Isang nakakahangang tanawin ang aming nabungaran ni nana Salve matapos namin maglakad ng halos kalahating oras. Narito kami ngayon sa isang burol, subrang sarap sa balat lapat ng hangin sa aking balat, ang samyuin ang napakasariwang hangin parang nalilinis ang pagkataon ko kapag nilalanghap ko ito may kung ano ito na lumilinis sa sistema ko. Ang sarap mabuhay! Salamat sa itaas at nabigyan muli ako na panibagong pagkakataon na mabuhay para masilayan ang mga biyayang katulad nito."Alam mo ba ang kabila ng burol na ito ay napakalawak na lupain ng mga Valdemor, ni Don Rafael." pahayag ni nana Salve.
Nakaawang ang mga labi ko na napalingon sa kanya, napamangha ako sa sinabi nito.
"Isa ito sa dahilan kong bakit pumupunta siya dito, minsan dito lang siya para magpahinga, ito yong akala ng iba na nasa ibang bansa siya para sa business trip ."
Tinanaw ko ang sinasabi niyang lupain, napakalawak nito may palagay ako na baka kalahati ng bayan ito ay pag-aari ng nasabing don. Ano kaya ang meron doon?
"Ka-kayo po ba nana Salve ang namamahala dito?." balik tanong ko dito.
At nakita ko itong tumango bilang tugon sa tanong ko. Alam kaya ni Martin ito?""Ikaw lang ang hinayaan niyang makaalam sa lugar na ito maliban sa lahat." nabasa niya siguro ang nasa isipan ko.
"Ibig pong sabihin kahit si senorito Martin hindi po alam ito?"
"Oo at hindi ko alam ang dahilan niya kung bakit hindi niya pa ito sinasabi sa kanyang unico hijo samantalang ikaw e hinayaan na malaman ito." ani ni Nana salve.
Naguguluhan ako sa mga sinabi ni nana Salve. Bakit hindi alam ni Martin ang lugar na ito? Kaya siguro hindi niya rin sinasabi dito kung saan din siya galing at kung saan sila pupunta ngayon or talagang walang intensyon ipaalam ang matanda ang sitwasyon niya, nila.
"Sa ngayon hanggang dito lang muna tayo." kumilos na ito at inilabas ang dala nilang pagkain. May inilabas itong malaking tela na inilatag sa damuhan para doon ilagay ang pagkain at upuan na rin nila. Matapos maiayos ang mga dala nila, sinabihan siya ng matanda na ilibot ang sarili sa burol na iyon samantalang ito ay may kakausapin na tao na kanyang katatagpuin ngayon hinggil sa lupain ng don.
Habang nilalandas niya ang kanang bahagi ng burol, hindi sinasadya na napatingin siya sa bahaging kanluran ng kalangitan.
Kailan nga ba niya nakita ang ganung napakagandang senaryo ng kalangitan tila sumabog ang kulay kahel sa kalawakan hudyat na ang haring araw ay matutulog na. Tinitigan niya ito na para bang ayaw niyang pakawalan ang ganitong tanawin, ayaw niya pang mawala ito, gusto ko itong pigilan para di mawala ang ganung pakiramdam ko ang maging masaya.
Sana balang araw makabalik ulit ako dito at muli itong masilayan sana sa pagkakataong ay makasama ko na ang mga taong nagpapasya sa akin ng lubos.
Marami akong sana lalo na sa panahon na ito isa na doon na Sana magkita ulit kami ng nanay ko, na Sana hinahanap niya rin ako, sana at marami pang sana pero masaya na ako ngayon sa kung ano ang meron ako kaya nagpapasalamat ako ng lubos sa mga taong dahilan kumbakit naririto ako ngayon malayang minamalas ang napakagandang tanawin n alay ng natural na kagandahan ng mundo. Higit saan pa man sa kaibuturan ng puso ko isang sana ang pilit kong pinapatay. "Sana darating din ang araw na mapansin mo rin ako Martin?"
BINABASA MO ANG
Ysabella Reyes
RomanceKung siya lang ang masusunod gusto na niyang tapusin ang pagmamahal na mayroon siya kay Martin. Hanggang saan kaya ang hangganan ng pag-ibig niya para sa lalaki? "Gusto ko ng matapos ang kabaliwan ito." -Ysabella