Ika-19 na kabanata-"Party"

17 0 0
                                    

"Martin, pwede ba natin isama si Ysa sa party mamayang gabi kina Carolina?" tanong ni Paul sa kanya naroon sila ngayon sa bleacher ng gym nakaupo habang ngpapahinga pagkatapos ng praktis nila sa basketball.

"Huh? Bakit si Ysabella pa marami naman dyan available." sabi ni Martin dito.

"I want Ysa na maging partner ko saka bro ilabas mo naman si Ysa para naman magkaroon ng social life yong tao hindi puro halaman at yong mga kasambahay niyo na lang kasama niya at kausap palagi." mahabang litanya ni Paul.

"Im not the one who can decide about that, saka hindi naman siya sanay sa ganoon occassion." sagot ko naman dito.. Naiirita na naman ako.

"kaya nga isasama ko siya para magkaroon naman siya ng experience and don't worry I'll ask personally your dad para payagan si Ysa." kampanteng sagot ni Paul.

"Ok fine, do what you want." maikling sagot naman ni Martin kay Paul.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖

"Hi Ysa." tawag sa kanya ni Paul habang siya ay abala sa pagbabasa ng kanyang lecture. Mayroon kasi siyang homework sa  literature.

"Kaw pala Paul." isinara niya muna sandali ang librong kanyang hawak hawak.

"Yes and nandito ako para ayain sana kitang maging partner ko sa party mamaya na gaganapin kina Carol." lumapit na sa kanya si Paul at agad itong kumuha ng cookies na kanyang baon dun sa labas.

"a-ako?"

"Ba-bakit ako?." nataranta naman ako niyaya niya ako sa party na hindi ko alam kung anong mga gagawin at paano siya makikiharap dito e di ako marunong mag ayos ng sarili ko. Paano? At saka hindi ako pwede kasi nakakahiya ka don Rafael sabihin sumasama ako ng walang paalam s Kanya.

Mukha naman nahulaan ng lalaking sa harapan niya ngayon ang alinlangan sa kanyang mukha.

"Ok, No more but's and worries Ysa, I already have don Rafael blessings natuwa pa nga siya dahil naisip kong ikaw ang partner na kukunin ko. And lastly,  magiging maganda ka kaya be ready at 3:00 pm may pupunta dito mamaya."

"Hala Sir Paul este Paul hindi naman ako nababagay sa party na sinasabi mo po."

"sshhh. Sino may sabing hindi?." sabay hawak sa ilalim ng baba niya."Basta be ready mamaya, 3 pm, I will send people.."

Hindi na siya nakapagsalita ng tumalikod na ito at kumaway na aalis na. Nkaramdam siya ng importansiya dahil sa unang pagkakataon makakadalo siya sa ganung klaseng pagdiriwang kaso lamang nandoon si Martin at tiyak na siya ang escort ni Carol. Ayaw ko sila makita na magkasama kasi masasaktan lang ako. Ewan ko ba naman sa suwail kong puso bakit hindi pa mawala ang pagtatangi nito kay Martin kung sana kay Paul na lang, kaibigan lamang ang pagtingin ko sa huli.

"Ysabella." napalingon siya sa pinanggalingan ng boses na yon.

"Don Rafael, kayo po pala." agad siyang napatayo ng makitang papalapit na ito sa kanya. Naupo ang don kung saan nakaupo kanina si Paul.

" I heard na you will attend party with Paul."

"Ku-kung hindi po kayo payag ok lang po saka hindi rin ako para sa ganun klaseng party." sabi niya sa don ngayon na nakatingin lang sa kanya.

"Hahaha. Actually nagulat ako Paul asked me about you to be his partner at Caroline Party debut." parang may lungkot sa mga mata pagkasabi nito.

"Oh Im sorry darling, I realized na ikinulong kita dito, I never thought na you are grown up girl." tagos sa pusong sabi ng don sa kanya.

"Then suddenly, I feel burden kasi you'll never experience to go party, shoppings with your friends, I thought you really ok in this house and the Garden." napalingon pa ito sa buong paligid.

Naiyak siya sa sinabi ng don. Hindi niya akalain na maiisip nito ang kapakanan niya ng higit pa sa inaasahan niya. Malaki ang pasasalamat ko dahil siya ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon malaya, malayo sa mapanganib na lugar. Ang mga naranasan ko ngayon ay sapat na para mamuhay ako ng maayos at may katahimikan. Bagama't alam ko ang nais iparating ng Don pero hindi ko hinangad ang mga iyon dahil kalabisan na ito sa maayos na buhay na aking tinatamasa ngayon.

"Huwag niyo po isipin yan Don Rafael, masaya po ako sa ano ang mayroon ako ngayon at utang ko po sa inyo. Kulang pa po ang pasasalamat ko para po sa mga nagawa niyo para sa akin."

"No, you are my daughter now. And I am thankful na dumating ka sa bahay na ito na nakilala kita. Tama si Salve."

Hindi na siya nakatiis, lumapit na siya sa don ay yumakap dito. Masaya naman siyang ginantihan ng yakap nito.

Sa kabilang banda, dalawang pares ng mata ang matiim na nakamasid sa kanila.

Ysabella ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon