Ika-20 na kabanata-"New"

16 0 0
                                    

Ako ba talaga ang nasa harap ng salamin ngayon? Makailang ulit siyangnn napakurap at sinipat ng maigi ang sarili sa harap ng salamin. Hindi ko akalain na ganito ang magiging resulta maging ako ay napahanga sa aking bagong replika ngayon. Nakataas ang dating nakalugay kong buhok na nilagyan ng isang maliit na kulay silver na hairclip.
Samantalang ang suot niyang moose green halter neck mini gown ay bumagay sa kanya na aakalain mong siya ay ganap ng dalaga nadagdag pa dito ang taas niyang 5'5 ft. sa kanyang edad na 17.

"Wow!  Ysa,  aba'y kaganda mo naman e. Ikaw ba yan?!". Sabi ni Manang Rosita na kanina pa palatak ng palatak sa kanyang bagong anyo.

"Salamat po Manang. " hinihintay na lang nila si Paul. Mga 6:00 pm eksakto daw ito darating.

Naroon sila sa sala ng mansyon habang naghihintay hindi niya na nakita si Martin malamang nandoon na ito kina Carolina.  Lihim siyang nanghihinayang at di nakita ni Martin ang kanyang ayos pero sabagay magkikita din naman sila mamaya. 

"Your so gorgeous darling!. " si Don Rafael iyon galing sa kanyang opisina sa loob ng mansyon. "I can't believe,  your so beautiful iha and I thank Paul for bringing out this side of yours. " humahanga talagang sabi ng don ng makalapit ito.

"Thank you po don Rafael sa pagpayag niyo po sa akin. "

"Ysa, prince charming mo andyan na." sabi ni Manang Rosita.

Napalunok siya ng makita ang ayos ni Paul.  Oh kay kisig nito, aakalain mong isa na itong titulado sa kanyang presensiya idagdag pa ang kakaibang karisma nito ngayon. Naka-black suit ito na bagay na bagay sa kanya.  Naka-brush up ang laging magulo nitong buhok.

"Is that you Ysa?  My lady?. " maging si Paul ay napahanga niya din. "Youre so lovely, darling".

"Thank you Paul,  Ang gwapo mo rin sa ayos mo ngayon." binati niya din ito ng tunay at tagos sa kanyang loob.

"Anyways,  tito, we have to go baka po maabutan kami ng traffic sa daan. " paalam nito sa Don.

"oh sure,  please take care of my Ysabella." bilin ng Don.

"Yes po I will. " saka lumpit kay Ysabella at itinaas nito ang kanyang kaliwang siko para doon ikawit ni Ysa ang kanyang kamay.

Nang makapasok na sila sa mansyon,  ang pinagdarausan ng party ni Carol nalula siya sa lawak ng lugar.  Talaga bang may ganitong bahay parang pwede na kami mgpatayo ng maliit na kubo sa lawak. At ang taas ng ceiling nito na sa gitna ay mayroong malaking chandelier at hula ko di lang libo ang presyo noon milyon.  Napalunok siya sa isiping iyon, di mo aakalain na may ganitong side pala ng mundo,  mayroon nag aaksaya ng malaking pera para lamang sa mga gamit at sa kabila na kagaya kong hikahos,  mahirap pa sa daga ay halos pambili ng pagkain wala kami kung kaya't kung kahit anong paraan ng hanapbuhay para lang mabuhay.  Nakaramdam ako ng lungkot dahil naalala ko bigla ang aking ina,  kamusta na kaya ito?  Minsan nakokonsensiya akong nakakaranas ng ganitong buhay na mayroon ako ngayon siya kaya ano?  Baka pinapahirapan na naman ito ni Amado. 

Naramdaman niyang may pumisil sa kanyang kamay at nakita niya si Paul na nakangiti sa kanya. "Let's go.? "
Tumango siya dito at nagsimula na silang humakbang.

Maraming bisita at alam mong may mga sinabi sa buhay ang mga naroon,  nakita niya mga grupo ng mga naggagandahang babae na ikinaliit niya,  yong level ng confident na dala dala niya kanina at mga pabaon sa kanya nawala na lang bigla. Subra siyang na-insecure, heto siya ngayon parang trying hard na pumasok sa mundo nila.

Parang nahalata ni Paul ang pag-alangan sa mga hakbang niya.  Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Ysa,  don't feel nervous ok?.  You are beautiful!.  Ginagap nito ang kanyang mukha.

"I'm sorry Paul,  pero diko mapigilan ang kaba ko, at saka bago sa akin ang ganitong experience. " hingi kong dipensa dito.

"But I'm here ok." assurance galing kay Paul.

Muli niyang nilibot ang paligid,  kitang kita mo talaga ang karangyaaan na kung ano ang mayroon sa lugar na iyon mula sa mga dekorasyon, sa mga pagkain na nasa sa kabilang gilid na malaya mo itong mapuntahan at makain.  Tunog naman ng mga nglilingkisan kopita ay iyong maririnig kasabay nito ang mabining pag-inom sa laman noon. Sa gitna ay mayroon entablado na kung saan doon rarampa ang mga kasamahan model ni Carolina.  Ito ay ang kanyang debut party sa modelling world.  Napakayaman talaga na pati ang mga ganoong bagay ay isini-silebra.

Ysabella ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon