Ika-27 kabanata "Graduation day"

17 0 0
                                    


"Congratulation hijo, I am so proud of you son" ani ng masayang don bago nagyakapan ang mag-ama.

"Thank you Pa, I dedicated this to you!". Masayang ipinakita niya at inabot sa ama ang diploma maging ang mga certificate nito na nglalaman ng mga matataas na award na ipinagkaloob dito kasama na pangunguna nito sa buong batch nila.

"Se-senorito Martin, Congratulations p-po" nagbakasakali akong batiin siya total kasama naman nila ako.

Tumingin ito sa kanya na blangko ang mukha agad na naman akong pinanigasan ng katawan sa malamig niyang tingin na iyon. Mamaya tumango lang ito sa kanya bilang tugon sa pagbati niya rito.

"By the way son, I arranged you a party in the house so invite your buddies to enjoy"

"Wow Pa, I didnt expect, I'm surprised. Thank you so much." sagot ni Martin na halatang di inaasahan na may ganun ang Don.

"Yes, it's unli foods and drinks!" sumenyas pa ito ng shot sign na ikinatawa nilang mag ama. Diko na rin mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan sila mag-ama.

"Excuse me, Don Rafael time for picture taking." singit ng personal photographer ng pamilya.

Tinawag ni Martin ang kanyang mga kaibigan at syempre si Carolina. Bumati ang mga ito kay Don Rafael, si Paul ang lumapit sa kanya at binati niya ito. Binigyan niya ito ng regalo galing sa allowance na binibigay sa kanya ng don di man kamahalan pero sana ma-appreciate nito.

"Wow Ysa baby, Thank you so much for this!" subrang napalakas pa ang pagsabi ni Paul sabay yakap sa kanya na di niya inaasahan nakaagaw tuloy sila ng pansin.

Nahihiya niyang inilayo ang katawan dito mula sa pagyakap di sinasadya na nagtagpo ang mga mata nila ni Martin parang malalim yon, madilim na tila ba kaya nitong sakupin ang pagkatao niya. Agad niyang ipinaling sa iba ang tingin mula dito.

Meron din naman siyang regalo para dito pero hindi na siya nagbakasakali na ibigay yon baka kasi hindi nito tanggapin. Baka masaktan lang ako ng husto lalo na at ibinuhos ko lahat ang effort para gawin yon kahit maraming mali at paulit ulit ako para maging perpekto ito.

"Oh baby, see you later and wait for my gift." agaw eksena ni Carol na hinalikan pa sa lips si Martin

😊

Napakaliwanag ng buong hardin, maging ang kanyang mga alagang halaman ay napakagandang tingnan kasama ng mga palamuting iginayak doon ng mga kinuha ng don para sa selebrasyon ngayon. Pili lamang ang bisita ng don Rafael na kanyang inimbitahan niya sadyang ganun ang don di ito mahilig sa mga umattend sa party, kung ang iba ay gustong gusto pumunta para makakuha ng mga prospect clients pero iba siya, ayaw niya ng ganun, gusto niya sa party, pawang kasiyahan lang walang halong negosyo e hindi naman ganun talaga sa totoong buhay kasi ang iba iyon ang way to deal big project kaya ang siste napaka-anti social tuloy ang datingan niya sa lahat pero ganun pa man hinahabol habol siya dahil sa likas nitong galing sa negosyo.

Nagsimula ng dumating ang mga bisita ni Martin, mga kaklase nito at mga kaibigan at marami pang iba na inimbitahan niya pa, wala naman pormal na programa basta andun ang lahat para kumain, uminom, sumayaw o maglunoy sa swimming pool na nakalaan din para sa party na iyon.

Naroon siya ngayon sa kanyang hardin na maging siya ay natuwa sa mga gayak nito ngayon, ipinagpaalam pa ito sa kanya ng don kung pwede ba itong isama sa mga aayusan, nahiya naman siya sa gesture ng don kaya sino ba siya para tumanggi saka ito na lang din siguro ang partisipasyon ko sa party ni Martin na kapag may napunta doon e matutuwa ito sa gayak. Pwede mag date doon ang mga magkapareha, mag karoon ng solo moments which is expected na kasi mga kabataaan ay malayo sa supervision ng kanilang magulang.

Nakakatuwa lang na ganito na ako mag isip parang liberated na rin, unti unti ko ng minumulat ang sarili ko sa mundo nila. Hays.

Ysabella ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon