Hi there?! Thank you po sa patuloy na pagbabasa. :) Please enjoy.
Hindi na maganda sa pakiramdam na may taong ayaw kang makita at makasama sa bawat araw na lumipas.
Simula ng mangyari ang insidente kina Carol para na akong may nakakahawang sakit kung ituring ni Martin.
Alam ko naman na ganun na ang magiging senaryo kaya lang masakit pa rin isipin lalo na ng aking puso ang mga lantarang pag-iwas ni Martin sa kanya samahan pa ito ng matatalim na tingin kung sakali man magpang abot ang aming tingin.
Ang malaki at malawak na kabahayan ay nagmistula itong isang palasyo na walang nakatira. Ang Don Rafael naman kabilaan ang pag asikaso nito sa mga negosyo lalo na sa overseas.
Ganun din si Martin na busy sa nalalapit na pagtatapos nito sa kolehiyo, kasama pa doon ang pagbisita sa mga negosyo nakahanda nang ilipat sa kanyang pamamahala pagkatapos nito.
Hindi ko maintindihan ang mag-ama, maka-doble kayod sa buhay akala mo marami pinapakain, pero sabagay marami din silang mga natutulungan mga ilan libo nilang empleyado. Hindi maikakaila ang galing ni Don Rafael sa paghawak ng negosto tila ito may maynet ng swerte kaya tlagang walang duda man na mag isip ang magulang ni Carol ng ganun. Pero mayaman din naman sila ah? Kilala din sa negosyo pamilya nila nababasa ko sa mga magasin pati na rin napapanood ko sa t.v.
"Ysa." tawag sa akin ng boses babae.
"Ma'am Ca-Carol kayo po pala." lumingon ako para mapagsino ito kasalukuyan akong nasa kusina nagpupunas ng mga plato.
"Yes.. Pwede mo ba kaming dalhan ng maiinom ni Martin sa kwarto niya." maarteng sabi nito. Ou maarte n ito, di na siya yong dating mahinhin kapag kinakausap ako, at alam ito ni Martin minsan niya na akong tinarayan sa harap mismo nito.
"O-ok po." nagmamadali kong ginawa ang inutos niya.
"Oh, P-pasok ka na Ysa." pumasok nga ako sa loob ng kwarto at hayun nakaupo si Carol sa kandungan ng lalaki, sinasadya niya ito ang mga mahahalay na senaryo kapag ganitong papasok sa kwarto samantalang si Martin walang pakialam sa presensya niya doon naman ako paulit ulit na sinasakmal ang puso ko ng kung ano man para manikip ang dibdib ko. Lumalabas siya ng kwarto na laging sapo ang dibdib dahil sa nararamdaman nito Napaka suwail na puso kasi may sariling isip. Hays.
Minsan gusto ko magpaalam kay Don Rafael na bumalik na lang kay Salve, pero nahihiya naman akong sabihin dito sa kanya.
"Ysabella." tinig ni don Rafael na nagpatigil sa pagmuni muni ko.
Lumingon ako sa gawi nito at sinundan ko ng tingin kung saan ito dadako. Tumabi ito sa kanya sa pag-upo nito sa kahoy na upuan na meron sa garden.
"Nagiging malungkutin ka yata ngayon." Bungad nito.
"H-ho?". alinlangan kong sagot dito.
"Ysabella, hija, baka akala mo hindi ko napapansin ang pagkatulala mo minsan, mga malalayong tanaw na wala naman direksyon." may pag-alala nitong sabi sa kanya.
Agad siyang nakaramdam ng konsensiya. Ganun na ba siya kahalata, baka hindi lang ang don ang ganun ang tingin sa kanya.
"Pasensiya na po, Na-namimis ko lang po ang aking ina." nakaisip din ako ng alibi agad although may pangungulila ako nararamdaman pero maliit na dahilan lang yon. Ang pag-ibig ko ki Martin ang problema ko, problema kung papano mawawala.
"Gusto mo bang makita si Salve?,"
Agad na lumiwanag ang mukha ko ng marinig ko ang pangalan ng matanda, isa ito sa mga pinaka-miss na miss kong tao.
"Opo!"
"hahahhaha, palagay ko nga ay miss na miss mo na siya!" tatawa tawa ito habang ginugulo nito ang kanyang buhok sa ulo.
"Ok fine, you will visit her" hindi pa rin nawawala ang ngiti nito habang sinasabi yon sa kanya.
"Wow! Talaga po! Salamat po Don Rafael" niyakap ko ang don dahil sa tuwa ko, natutuwa ako kasi makikita ko si Salve, isa pa mawawala ako sa lugar kung saan si Martin.
Hindi sinasadya napatingin ako sa may gawing pintuan ng mansyon palabas ng garden, nakita ko siya masama ang mga tingin na pinupukol sa akin. Nakakatakot parang kaya akong kontrolin nito. Mabilis kong kumalas sa pagyakap sa Don. Hays, ano ba naman yon?
BINABASA MO ANG
Ysabella Reyes
RomanceKung siya lang ang masusunod gusto na niyang tapusin ang pagmamahal na mayroon siya kay Martin. Hanggang saan kaya ang hangganan ng pag-ibig niya para sa lalaki? "Gusto ko ng matapos ang kabaliwan ito." -Ysabella