Ika-15 na kabanata

18 0 0
                                    

Mabilis na lumipas ang araw, si Ysa ay tuluyan ng nag-umpisa sa kanyang home school base. Madali naman siyang matuto lalo na sa mga basic yong pang-prep school. Ngayon nasa elementary na ang lessons niya kaya masaya siya sa kanyang progreso.

Si Martin naman ay subrang busy sa kabila-kabilaang thesis at depensa para sa magandang marka na makukuha. Malapit na kasi silang magtapos. Ganun pa man hindi nawalan ng oras si Martin kay Carol. Kahit saglit na pagkikita lang iyon ay sinusulit naman nilang magkasintahan.

"Carol, Let's get married after the graduation." masuyo hinahaplos ni Martin ang mukha nito. Magkaharap sila ngayon pagkatapos ng mainit na tagpo sa kanilang dalawa. Ito lang ang babaeng mamahalin niya.

Samantala tumango lang si Carol tanda ng pagsang-ayon pero sa bandang tingin maaninag mo dito na may pag-alala ito. Isiniksik n lang niya ang kanyang sarili sa lalaki.

✌✌✌✌✌✌✌✌

Abala si Ysa sa pagbubungkal at pag aayos sa hardin ng namayapang donya ng mansyon. Pinagyaman niya itong tunay kaya naman tuwang tuwa siya at nagbunga ang kanyang pagsusumikap na mabigyan buhay ito. Ang munting hardin na iyon ay nilagyan niya na ngayon ng isang munting duyan sa bandang kanan bahagi upang mas lalo kapang marelax kapag nandoon ka namahinga. Sa kaliwa ay nagpasadya siya sa hardinero ng mansyon na may angking kagalingan pala ito sa paggawa ng furniture. Si Mang kulas ito ang madalas niyang kabiruan kaya naman nung nalaman nito ang kanyang idea agad itong nag alok sa kanya na ito ang bahalang gumawa ng lamesa at upuan na gawa sa kahoy. Subrang ganda. Ipinakita niya dito ang picture katulad ng sa magasin na kanyang pinagkunan ng ideya. Malimit siya maglagi kapag gusto niya magbasa ng libro mula sa library ng mansyon .

Ipinagpaalam niya lahat ng ito kay don Rafael at wala naman itong pagtutol bagkus ay nag alok pa ito na sabihin lang s Kanya ang kailangan halaga. Tumanggi ako sa una kasi mayroon naman ako pera gagamitin, itinatabi ko kasi yong allowance na binibigay sa kanya ng don e subrang laki non para sa kanya. Ngunit nagpumilit ito.

"Amazing Ysa."  bulalas ng don ng makapasok sa hardin na iyon.  Bakas sa mukha nito ang paghanga at galak na makita ang hardin na iyon.

"Kayo po pala, don rafael sana po magustuhan niyo."

"Pasensiya na po kasi malaki na po ang nabago mula po sa original na mukha nitong hardin."

"Naku wala yon, tiyak na magugustuhan ito ng aking esposa kung nandirito lamang siya. Subrang salamat iha, inalaagan at minahal mo ito." madamdamin sabi ng don rafael sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pagmamahal sa nawalang asawa.

"wala pong anuman don rafael, salamat po sa tiwala na binigay niyo sa akin." ganti niya naman dito.

At muli na naman silang natanawan ni Martin sa ganung tagpo na dahilan para dumilim ang kanyang mukha. Napagawi ito doon dahil katatapos lang nito maglaro ng basketball.

"Ayos talaga 'tong naisip mo Ysa. Ikaw na talaga ang may green thumb." sabi ni Mang kulas noong sinilip siya nito sa hardin na iyon.

"salamat po Mang kulas, nagmana lang po ako sa inyo.". Magiliw nA bati niya sa matanda kasalukuyan siyang nagtatanggal ng mga bulok na dahon sa mga halaman doon.

"ayun ang ayos doon, hahahhaha!".

Nagkatawanan silang dalawa ng biglang may tumikhim sa bungad ng hardin na yon. At Nakita niya si Martin na nakatingin lang sa kanya.

"Ay si senorito kayo po pala." si mang kulas yon. "Oh siya Ysa, alis na rin ako kasi may gagawin pa ako sa kabila". Paalam ni Mang kulas. "Senorito alis na po ako."
Tumango lang ang binata sa matanda.

Ysabella ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon