Ika-7 kabanata-Ang Una

19 0 0
                                    


Nagmamadali siyang pumasok sa University. Kailangan pa naman niyang umabot sa unang klase kasi meron silang activity na gagawin at isa siya sa mga boluntaryo para pangunahan ito.

Nangunot ang noo niya ng makita ang ama na may kausap na batang babae sa may hardin. Tamang nakatingin lang sa kanyang ama ang babae habang nakikinig ito sa mga sinasabi ng Don.

Napahigpit ang hawak niya sa manibela. Sino ang batang babae na iyon? Bakit diko natunugan na mayroon pala kaming bisita. Kelan pa ito dito? Kaninong kayang anak ito?

Nagulat pa siya ng muntik na siyang bumangga sa poste na nakatayo malapit sa gate nila. Shit!

Hanggang sa school, iniisip niya pa rin ang tagpo kanina sa hardin.. Hindi naman niya nakita masyado ang mukha ng babaeng kausap ng kanyang ama bukod sa nagmamadali nakatagilid pa ito mula sa parking lot nila.

"Hon, are you with me?." narinig niyang tawag ni Carol sa kanya.

"Im sorry Hon, what it is?. Paguulit niya sa sinabi nito.

"Uhmmm. May problema ka Martin?" tanong ni Carol. Nakasimangot na ito.
Nasa Canteen sila ng paaralan ngayon para sa lunch break.

"Nope Hon, Im sorry, Iniisip ko lang yong ginawa namin activity kanina.

Nangunot lang ang noo ni Carol parang di naman siya naniniwala sa nobyo.

Ok hon, anyways, this coming sunday meron akong modeling event na pupuntahan." parang alangan pa sabi ni Carol sa kanya.

"ok. We have a practice also. Gusto mo ba sunduin kita after ng event?

No hon, actually it is my first time to ramp. Im sorry hon, pero di ako makatanggi. It was aunt ask favor to me, from Mama. I hope you will understand.

Oh! Nabigla siya sa pinagpapaalam ni Carol ngayon. Hindi lang naman ito ang unang beses na nagsabi ito na may kumukuha sa kanya para maging model. Pero ito unang beses na pumayag ito. Wala naman sa kanya iyon kasi I know its Carol dream to be a model pero as I always told her na magpapakasal kami right after our graduation. We are in same year, we are in both business course. Baka isinantabi niya na maging model dahil sa bandang huli, she will be the one to handle most of there businessess esp. in hotel.

Oh hon, don't worry about that, Im so proud of you. I will try my best to watch you. " masayang sabi ni martin para dito.

Doon biglang umaaliwalas ang mukha ni Carol. Nawala ang agam agam na baka magalit siya sa sasabihin nito. And I was glad that he consider me. And I love her so much. I kissed her softly.

✌✌✌✌✌✌

Samantala sa mansiyon ng mga Valdemor, magkaharap sila ng Don habang kumakain ng hapunan. Iniisip ni Ysa, parang ang lungkot ng matanda kasi walang kasama itong kumakain. Nakaramdam siya lungkot para sa matanda. Sa pagkakataon na ganito nakaramdam siya na parehas lamang sila ng matanda. Parehong nag-iisa na sa buhay. Napalunok siya sa isipin na baka, naku po, ano ba naman ang iniisip ko hindi maganda. Napatutop pa siya ng kanyang bibig na agad naman napansin ng Don.

Ysabella, may problema ba?

Ay wala po Don Rafael, huwag niyo po akong intindihin." napapahiya kong sagot sa matanda.

Siya nga pala iha, nalaman ko ki Salve na hindi ka raw nakapag aral?

O-opo.

Gusto mo bang mag-aral?.

Po?. Nagulat ako sa tanong ng Don. Yon ang pangarap ko talaga kasi naniniwala ako na kapaga nakapag aral ako makakaahon kami sa hirap. Hindi ko mang-mang kagaya ngayon.

Kaso nag aalangan siya kasi matanda na siya para pa mag aral nakakahiya sa magiging kaeskwela niya.

Gusto ko po Don Rafael pero matanda na po ako." sagot ko dito

Ysabella, huwag kang mag-alala akong bahala." pahayag nito. Hindi na itong matanda na nakita niya dati na masungit. Malambot ang expression nito.

"Salamat po Don Rafael, utang ko po sa inyo ang buhay ko. Salamat po sa pagtulong niyo sa akin kahit di niyo ako kaanu-ano." naluluha kong sabi.

"Oh. No problem iha." kumain ka na.

Opo salamat ulit. Hayaan niyo po kapag nakapag tapos po ako, makaasa po kayo na babayaran ko po lahat ng magagastos niyo." sabi ko dito.

Bahagya natigilan ang matanda at sumilay ang isang ngiti sa labi nito na ngayon lang nakita ni Ysa. "Kumain ka na.

"Papa!." biglang may nagsalita sa bungad ng pintuan. Nakatayo doon ang isang lalaki na sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng kakaibang kabog sa dibdib. Sino ang lalaking ito? Iba ang angkin nitong kagwapuhan. Para siyang nakakita ng artista particular na yong sa ibang bansa. Makikita mong misteryoso pero may pagka-strikto kagaya ng Don.
Mataas din ito at mahubog na ang katawan. Bahagya siyang yumuko ng mapadako ang tingin nung lalaki sa kanya.





Ysabella ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon