"Ysaaaaa..." tili ng matanda pagka-ibis ko pa lang sa sasakyan. Agad ko itong tinakbo at sinalubong ng yakap.
"Aba, tingnan mo nga naman ikaw ba yan?" magkayakap pa rin kami habang nakamalas siya sa hitsura ko.
"Opo naman Nana Salve" natatawa kong sagot.
"Ang ganda ganda mong bata e, nalamangan mo na ako, hahaha". ang lakas ng tawa ko, diko akalain na may pagkapilya din pala itong tinatago kasi sa huli namin pagkikita parang napakaseryoso nito.
"Eheemmm." nakalimutan kong kasama ko pala si Don Rafael nagpumilit itong ihatid siya dito bago pumunta sa Hongkong for business trip na naman.
"Kumusta na po Don Rafael?" bati ni Salve
"Mabuti naman po Don Rafael" sagot nito habang panabay kaming pumasok ng bahay.
"Nagpahanda po ako ng makakain sa may terasa" yaya ni Salve.
"wow tamang-tama po Nana Salve, masusulit ko na po mga luto niyo ngayon!" masaya kong bati sa matandang babae.
"Ibang iba ka na talaga anak, masaya ako at napakasigla mo na ngayon. Huwag kang mag-alala mukang masusulit mo talaga mga luto ko plus tuturuan pa kita!"
"tama na yan at kumain na tayo" agaw pansin ng don sa dalawa.
"Ysabella, Don't forget before tha day Martin jgvfxvGraduation ay ipapasundo na kita"
"Oopo." iyon ang isa sa mga kondisyones ng Don bago siya tuluyang pinayagan na magbakasyon. Gusto daw nito na nandoon rin siya para saksihan ang pagtatapos ni Martvj vnnolpnbin kasi bahagi na daw siya ng pamilya.
Kaya ngpapasalamat ako kay Don Rafael dahil tinanggap niya ako, akala ko noon itatago niya lang ako sa mga naghahabol sa akin pero pinatuloy niya ako ng matagal, binihisan at pinakain hindi lang yon pinag aral niya ako. Kaya malaki lang pagtataka ko kung saan ngmana ng kapangitan na ugali si Martin. Hays, naalala ko na naman siya.
Suma-total isang linggo ang ilalagi niya dito kina Nana Salve kaya ipinapangako niya na hindi niya iisipin si Martin. Tatanggalin niya ito sa kanyang sistema. Gusto niya ma-refresh ang sarili niya ng malaman niya naman kung ano siya kung wala sa paligid niya si Martin.
Inabala niya ang kanyang sarili sa pagtulong sa kay Nana Salve sa pagtulong ng mga gawaing bahay at isa na doon ang pagluluto.
"Tsk. Ang sarap talaga ng chicken caldereta niyo po nana Salve!" palatak niya.
"Sus, nabibilog mo na ako sa kabobola mo Ysabella". sagot ng matanda habang nghahain ng kanilang pananghalian.
"Ako nga din po bumibilog na rin dahil sa mga luto niyo po."
Panabay pa silang nagkatawanan. At sabay na nilantakan ang pagkain.
"Ysa, mamaya papasyal tayo." sabi ng matanda na nakaupo na ngayon sa lamesa habang namamahinga, samantalang siya ay hinuhugasan ang mga platong pinagkainan nila kanina.
"Wow talaga po? May pasyalan po ba dito?"
"Basta mamaya" tumayo na ito at pumasok sa loob alam niya na ang gagawin nito ang matulog sa tanghali siesta time ba..
Parang napakaalwan ng pamumuhay ni nana Salve dito, napakapayak hindi ko alam kung ano kinabubuhay niya at parang wala naman siyang pamilya kasi siya lang mag-isa dito yon ay base sa obserbasyon ko sa pantatlong araw na nilang magkasama pero atleast walang pressure di kagaya sa mansyon. Hays Martin ulit!
Talagang sumisingit ka talaga sa isipan ko huh.. Kumusta na kaya siya ngayon? Ano kaya ginagawa niya sa sa mga oras na ito? Malamang kung hindi siya busy sa prep para sa graduation day niya or sa negosyo or malamang kay Carol nag-da-date sila? Bakit ba pino-problema ko kung ano ginagawa niya, e baka di niya man lang napansin na wala ako sa mansyon ngayon. Ang sakit? Bakit ba patay na patay kasi ko doon ang sama naman ng ugali niya, kung sana kay Paul na lang kaso kaibigan lang tingin ko sa kanya."Oh Ysa, tara na., tulala ka na naman hija, napapansin ko na yan huh" akalain mong ilang oras na naman pala akong tulala.
✋✋✋✋
Hello! Thank you for keep in touch and updated to my story. 😊
I hope you will like it! 😍😍😘
BINABASA MO ANG
Ysabella Reyes
RomanceKung siya lang ang masusunod gusto na niyang tapusin ang pagmamahal na mayroon siya kay Martin. Hanggang saan kaya ang hangganan ng pag-ibig niya para sa lalaki? "Gusto ko ng matapos ang kabaliwan ito." -Ysabella