig niya ang malakas na pagsigaw.
"Si Ysa! Habulin niyo!!". Hindi na nag aksaya ng panahon si Ysa mabilis siyang tumakbo para makalayo sa lugar na yon.
Nang lumingon siya nakita niyang may humahabol sa kanya.. Mga tauhan kuno ito ng Amain kasi isa itong Gangster ito ang pinuno. Ewan ko ba sa nanay niya at pumatol siya doon. Bata pa lang siya noon napapansin niya na malalagkit na ang tingin sa kanya. Kaya doble pagiingat ginagawa niya sa sarili. Ngayon siya ay 16 na may mga pagbabago na sa kanyan katawan physical at internal.Maaga nawala ang kanyang Ama naaksidente ito habang papauwi na sa kanila nabangga ng isang sasakyan dead om arrival ito.
Mga ilan buwan lang lumipas nag asawa ulit ang ina di rin naman ngtagal naghiwalay din ito. Hanggang sa natagpuan niya si Amado na lider ng mga gangster. Itinira sila sa maayos na bahay kaya pala ganun kasi isa pala itong adik, supplier din ng mga droga. Natatakot siya mula dito pero maayos naman siyang pinakitunguhan nito dangan nga lang nitong huli pansin niya na ang mga tingin nito na may malisya sa kanya. Kaya mas pinipili niya na rin ang mgsuot ng maluluwag na t-shirt at jogging pants or mahabang shorts para di makaiwas siya sa mga pagnanasang tingin. Minsan kasi kahit ung mga tauhan nito ay nabbibigyan siya ng malalagkit na tingin na nakakaalibadbad sa pakiramdam.
Hindi rin pala siya nakapasok sa eskwela ni minsan kaya wala siyang alam liban sa isulat niya kanyang pangalan na pinursige niyang matutunan mula sa ina.
Nagiging aware lang siya sa paligid, dahil sa mga napapanuod niya sa mga balita sa tv na hindi naman pinagdamot sa bahay na yon gawin. Kailangan niya ito lalo na ngayon laman ng balita lagi ang talamak na paggamit ng droga at kung anu anong masasamang nangyayari dulot nito katulad ng may nagagahasa at pinapatay sa karumal dumal na paraan. Siya ay di malayong mapunta sa ganun sitwasyon at nangyayari na ngayon. Hindi naman siya nagpapakatanga at nagpapakabobo porket di siya nakapasok ng paaralan.
Kailangan kung magmadali sa isip ko bago ako maabutan ng mga yon. Manhid na mga paa ko sa katatakbo habang ang paligid ay nababalot ng kadiliman, sumasabay ang sama ng panahon sa masamang bagay na nangyayari sa kanya ngayon.
"Mga gagu!" Bilisan niyo baka hindi natin maabutan! Yari tayo kay boss! Narinig niyang sigaw ng isa sa mga humahabol si Manolo iyon. Agad siyang nagmadali at kumubli sa isang malaking puno na napapaligiran ng maraming damo.
Pinakiramdaman niya ang paligid, basang basa na siya. Humahalo ang kanyang mga luha sa patak ng ulan. Tahimik siyang ngdadasal na sana ay makaalis siya doon ng di siya maabutan ng mga ito. Naalala niya ang kanyang ina, natatakot siya para dito sa kung ano mangyayari hindi man siya inaalagaan nito dahil panay ang atensyon nito ay kay Amado na.. Pero mahal niya pa rin ang ina. Di niya namalayan na nakatulog na pala siya.
BINABASA MO ANG
Ysabella Reyes
RomanceKung siya lang ang masusunod gusto na niyang tapusin ang pagmamahal na mayroon siya kay Martin. Hanggang saan kaya ang hangganan ng pag-ibig niya para sa lalaki? "Gusto ko ng matapos ang kabaliwan ito." -Ysabella