"Senorito." ani ni Ysabella kay Martin.
Kasalukuyan itong nagkakape habang nanunuod ng news.Sa loob ng isang buwan na magkasama sila, lagi itong walang kibo. Laging malalim ang iniisip.
Nakasanayan niya na rin ang pagpunta sa supermarket at iba pang place sa building na kanyang pinapasyalan.
Napagtagni ko na ang gabi na nagalit ulit siya sa akin ay ang gabi na umalis si Carol papuntang Europe para sa pangarap nitong maging international model.
Kahit papano masaya na ako dahil alam ko, na-appreciate ni Martin ang mga ginagawa niya. Yong mga niluluto niya kinakain niya ng walang reklamo. Minsan umuuwi pa nga ito ng lunch para doon mananghalian. Yong mga damit nito na sinusuot everyday at matyaga ko rin inihahanda. Kaya pinagbubuti ko para hindi na naman siya magalit sa akin.
"May kailangan ka?" nakakunot na naman ang noo nito na nakatingin sa kanya.
"A-ah kasi, magpapaalam sana po ako sa inyo kung pwede ba na umattend ng training po para sa gardening?" alanganin niya pang sabi. Blangko ang mukha nito.
"Nagbabakasali lang po ako kung payagan niyo ako, Saka wala pong bayad, iyon po kasing itatanim namin, ayon po ang ibebenta nila." paliwanag niya pa.
"Isa pa po, nandito lang din po sa building ang training center nila." ani ni Ysabella.
Bumuntunghininga ito, "So namamasyal ka pala kapag hindi kita nakikita, kapag namimili ka?".
"Sorry, pero promise diko papabayaan yong mga gawain ko po dito." hingi niya ng tawad dito.
"Ok sige, basta huwag na huwag kang lalabas ng building na ito ng walang pasabi sa akin Ysabella."
"Opo. maraming salamat po Senorito!" agad na gumaan ang pakiramdam niya.
"May araw lang po training namin, Miyerkules at Sabado po."Tumango lang ito at ibinalik na ang tingin sa tv.
"Hello po sir Alvin?."
"Opo sir, bukas po, thank you." tumawag siya sa center kung saan ipagpaalam niya na papasok siya bukas.
Samantalang si Martin nakaupo pa rin sa sofa habang nanunuod, parang wala naman pakialam ito sa kung sino man ang tinawagan niya.
😚😚😚😚😚
"Martin, is that Ysa?" si Paul iyon, narito siya ngayon para manggulo ulit, pangalawa beses niya na itong pumunta dito. Galing itong U.S kasalukuyan itong kumukuha ng engineering after nitong magtapos sa Business course.
Napatingin siya sa direksyon kung saan naroon ang kanyang "asawa". May mga kasama ito, malamang mga kasama nito sa training.
Ngayon niya lang napansin na mas maganda ito kapag nakatawa, maaliwalas ang dating ng mukha nito.
"Hala natulala ka na dyan, hahahha!" lakas ng tawa ni Paul. "Puntahan natin?"
"Huwag na. Bumili ka na ng maka-."
Nakita niya na lang si Paul papunta kina Ysabella. Napailing na lang siya, pasaway talaga.
"Excuse me, Hi Ysa!" dinig niyang sabi ni Paul.
Bagaman nagulat ito sa pagsulpot ni Paul, ngumiti ito ng makilala kung sino bumati sa kanya.
"Ay sir Paul, kayo po pala!"
Nagkasalubong ang tingin nila ni Ysabella, bakit parang may kung ano sa mga mata nito ngayon.
"Ah excuse me po sa lahat." tawag pansin nito sa mga kasama ng makita niya na palapit na ako sa mesa nila.
"Ito pala si sir Paul kaibigan po siya ni senorito Martin." tango lang tugon ng lahat. "Kay senorito Martin po ako ngtatrabaho." nakangiti niya pang sabi sa mga kasamahan nito.
Parang may ibang dating sa kanya nang ipakilala siya sa mga ito bilang amo at hindi bilang asawa niya lalo na ng makita ang maluwang na pagngiti ng katabing lalaki ni Ysabella.
Samantala hindi pansin ni Martin na biglang dumilim ang kanyan mukha na siyang ipinagtaka ng lahat.
Nang biglang may sumiko sa kanya. "Psst, tayo na. Di halata na nagseselos ka sa katabi ni Ysa." pabulong na sabi ni Paul sa kanya.
"Bye guys, bye Ysa." paalam ni Paul..
😂😂😂
Sakto dumating si Martin, naghahain na siya ng pagkain para sa hapunan.
"Senorito, kain na po kayo." tawag niya dito.
Ganun pa rin ang mukha nito blangko kaya napakahirap mabasa kung ano nasa isip nito.
Lumapit din naman ito sa hapag, binistahan nito ang kanyang mga niluto. Hinila nito ang upuan at umupo.
Agad niya itong inabutan ng plato, inilapit niya ang kanin at ulam na sweet and sour na tilapia. Sinalinan niya na rin ito ng tubig napapansin niya kasi madali itong sinukin.
Akma na sana siyang tatalikod, kasi hindi naman talaga sila nagsasabay kumain.
"Ysabella." tawag nito sa kanya.
"Maupo ka, samahan mo akong kumain." dugtong nito na kinagulat niya.
"P-po?"
"Narinig mo naman diba sinabi ko?".
ang sungit naman nitong mag-aya.Tumalima siya sa utos nito, ngayon ay magkaharapan sila. Tahimik. Nakakailang. Tooottoooot. Firsttime.
"Ysabella, sino yong lalaking katabi mo kanina sa restaurant?" bungad nito.
"Huh, si sir Alvin po yon, siya po Team leader at siya din po ang may ari ng center." paliwanag niya.
"ok. Next time, umiwas ka sa mga lalaki kasama mo. Baka may makakita sayo gawin pang issue, remember we're married." balewala nitong sabi sa kanya habang kumakain.
"Opo." naguguluhan man sumang ayon na rin si Ysabella bilang pagtugon.
"Good."
"By the way, how was your firstday?" nakatingin na ito sa kanya ngayon.
"Masaya at marami akong matutunan." excited kung sabi dito, parang may nakita akong kislap sa mata nito kahit sandali lang.
Kumibit balikat lang ito bago tumayo, nilagay ang mga pinagkainan sa lababo.
"Salamat sa dinner, ako na maghuhugas ng mga plato."
Talagang kakaiba siya ngayon. Sana laging ganito para masaya. Ayie!
BINABASA MO ANG
Ysabella Reyes
RomanceKung siya lang ang masusunod gusto na niyang tapusin ang pagmamahal na mayroon siya kay Martin. Hanggang saan kaya ang hangganan ng pag-ibig niya para sa lalaki? "Gusto ko ng matapos ang kabaliwan ito." -Ysabella